Chapter 7

2548 Words
IT was an unbelievable dream, so absurd that no one would accept it as true. But Corazon knew it was all real. It wasn’t just a reverie or a figment of her imagination. It happened to her… to them. They shared those moments of bliss. They felt all those emotions of love. They were bounded by it. Para siyang lumulutang sa kawalan ng mga sandaling iyon. Kanina lamang ay hawak siya sa bisig ni Romeo, no… it was Cariño… but how did that happen? She was puzzled. Everything wasn’t cleared to her yet. There were still some details that were shrouded in her mind that she couldn’t fathom. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip. Napasigaw siya. Disoriented na bumangon siya. Hindi niya naramdaman na nakahiga pala siya kanina. Ni hindi niya alam kung bakit nasa loob siya ng silid gayong kasama lamang niya si Cariño kanina. Tinawag niya ang pangalan nito. Pinilit niyang tumayo pero nagpasirko-sirko ang paningin niya at naging mabuway ang mga tuhod at binti niya. Bumagsak siya sa kama. She cried. She felt pain all over. She felt like dying. Tinawag niyang muli ang pangalan ni Cariño ngunit wala siyang natanggap na sagot mula rito. “Cariño! Cariño?! Cariño…” she screamed, she cooed. “Corazon? Corazon?!” Humahangos na lumapit ang isang bulto sa kanya at dinaluhan siya sa kama. Alalang-alala ang tinig na iyon at pilit siyang pinapakalma. “Cariño?” usal niya. “Ako ito, si Sabel. Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Okay ka lang ba?” Unti-unti ay napagsino niya ang dumating. Bahagyang lumiwanag ang kanyang isip. She breathed in and breathed out. Inabutan siya ng isang basong tubig ni Sabel at inalalayan siyang uminom. “Mukhang hindi mabuti ang lagay mo. Magpapatawag ulit ako ng doktor.” “Sabel…” mahinang tawag niya at marahang naupo kahit nahihilo pa siya. “I’m starting to remember things…” siwalat niya. Sabay na gumuhit ang pagkabigla at kasiyahan sa mala-anghel na mukha nito nang marinig ang sinabi niya. “Mabuti naman kung ganoon. Pero ‘wag mo munang pilitin masyado ang sarili mo. Tandaan mo ang bilin ng doktor sa ‘yo,” anito nang humupa ang intensidad ng emosyon. “I have to tell you something… Hindi ko alam kung paniniwalaan mo pero gusto kong pakinggan mo muna nang maigi and let me know if what should I do…” buwelo niya bago ibahagi rito ang mga pitak ng mga ala-alang sumambulat sa isipan niya. “Si Romeo… I know him but he used a different name before… Cariño, iyon ang pangalan niya at… kami ay… we are together… I’m his fiancée,” siwalat niya sa naaalala. Bumakas ang pagkalito sa maamo nitong mukha na sinundan ng pagkagulat nang tila matanto nito ang implikasyon ng sinabi niya. “That’s impossible!” bigla ay bulalas nito. “Alam ko na mukhang imposible pero hindi ako pwedeng magkamali. Totoo ang ala-ala ko. Hindi ko alam kung paano nangyari pero iyon ang katotohanan. Kailangan kong makausap si Romeo… si Cariño tungkol sa bagay na ‘to.” “Oh, Corazon… Umalis si Romeo ngayon dahil may emergency sa kumpanya. Hinatid lang niya tayo kanina pagkatapos mong mahimatay sa mall. At nang dumating ang doktor at masiguradong maayos na ang lagay mo ay ibinilin ka niya sa akin bago siya umalis.” “Baka pwede mo siyang tawagan, Sabel. Please, please. I really need to talk to him,” sumamo niya. Parang pinipiga ang puso niya. Ginagap nito ang palad niya. “Listen, Corazon. Even what you are saying is true, hindi ibig sabihin no’n na maaalala ka rin ni Romeo. He lost his memories katulad ng sabi ko sa ‘yo. Pitong taon ng buhay niya ang hindi niya maalala at kung parte ka niyon ay pwedeng… pwedeng…” tumitig ito sa kanya, tila kumukuha ng pang-unawa sa gusto nitong idugtong na sabihin. “…permanente ka na niyang malimutan…” Mas lalong nanikip ang dibdib niya sa posibilidad nang sinabi ni Sabel. Subalit ayaw sumuko ng puso niya. “But I remembered… my heart remembers… my soul… I know it’s him and I just can’t let him go. I need him. I… I love… him…” wika niya at sunod-sunod na naman ang naging pagbalong ng luha. Niyakap siya ni Sabel at inalo. “Magpahinga ka muna, Corazon. We’ll talk about it again kapag mas maayos na ang pakiramdam mo. And I’ll try to reach Romeo to give him a heads up regarding with what you’ve said. Okay?” Napilitan na lamang siyang tumango dahil wala naman siyang ibang pagpipilian sa ngayon. Pero sisiguraduhin niyang makakapag-usap sila ng masinsinan ng lalaki. Hindi siya makakapayag na mabale-wala ang kanilang pag-ibig. Kung kailangan niyang ikuwento lahat dito mula sa simula ay gagawin niya maalala lamang nito ang pinagsamahan nila. Gagawin niya ang lahat kahit ano man ang mangyari. ROMEO was feeling uncomfortable with what Sabel relayed to him. He was told that Corazon could now remember few of her memories and she could remember him as her fiancé. There was this gnawing sensation in the pit of his stomach that he couldn’t ignore. It might sound funny but he was considering it as a possible truth and at the same time, a sheer deception. Napalaking coincidence naman marahil na siya ang nakatagpo rito at nagka-amnesia rin ito. Hindi niya alam kung pwedeng pekein iyon. Marahil ay hindi sapagkat mga kakilala niya mismong doktor ang tumingin dito kaya malabong nagpapanggap ito. At noong makita niya itong sugatan ay totoo ang lahat ng iyon at malabong acting lamang. But it could still be a scam. A fraud. Panibagong pakulo ng mga sindikato? Paandar ng mga kalaban nila sa negosyo? It was a big scheme kung ganoon nga at kung isang tauhan si Corazon ay napakahusay nito sa pagganap nito. Naguguluhan siya kung ano ang dapat niyang paniwalaan. Pero may isang bagay siyang inaaasahan, na maniniwala siya sa babae oras na magkausap sila. Sigurado siya roon dahil iyon ang nararamdaman ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya nga ayaw niya muna itong kausapin habang nag-iisip siya ng maiigi. Kailangan niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay nang hindi niya pagsisihan iyon. Hiningian na rin niya ng opinyon si Sabel. Base sa isinagot nito sa kanya ay mukhang hati ang pakiramdam nito. Sabel said that Corazon’s emotions when she was telling the story was so real, it affected her. Pero kung paiiralin ang teknikalidad at lohikal na pang-unawa ay tila pareho silang ng agam-agam na nagsisinungaling lamang ang babae at nagtatahi lang ng kuwento. Binilinan niya ang kaibigan na huwag munang ipagsabi kahit kanino ang mga sinabi ni Corazon maging sa mga magulang niya. Sumang-ayon naman ito at sinabing iyon ang mabuting gawin din sa ngayon. Malalim ang naging pagbuntong-hininga niya. “I guess, there’s only one way to find out,” bulong niya sa sarili at lumabas ng study. Tinungo niya ang silid ng babae. Nadatnan niya itong mahimbing na natutulog. She looked so serene and beautiful. Marahan niya itong nilapitan at hindi niya napigilan ang sariling titigan ito. Hinahanap niya sa puso at isip ang ala-ala na bahagi ito, kung mayroon man. Kasama ba ito sa pitong taon ng buhay niya na nalimot niya? Totoo ba ang sinasabi nitong ugnayan nila? Ano’ng nangyari at nagkahiwalay sila? Lumuhod siya sa harap nito. Nababato-balaning hinaplos niya ang pisngi nito. May hatid na init iyon sa kanya. He was startled when she moved and opened her eyes. Two magnificent blue loops striked him. Mukhang nagulat din ito nang makita siya at napabalikwas ng bangon. Bigla siya nitong niyakap at nagsimulang umiyak sa balikat niya. She kept calling him with a different name, the same name she called him before when she kissed him. “Cariño…” It didn’t ring a bell to him. “Corazon,” mahinang banggit niya sa pangalan nito at hinaplos-haplos ang buhok nito. Hinayaan niya muna itong lumuha upang mailabas nito ang nararamdaman. Tiningala siya nito makalipas ang ilang sandali at pinagsalikop ang mga palad sa magkabilang pisngi niya. Tila namamangha itong masilayan siya. “I found you. You’re here with me again.” Magkahalo ang lungkot at saya sa tinig nito. “Naguguluhan ako, Corazon. Hindi ko malaman kung ano ang iisipin ko. Wala akong ala-ala ng mga sinabi mo kay Sabel.” “I’ll help you remember, Cariño. Find me in your heart, feel it from there.” “I hope it’s that easy but science doesn’t work that way.” Bahagya itong lumayo sa kanya at itinuro ang sing-sing sa daliri nito. “Ito, itong sing-sing. Ikaw ang nagbigay nito sa akin. Ikaw mismo ang gumawa nito sabi mo. Your family sells and makes jewelry. Please, try to remember.” Puno ng pagsamo ang boses nito sa pagkakataong iyon. But he just couldn’t really remember a thing. “My family doesn’t own a jewelry shop and I don’t even know how to create a ring by myself. Maybe I’m not that person. Maybe it’s someone else that I just look like.” “No!” mabilis na kontra nito. “Alam kong ikaw si Cariño. Hindi ako pwedeng magkamali.” “Ilang taon na kayong hindi nagkikita ng Cariñong ito? Naaalala mo ba? I lost seven fuckin’ years of my memories, Corazon. And I’ve been with my family for a decade since I’m 22. If you’ll calculate it, it has been more than ten years mula nang hindi kayo magkita ng lalaking binabanggit mo. A lot of things could happen in ten years including someone’s facial features. You could have misidentified me,” esplika niya, pinapairal ang kritikal na pag-iisip. She was silent. He could see in her eyes that she was trying to grasp the information but too disoriented to say a word. Hinawakan niya ito sa mga balikat. “I don’t want to hurt you. I want to help you, okay? We’ll talk to a doctor again. We’ll get a specialist. They might not have helped me get my memories back but they might be able to help you.” “Pero alam kong ikaw ‘yan. Napaka-imposibleng magkamali ako. Pipilitin kong maalala ang lahat para mas maipaliwanag ko sa ‘yo. Papatunayan ko sa ‘yong totoo ang mga naaalala ko… na ikaw talaga si Cariño.” Muling bumalong ang mga luha sa mga mata nito. He wiped-off her tears using his palms. He just couldn’t bear seeing her crying. “I’m really sorry, Corazon. I hope I have all the answers, too. But I don’t… and I don’t think I will ever have it. Maybe, it’s time for us to move on? Create new memories? I know it’s hard at first but eventually you’ll get used to it,” he said talking from experience, having that blank space in his mind for years. “Ayoko, hindi ko kaya,” anitong hindi pa rin maampat ang luha. “Let’s not make things complicated, Corazon.” Tumayo siya at inalalayan itong makabalik ng maayos sa higaan nito. “Have a good rest, I’ll have the doctor visit you by tomorrow.” Tumalikod na siya kahit ayaw niya itong iwan sa ganoong kalagayan. Pero alam niyang hindi matatapos ang usapang iyon dahil nasa mukha ng babae ang hindi pagsuko hangga’t hindi niya ito pinaniniwalaan. Isang bagay na hindi niya magagawa base sa sitwasyon nila ngayon. “Mahal kita. Mahal na mahal kita,” habol nito. Napalingon siya rito bago tuluyang makalabas. “I wish I can say the same,” aniya at tuluyang umalis ng silid nito. Nang mailapat niya ang pagkakasara ng pinto ay napasandal siya roon. He felt so exhausted. He wanted to cry, too. But he couldn’t. It seemed his brain couldn’t find the reason to cry. Naglakad na siyang palayo roon bago pa manaig ang puso niya. TANGHALI na nang muling magmulat si Corazon dahil buong magdamag siyang gising pagkatapos nilang mag-usap ni Romeo. Pinilit niya ang sariling makaalala pa pero tila may malaking batong humaharang sa lagusan ng isip niya. Wala siyang ibang maapuhap sa nakaraan maliban sa ibang bagay na naaalala na niya. Pero hindi iyon sapat para maipaliwanag niya at masagot ang mga tanong ni Romeo. Paano silang nagkahiwalay nito? Bakit sila nagkahiwalay? Natuloy ba ang kasal nila? Nagkaanak ba sila? Iniwan ba siya nito? O siya ba ang umalis? Ano ang buong nangyari? Kung kukuwentahin niyang maigi base na rin sa eksplanasyon ng lalaki ay sampung taon na silang hindi nagkikita nito. Kung ganoon nga, ibig sabihin ay sa kaparehong taon na ginanap ang ikalabinwalong kaarawan niya ay nagkahiwalay sila nito. Ngunit ano ang dahilan? Ang kanyang ina? Inilayo ba siya ng ina kaya nagkahiwalay sila nito? O nagtanan ba sila nito at naaksidente sila? Nasaan din ang mga magulang ni Cariño na may-ari ng tindahan at pagawaan ng alahas? At anong pangalan ng bayan nila? Kung maaalala niya lang maski ang pangalan ng lugar nila ay pwede niya iyong hanapin at puntahan. Tiyak na may mga tao pa roon na nakakakilala sa kanila. Baka nandoon lang din ang ina niya at ang mga magulang ni Cariño na naghihintay lang sa pagbabalik nila. Naputol siya sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng silid niya. Bumungad roon si Sabel na masigla siyang binati. Pumasok ito at tinungo ang bintana. Ibinaba nito ang venetian blinds at nawala ang sinag ng araw na kanina pa tumatama sa mukha niya. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. “Kamusta ka?” Naupo siya at sumandal sa headboard ng higaan. “Gusto ko nang makaalala, Sabel. I want to remember everything.” “Naiintindihan ko, Corazon pero huwag mo sanang pwersahin ang sarili mo. Hindi ‘yan makakatulong sa kalagayan mo. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Sa loob ng maraming taon ay nakita ko ang parehong pinagdaanan ni… Romeo. Sa huli, tinanggap na lang niya na hindi na babalik ang ala-ala niya. I’m not saying this to discourage you but I would like you to consider the possibilities. Kung makaaalala ka man ulit at totoo ang lahat ng mga sinabi mo, kailangan mong isaalang-alang na hindi na babalik ang kaparehong ala-ala kay Romeo.” “I really appreciate your concern, Sabel. And I thank you so much for helping me. But I just can’t let this go. This is my life. My life depends on these memories. If he lost his hope to bring back those memories then I’ll be his new hope to remember the past,” puno ng conviction na pahayag niya. Ngumiti ito at ginagap ang palad niya. “I hope all the best for you. For now, would like to see the doctor? Kanina pa siya actually nandito kaya inakyat na kita.” Pinilit niyang ngumiti at tumango rito. “I have prepared breakfast… err… lunch for you. Dumaan ka muna sa komedor para kumain. Babalikan ko lang si Doctor Pacifico to let him know na pababa ka na.” “Salamat, Sabel. I’ll just fix myself and I’ll follow.” Niyakap siya nito bago ito nagpaalam. Nang makalabas ito ay nagsimula na rin siyang mag-ayos. Humarap siya sa salamin at nakita ang mugtong mga mata. Kinurot niya ang magkabilang pisngi. “Stop brooding, Corazon and take back the love of your life,” sabi niya sa sarili. She forced another smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD