Episode 3

1675 Words
Napabalikwas ako ng bangon, lumingon ako sa paligid ngunit wala ako sa sariling silid. Biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Naalala ko ang huling nangyari kagabi, ang takot, pag-iyak ko at ang yakap ni Xandro. Pero mas Lalo akong Nawala sa sarili ng mapansing iba na ang soot kung damit. Kinapa ko ang sarili, ganon ba ako kalutang kagabi at hindi namalayan na napalitan ang damit ko? Sabi ng doctor ng huli kong check-up, okay na ako, pero bakit bumalik ang lahat ng takot ko kagabi. Bigla akong nagising sa matinding pag-iisip ng bumukas ang pinto, iniluwan si Xandro, nakacargo short lang siya at white t-shirt. Diritso niya akong tiningnan habang nakahalukipkip. Naalala ko tuloy na iba ang soot ko. "Teka, bakit hindi mo ako inuwi kagabi, alam mo bang hindi sanay ang inay at itay ng hindi ako umuuwi. Saan ang damit ko? Sino nagbihis sa akin? 'Wag mong sabihing ikaw ang nagpalit ng damit ko?" galit kong sabi. Pero anong problema ng lalaking 'to, ngumisi lang at lumapit sa akin. "Alam mo bang ngayon lang may tumalak sa akin ng maaga? Pero okay lang, masarap naman sa tainga." sabay ngisi. "Huwag kang mag-alala, hindi ako bastos tulad ng sinasabi mo. Binihisan lang kita dahil parang hindi ka sanay nakabestida matulog, ang likot mo, kung saan-saan na lumihis ang damit mo kagabi. Pero kung magiging tayo, dapat sanay kang sumuot ng dress, dahil ayaw ko ng nakashort pag natutulog." "Pinagloloko mo ba ako Xandro? Saan ang damit ko, tumawag ba ang inay sa cellphone ko? Teka nasaan ang phone ko?" parang uusok ang ilong ko sa inis sa lalaking to. "No worries Hannah, ipinaalam ko kay Mang Tonyo at sa inay mong hindi ka makakauwi kagabi. Si Sanjoe ang tumawag sa kanila, pinasasabi kong sa mansion ka natulog." At nagsinungaling pa talaga, pero taman nga naman, ano ang sasabihin nila inay pag nalaman sa isang hotel ako natulog kasama ang lalaking to. Niyaya niya akong mag-almusal, nangako naman siyang ihahatid ako pagkatapos naming kumain. Ibinalik niya sa aking ang dress na soot ko kagabi, pagkatapos kong magbihis ay gumayak na kami. Ito na naman ang pamilyar na bango ng kaniyang sasakyan, kasing bango ng kama niya. Teka ano na ba itong pinag-iisip ko. Hindi parin makamove-on thinking na binihisan niya ako kagabi. Nakakahiya ka Hannah. "There's nothing to be shy about, maganda ka naman. And hindi yun first time nakakita ako ng katawan." tukso niya sa akin. "Alam mo Xandro, ang layo-layo mo kay Sanjoe, ikaw bastos siya hindi! Wala akong pake kung hindi yun ang first time mo, halata naman eh! Pero ako first makitaan, at sayo pa!" sigaw ko. Nakita ko ang pagkuyon niya ng kamao, galit ba siya. Well, I don't care. Saan siya galit sa sinabi kong bastos siya o dahil kinompara ko siya kay Sanjoe. Totoo naman ah! Tanaw ko na ang bakod namin, pagkahinto ng sasakyan ay hindi ko na hinintay bumaba si Xandro. Sana nga hindi na siya bumaba para hindi malaman nila itay na siya ang naghatid sa akin. Diritso ako ng pasok sa loob na bakuran. Napansin ako agad ni inay at itay, agad nila akong sinalubong sa pintuan pa lang. Pero lumingon sila sa likuran ko, anak ng, sumunod pala sa akin si Xandro. "Magandang umaga ho." bati niya. Akala mo naman sinong mabait. "Oh magandang umaga sir Xandro. Naitawag ni sir Sanjoe na ikaw ang maghahatid kay Hannah. Tuloy ka muna ng makapag-kape. Pasensya na ho sa abala." sabi ng tatay. "Naku, nothing to worry po. Okay lang kahit araw-araw ko pang ihahatid si Hannah." Sabay kaming napatingin ni nanay kay Xandro. Anong problema ng lalaking to. Teka bakit kilala nina tatay si Xandro. "Kumusta na ang mama mo, sir Xandro? Eh, huling kita ko kay maám Xandra ay noong bata nasa high school ka pa. Ang tangkad mong bata ka, mana ka sa papa mo, pati ilong mo at hugis ng mukha ay kuhang kuhang mo kay sir Rael." sabi naman ni nanay. So ibig sabihin, dito naghigh school si Xandro. Pero hindi ko na siya matandaan, siguro nasa elementarya pa ako noon. "Okay naman ho si mama, hindi lang sila nakasabay sa bakasyon ko ngayon dahil sa negosyo. Maiba po, huwag niyo na akong tawaging sir, feeling ko tumatanda ko." sabay kamot sa ulo niya. "Naku, talagang mana ka sa lolo at ina mo, sobrang bait." sabi ni nanay. Naku nay kung alam mo lang, bastos ang lalaking yan. Inirapan ko si Xandro, pero kumindat lang ang mukong. Buti na lang hindi napansin ng nanay at tatay. Ilang minutong pag-uusap ang nagpaalam na si Xandro. Hindi pa man umandar ang sasakyan niya ay tumunog ang de keypad kong cellphone. "Next time you roll your eyes, I will kiss you. Save my number. X" First time kung makatanggap ng ganitong text pero bakit hindi ako naiinis. Natutuwa pa ako sa text niya. Oo, mayroon naman nagpaparamdam sa paaralan, pero walang pumukaw ng puso ko. Ni hindi si Sanjoe, kay Xandro lang ako nakaramdam ng ganito. Lumipas ang isang linggo, hindi nagpapakita sa akin ang lalaking yun. Pero umaga, tanghali at gabi lagi siyang may text. Hindi ko alam kung pinagtitripan ba ako nito or talagang seryoso siya sa sinabi noong birthday ni Lolo Jose "I never back down when I'm interested in someone, and I always keep my word." Laging bumabalik sa alaala ko ang katagang yun. Nasa malalim akong pag-iisip ng tinawag ako ni inay. "Hannah, halika dito. Si Sanjoe may padala na naman." Pababa na ako nga makita ko ang isang kumpol ng rosas at box ng chocolate. Naku nay, magkakadiabetis na ako nito. Itong si Sanjoe, ayaw talaga tumigil. Kinuha ko ang rosa at inamoy, teka parang bago yata si Sanjoe ngayon ah, noon chocolates lang, ngayon may pabulaklak na. Kinuha ko ang note na nakaipit sa rosa. Pero laking gulat ko nga makita ang message nito. "Miss na kita" X. "Nay, may sasabihin ako. Hindi naman si Sanjoe ang nagpadala nito, kundi si Xandro." Medyo nagulat ang inay pero ngumiti sa akin. "Alam mo anak, alam kong sinabi mo na kay Sanjoe ang totoo mong nararamdaman. Sabihin mo ulit kung talagang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. Ayaw kong makasakit ka ng damdamin. At bilang ina, gusto ko ring sabihin sayo na huwag ka pa-dalosdalos. Bata ka pa, oo mabait si Xandro, yung ang pagkakilala ko sa batang yun noon. Pero lumaki siya sa abroad, hindi natin alam ang nakasanayan niya doon. Bantayan mo ang puso mo anak, bata ka pa." Tumatak sa isip ko ang sinabi ni inay, bantayan ang puso. Pero siya ang tinitibok ng puso ko. Oo, bata pa ako, pero alam ko kung ano ang nararamdaman ko. Lalo akong naguguluhan ng sinabi ko kay Arlene ang tungkol sa pagpapakita ni Xandro ng interes sa akin. "Naku Hannah, ingat ka. Alam mo bang nagging nobya rin niya ang pinsan ko? Iyon broken hearted dahil iniwan pagkatapos ng lahat. Ang alam ko nagkabaksyon rin si Xandro noong nakaraang taon, pero sa Maynila nagstay. Ayon, nadali ang pinsan ko." Natatakot akong masaktan, kaya ko bang sumugal sa pagmamahal na walang kasiguraduhan? Matapos ang meeting sa department namin, ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. "Hi Hannah, sa wakas, OO na rin ang sagot mo. Don't worry girl, the whole Tourism Department will support you sa darating na Miss San Jose College. Kami na ang bahala sa outfits at make-up. All you have to do is ihanda ang beauty and brain mo." Nakangiting sabi ni Mildred. "Susubukan ko Mil, salamat sa suporta niyo." Papalabas na ako ng campus ng makita ko si Xandro, nakatayo sa tabi ng sasakyan niya habang nasa bulsa ng kanyang pantalon ang mga kamay. Iiwas sana ako, pero napansin niya ako agad. "Hi. Uuwi ka na ba? Hatid na kita." anyaya ni Xandro. Siguro nga, this is the right time to tell him to stop. Ano man ang balak niya, gusto kong itigil niya. Ayaw kong mapabilang sa babaeng pinaiyak niya. Tumango ako, pinagbuksan niya ako ng pinto. Habang nasa shotgun seat, pinaglalaruan ko ang aking mga daliri, hindi ko alam kung paano umpisahan ang gusto kong sabihin. "Alam mo bang namiss kita? I'm sending you texts pero hindi ka nagrereply." pagbasag niya sa katahimikan. "Kailan ko ba talagang magreply? You know what Xandro, stop it." naiiyak kong sabi. Bigla niyang hininto ang sasakyan at tumingin sa akin. "Stop what Hannah?" seryoso niyang tanong. "Ito, ang lahat ng 'to. Stop sending me flowers and chocolates. Don't you ever text me again at huwag kang maghintay sa labas ng paaralan na parang boyfriend ko!" tuluyan ng nabasag ang boses ko, i'm already crying. Inabot niya ang mukha ko, pinalis ang luha ko gamit ang kamay niya. Ayaw kong tumingin sa mata niya, ayaw kong mahulog sa patibong na 'to. Pero huli na ang lahat, he looked me straight in my eyes. "I'm dead serious, Hann. Nung sinabi kong namiss kita, totoo yun." I shake my head while crying. "Stop it, Xandro." "You know what, I won't blame you, maybe it's new to you, pero seryoso ako. You think ang paglayo ko ng ilang linggo is fine? Sinubukan kong iwasan ka, but hindi ko maiwasang hindi ka itext Hannah! Akala ko nung una, it's nothing, but it's not!" "Kati lang yan Xandro, subukan mo sa iba ng mawala!" mas lalong sumasakit ang dibdib ko. "Ang babaw ng tingin mo sa akin, Hannah. Kung sa tingin mo kati lang to, I won't come this far! Maraming babae makapagtanggal ng kating to kung gugustuhin ko. But it's not, I think mahal na kita." Nagulat ko sa sinabi niya. "Let's try, please. At kung sa tingin it won't work na hindi kita deserve, then i'll stop. Just let's try, Baby, please." pagsusumamo niya. I bit my lip at dali akong bumaba ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD