Lakad at takbo ang ginawa ko para makarating sa bahay. Mabuti at hindi ako sinundan ni Xandro dahil kung sumunod siya baka bumigay na ako. Halos marinig ko na ang ti**k ng aking puso. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto, hinawakan ko ang aking dibdib, bakit ang bilis ng pintig nito?
Gusto ko siya, pero sapat na bang dahilan yun para pagbigyan ko ang kahilingan niya?
"Let's try, please. At kung sa tingin mo it won't work, na hindi kita deserve, then i'll stop. Just let's try, Baby, please."
Bumabalik sa isipan ko ang huling sinabi niya. Kaya ko bang sumugal?
Pagkatapos magbihis ay bumaba ako sa kusina, wala pa sina inay at itay. Malamang nasa palayan pa. Kung sakali mang susubukan ko ang gusto ni Xandro, handa na ba ako kung sakali mang pagdating ng panahon ay mawala ang interes niya sa akin?
Uminom ako ng tubig at tsaka umupo sa bangko na gawa ni itay. Tiningnan ko ang cellphone, wala siyang text sa akin, siguro natauhan? At narealize na hindi naman talaga niya ako gusto. Pero bakit nalulungkot ako. Nasa malalim ako na pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko.
Si Xandro ang tumatawag, kusang pinidot ng daliri ko ang keypad para sagutin ito.
“Nandito ako sa labas ng bahay niyo.” Mahinang sambit ni Xandro sa kabilang linya.
Bigla akong kinabahan, paano kung darating sina inay at itay.
"Open the door, please."
Pinagbuksan ko siya ng pinto, nakatukod ang kanyang kanang kamay sa frame ng pinto namin. Matangkad si Xandro kaya tiningala ko ang mukha niya, hindi ko mabasa ang mga mata niya, parang may lungkot na kaba. Biglang tumulo ang luha ko kaya nagbago ang mukha niya at inabot ang pisngi ko. Kusa siyang pumasok sa sa loob ng bahay.
“Seryoso ako Hanna, I know you’re scared, but trust me, hindi kita sasaktan.” Pagsusumamo niya habang hawak ang pisngi ko.
Hindi ako sumagot kaya inilapit niya ang mukha sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga, like mint pero may halong sigarilyo. Tumikhim ako.
"Amoy sigarilyo ka."
“Hindi mo gusto? Ititigil ko.”
Ano ba ang ititgil niya? Sigarilyo o ang pangungulit sa akin? Himbis na umiiyak ay natawa sa ako sa sagot niya. Sinabi ko lang naman ang naamoy ko at hindi ko sinabing hindi ko gusto. Pero masaya ako sa narinig ko, he considered kung ano ang nararamdaman o gusto ko.
“Sira. Boyfriend ba kita? Para sabihing tumigil ka.”
He looks happy, kumislap ang mga mata niya. Napatigil ako ng mas lalong inilapit niya ang kanyang mukha, dumantay na ilong niya sa ilong ko. Sobrang lapit niya, na parang di na ako makahinga.
“Kahit sabihin mong itigil ko paghinga gagawin ko, Hannah.”
Tumikhim ako at sinubukang hindi ipakita na nagustuhan ko kung gaano kami kalapit sa isa’t isa. Hinawakan niya ang labi ko. Tiningnan kong maigi ang mukha niya. Bakit ang gwapo niya? Mula sa pilik-mata, pointed nose at kahit ang mga labi niya ay perfect sa paningin ko.
Ilang segundo kaming nagtitigan. Magsasalita sana akong muli ng hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Halos lumuwa ang mata ko sa ginawa niya. He kissed me. Habang ako ay hindi pa makahuma, kita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata. He kissed me passionately. Hinawakan niya ang batok ko gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay bumaba sa baywang ko. Gusto ko ang ginagawa niya. Kaya siguro marami ang maagang nabubuntis, dahil nadala sa init. Biglang nag-init ang buo kong katawan. Kusang pumikit ang mata ko at tinugon ang halik niya. He is my first kiss. Hindi ko alam paano ang humalik kaya ginaya ko ang ginagawa niya.
He moved his lips. Kinagat pa niya ang ibabang labi ko. He started moving his lips then naramdaman ko ang dila niya. Sira na ata ako dahil gustong gusto ko ang ginagawa niya. Para na akong naubusan ng hangin. When I open my eyes, ganun din ang ginawa niya then he stop kissing me. Nakita ko ang pagngiti niya.
"Don't hold your feelings, Hannah. Alam ko, pareho tayo ng nararamdaman. Give us a chance, Baby. Please."
Nasa ganoon kaming posisyon ng marinig ko si inay sa labas.
“Hannah, nandito si Sanjoe, hinahanap ka.”
Sa gulat ay natulak ko si Xandro. Sabay pumasok si inay at Sanjoe. Tiningnan ko si Xandro pero kalmado lang ang mukha niya. Habang ako ay parang nagising sa isang pagkakasala. I’m not guilty pero bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni inay, hindi ko pa lubusang kilala si Xandro. Pero nagpahalik ako, ang masaklap nagustuhan ko pa.
Ngumisi siya sa akin at pagkatapos ay tumingin kay inay. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Sanjoe na para bang wala ito.
“Magandang araw po aling Monica.” Bati niya kay inay.
“Oh Xandro, napadalaw ka. Buti at may dala akong kakanin, sumabay ka na sa pagmeryenda sa amin. Itong si Sanjoe, sinama ko na, mapilit kasing ihatid ako dito dahil may ani pa sila Tonyo.”
“Hindi na po, may lakad pa kasi ako. Sa susunod na lang po.” magalang niyang tanggi sa anyaya ni inya.
Palabas na siya pero muling lumingon at tinapik sa balikat si Sanjoe.
Habang nagmemeryenda ay wala sa loob ng bahay ang isip ko. Sumasagot ako pag sinasali sa usapan pero lutang ako. Nasa isip ko parin ang nangyari kanina. Mahal ko na ba si Xandro? Iba ang t***k ng puso ko kapag siya ang nandito. Panay ang tingin sa akin si Sanjoe at tinutugon ko lang iyon ng isang tipid na ngiti. Nahahalata niya ba na balisa ako? Ayaw kong masaktan si Sanjoe. Sobrang bait niya sa akin. Maituturing ko siyang isang tapat na kaibigan bukod kay Arlene.
Kung pwede lang turuan ang puso. Si Sanjoe, siya ang pipiliin ko. 16th birthday ko nun nung pinahayag niyang may gusto siya sa akin. Subalit bata pa raw ako. Kaya hihintayin niyang tumuntong ako ng 18. Naghintay nga siya. Pagkatapos ng 18th birthday ko ay nagpaalam siya kay nanay at tatay na akyat ng ligaw. Handa daw siyang maghintay hanggang sa makatapos ako. I already told him na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kung iisipin, kuya lang talaga ang turing ko kay Sanjoe.
Lumipas ng matulin ang linggo. Bukas na ang college day. Kinabahan man ay handa na ako. I’m grateful na malaki ang suporta ng mga classmates ko. Hindi lang sila, kundi ang buong Tourism Department na rin.
Pero malungkot ako, ang huling kita ko pa kay Xandro ay noong hinalikan niya ako. Pagkatapos nun naglaho siya na parang bola. ‘Ni wala akong text na natanggap mula sa kanya. Kapag talaga bigla siya sumulpot sa harapan ko ay hindi ko sya papansinin. Ninakaw niya lang unang halik ko. Nasasaktan ako. Baka nadisappoint siya sa akin. Pero sabi niya he’s serious.
“Han, pupunta tayo ngayon sa 3rd floor. Sabi ni Mildred dun daw ang final fitting ng mga isusuot mo bukas.” Excited na wika ni Arlene.
“Sige na, mas excited ka pa sa akin eh. Heto nga ako kinakabahan na para bukas.”
“Wag kang kabahan, alam mo naman diba from the bottom of my heart to my head and toes ay susuportahan kita.” Maarte na sabi niya.
Kaya mahal ko tong kaibigan na’to. Alam kong lagi siyang nakahanda na suportahan ako sa lahat ng bagay. Kahit na minsan parang may tupak to.
Pagkatapos ng fitting ay umuwi ako kaagad. Sinabay ako ni Sanjoe. Tulad ng dati, kwentohan at asaran. Gusto ko mang alamin kung nasaan si Xandro ay hindi ko na tinanong. Pero nabanggit niya kanina na nasa Maynila si Sanjoe. Bibisita daw muna ito kompanya ng dad niya bago bumalik sa ibang bansa.
Bigla akong nalungkot. It hurts me knowing na totoo nga ang sinasabi nila. Sinungaling siya, paasa. Naiiyak ako. Pagkarating ng bahay ay dumiritso na ako sa kwarto at dun ako umiyak ng tahimik.
Mugto ang mata ko pagkagising. Ngayong gabi pa naman ang Miss San Jose College. Buti na lang hindi gaanong halata.
“Hannah, ang ganda mo.” Wika ng grupo ni Mildred matapos akong ayusan.
Kanina pa sumasakit ang paa ko. Paano ba naman, ang taas ng heels na sinusuot ko. Masaya ako at nandito si Arlene at Sanjoe sumusporta sa akin. Lalo na sina inay ta itay. Kitang-kita ko gaano sila kaproud sa akin habang nasa ibaba kasama ng mga estudyante at nanunuod.
“Hannah, ikaw na.” sabi ng school mate ko.
Ito na ang pangatlong outfit ko ngayon. I'm wearing a red two-piece pero hindi siya malaswa tingnan. Lahat kami ay naka cover up. Kita man ang katawan ko ay hindi naman ka-bastos bastos tingnan. Habang papalabas mula sa backstage ay grabe ang kaba ko.
Pagkalabas ko ay naghihiyawan na ang mga estudyante. Lalo na ang grupo ng mga kalalakihan, I think ibang departamento sila.
Malapit lang grupo sa inuupoan nila nanay at tatay. Narinig ko pa ang isa na sumisigaw.
“Hannah, nagpaalam na ko kay Mang Tonyo!” sabay palakpak. Kilala ko yun ah.
Hindi ko sila pinapansin at patuloy sa paglakad. Nilakihan ko ang ngiti. Sabi nga nila bukod sa height, katawan at mukha ko ay isa sa asset ko ang aking ngiti. Ayaw kong sayangin ang effort ng department naming kay gagawin ko ang lahat. After this ay irarampa na namin ang gown. Question and answer then saka malalaman kung sino ang papalarin sa amin.
Walang kabig sa lahat ng representative each department kaya kinakabahan ako.
While walking, I tried my best na tingnan ang judges at ngitian ng matamis. Ngunit habang naglalakad na ako kabilang bahagi ng stage ay napansin ko ang isang bulto. Medyo madilim sa parte na yun, pero hindi ako maaaring magkamali. It’s him. Si Xandro. Ng medyo natapat siya sa moving lights ay nagulat ako. Hindi nga ako nagkamali, si Xandro nandito. Nakita ko ang blangko niyang mukha, umigting ang kanyang panga at tumingin sa grupo ng estudyante na kanina pa pumalakpak sa akin.
“Xandro.” Mahina kong bulong. Alam kong nabasa niya ang mga labi ko.