Sobrang dami na naming napuntahan ni Xandro nitong mga nakaraang linggo. Minsan sa palengke, minsan sa ilog. Minsan tahimik lang kaming nakaupo sa likod ng bahay habang pinagmamasdan ang mga bituin.
Nakakatawa dahil walang label. Wala kaming inaasahan sa isa’t isa, pero ramdam ko—seryoso siya.
Ngayong araw, sinamahan ko siyang bumili ng gulay sa palengke. Parang batang tuwang-tuwa habang hawak ang kamote cue.
“Alam mo ba na masarap pala ‘to?” tanong niya habang may kamot sa ulo.
“Diyos ko, Xandro,” natatawa kong sagot. “Kamote cue lang ‘yan, parang first time mong nakakita.”
Inabot ko sa kanya ‘yung barbecue. “Sige, tikman mo rin ‘to. Pero maanghang ‘yan ha.”
Isang kagat pa lang, naluwa niya agad. “Anghang nga! Pero alam mo bang mas maanghang ang pagtingin ko sayo?”
Halos mabilaukan ako sa kakatawa. Nakakagaan ng pakiramdam ‘yung ganitong simpleng bonding. Wala nang pretensyon, walang biglaang drama. Kaming dalawa lang, at katahimikan ng lugar na parang sinadyang ibigay sa amin ang peace na ‘to.
Nang gabi, habang nag-aayos ako ng mga pinamili, napansin ko ang pagdating ni Xandro. Maya-maya lang, sinilip ko ang terrace—nandun siya, nakaupo sa bangkong kahoy kasama sina inay at itay.
Kinabahan ako agad.
“Ah… Mang Tonyo, Aling Monica,” narinig kong bungad ni Xandro, medyo may kaba sa tinig. “Pasensya na po kung biglaan ako. Gusto ko lang sanang humingi ng pahintulot… kung puwede pong ligawan si Hannah.”
Tahimik.
“Hindi ko po kayo lalapitan kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Wala po akong ibang gusto kundi mapalapit sa inyo, makuha ang tiwala niyo, at ipakita kay Hannah na seryoso ako.”
Tinitigan siya ni itay. “Alam mo ba ang pinapasok mo?”
“Opo. At para po mapatunayan, gusto kong tumulong sa abot ng makakaya ko… kahit sa mga bagay na ‘di ko pa nagagawa sa buong buhay ko.”
Nagulat ako nung isang araw lang, siya na ang nagbitbit ng mga kahon sa likod-bahay. Minsan naman, nag-igib siya ng tubig kahit basang-basa na siya sa pawis. Noong isang linggo, sinubukan niyang tumulong kay itay mag-ayos ng bubong kahit ang takot niya sa taas ay halatang-halata. Pero hindi siya umatras.
“Hindi ko po alam ang buhay sa probinsya,” dugtong niya, “pero gusto ko pong matutunan. Dahil gusto ko pong maging parte ng mundo ni Hannah.”
Tahimik pa rin si inay. Pero kita sa mga mata niya ‘yung paghanga.
“’Wag mo lang sasayangin ang tiwala namin, Xandro,” sabi ni itay. “Ayokong umiiyak ang anak ko dahil sa’yo.”
“Hindi ko po siya papaiyakin. Pangako.”
Napaluhod ako sa gilid ng bintana. ‘Yung lalaking dati akala ko makasarili at pilyo, ngayon… pinaparamdam sa akin na may mga lalaking handang magbago dahil lang sa isang babae. At ako ‘yon.
Kinabukasan, sakto namang nadaanan ni Xandro si Sanjoe. Tahimik ang tagpong ‘yon, pero ramdam ko ang tensyon.
“Hindi ako makikialam,” ani Sanjoe. “Pero Xandro, tandaan mo ‘to—kapag sinaktan mo si Hannah, kahit gaano ko siya kamahal ngayon, gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin. By hook or by crook.”
Wala akong narinig na sagot mula kay Xandro, pero nakita ko kung paano siya ngumiti—hindi mayabang, hindi matapang. Parang sinasabi ng tingin niya: “Hindi ko siya sasaktan. Hindi mo kailangang bawiin.”
Simula noon, bihira ko nang makita si Sanjoe. Maayos pa rin ang trato niya, magalang, pero hindi na katulad ng dati. Mas busy na siya ngayon sa hacienda ni Don Jose, habang si Xandro naman, pabalik-balik sa Maynila para pamahalaan ang negosyo ng pamilya nila.
Pero kahit ganun, palagi siyang bumabalik. Palaging bumabalik para sa akin.
Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng panahon. Pero sa ngayon, sapat na ‘yung panahong ibinibigay niya. Sapat na ‘yung paggalang niya. Sapat na siya.
Lumipas ang mga araw na parang dumadaloy lang ang hangin—tahimik, maaliwalas, puno ng simpleng saya. Pero gaya ng lahat ng bagay, may darating ding pagbabago.
Isang umaga, habang nag-aayos ako ng pananghalian sa kusina, dumating si Xandro. Hindi siya kagaya ng dati—wala 'yung kwelang ngiti, wala 'yung pilyong kilay-taas. Tahimik siya, at halatang may bumabagabag sa kanya.
“Han…” bungad niya, sabay upo sa kahoy na bangko malapit sa pintuan. “I need to go back to Manila. Right now.”
Napahinto ako sa pagbabalat ng kamatis. “May nangyari ba?”
He nodded, his face serious. “Si Lolo… inatake kaninang madaling araw. Kailangan siyang dalhin agad sa ospital sa Maynila. At dahil kailangan ni Sanjoe na asikasuhin ang hacienda, ako muna ang sasama sa kanya.”
Napabuntong-hininga ako. Hindi dahil sa aalis siya, kundi dahil sa bigat ng sitwasyon.
“Okay ka lang ba?” tanong ko, dahan-dahang lumapit sa kanya.
“I don’t know,” he answered, his voice softer than usual. “Napamahal na sa akin si Don Jose, pero… it’s only now that I realize how important he is to the people I care about. Kay Sanjoe, kay Arlene… sa buong komunidad.”
Umupo ako sa tabi niya, inilapat ang kamay ko sa balikat niya.
“I’ll be back as soon as I can,” dugtong niya. “But while I’m gone, can you promise me you’ll take care of yourself?”
Napangiti ako, kahit ramdam ko ang lungkot niya. “Hindi naman ako marunong magpabaya, diba?”
He chuckled softly. “True. Pero ikaw kasi… you’re too kind. I just don’t want anything bad happening to you while I’m away.”
I just nodded, and then he bent down to kiss the back of my hand. No labels, yes… but his actions were full of respect, not ownership.
Nang gabing ‘yon, nakita ko rin si Sanjoe. Wala siyang sinabi, pero halatang pagod na pagod siya, habang si Xandro ay nagmamadaling nagtungo sa terminal para salubungin ang ambulansya.
Naalala ko ‘yung sinabi ni Xandro noon.
“I don’t know much about life in the province, but I want to learn. Because I want to be a part of Hannah’s world.”
And now, even with his own world in Manila, he still chooses to come back. Because he wants to be a part of my world.