Episode 6

1609 Words
Xandro’s POV. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang dumalo sa coronation night ng SJ College. Siguro... dahil gusto ko siyang makita. Si Hannah. Nakaupo ako sa likod, nakatago sa dilim. Suot ang cap at naka-jacket. Hindi ako makapaniwala—hindi ko siya nakita ng ganito dati. Parang ibang tao siya ngayon. Gusto ko siyang palakpakan, pero pinili kong manahimik. Nakita ko kung paano siya rumampa. Gaano siya ka-elegante sa gown niya. Gaano siya kasimple pero sobrang ganda. Tangina, para akong nakalimot huminga. Pero ang hindi ko kinaya? ‘Yung mga lalaking nasa harap—college boys—na sumisigaw ng pangalan niya. Yung paraan ng tingin nila, para bang... para bang pinapantasya siya. Napakuyom ako ng kamao. Gusto ko silang hampasin isa-isa. "Putangina..." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko kinaya. Umalis ako bago pa siya ideklarang panalo. Pero bago ako tuluyang lumayo, nakita ko silang lumabas—kasama ang mga magulang niya, si Arlene... at si Sanjoe. Nakita ko si Sanjoe—hinawakan ang kamay ni Hannah. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. May karapatan ba akong magselos? Wala. Pero nasasaktan ako. Tangina, ang sakit. Mabilis akong naglakad papalayo. Dinala ako ng mga paa ko sa isang mini bar sa gilid ng plasa. Walang gaanong tao. Umorder ako ng alak. Isa, dalawa... hanggang sa hindi ko na mabilang. Pero kahit anong lakas ng tama ng alak—si Hannah pa rin ang laman ng isip ko. "Ano bang ginagawa mo sakin, Hannah..." mahinang bulong ko habang nakatingin sa baso ko. Naalala ko ‘yung unang beses ko siyang nakita... ‘yung mukha niyang seryoso, ‘yung paraan ng pagtiklop niya ng braso, ‘yung simpleng ngiti niya habang kausap si Arlene. Sa lahat ng babae na dumaan sa buhay ko, siya lang ‘yung hindi ko kayang basahin. At siguro... doon ako nahulog. Lumabas ako ng bar kahit parang galit ang langit at may badya na uulan. Bumalik ako sa bahay nila Hannah—oo, sa labas lang. Pinarada ko hindi kalayuan ang aking sasakyan at tumayo ako sa tapat ng punong malapit sa kalsada. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko saglit para makita kung tama ang pwesto ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Pero isang bagay lang ang malinaw—handa akong maghintay. Sa gitna ng ulan, sa gitna ng lamig, nando’n lang ako. Hanggang sa bigla siyang lumabas ng bahay. Basa ang buhok niya. Nakapambahay. May hawak siyang payong. Napalingon siya sa direksyon ko. “Xandro?!” gulat niyang sigaw. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. Lumapit siya, tinakpan ako ng payong. “Ano ba ‘tong ginagawa mo? Gusto mo bang magkasakit?” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang gusto kong sumigaw, gusto kong yakapin siya... kaya ginawa ko pareho. Niyakap ko siya. Mahigpit. “Sorry... hindi ko na kaya. Hindi ko kayang wala ka.” Nadala ko siya sa kotse ko. Binuksan ko agad ang heater. Nanginginig siya sa lamig. Pero kahit gano’n, galit pa rin ang mata niya. “Alam mo, hindi kita maintindihan,” sabi niya. “Lilitaw ka, mawawala. Ano ba talaga ako sa’yo?” Huminga ako ng malalim. “Ikaw ang sagot sa tanong na matagal ko nang tinatakbuhan. Hannah, mahal kita. Hindi ko alam kung paano, kailan, o bakit—pero ang alam ko, sa unang kita ko sa’yo... nag-iba ang takbo ng buhay ko.” Tahimik siya. “Alam kong gago ako noon. Hindi ako proud sa mga nagging karanasan ko. Pero kahit kailan, hindi ako nagpaasa. At sa dinami-rami ng babaeng pumasok sa buhay ko, ikaw lang ang pinili kong tanungin kung puwede maging akin.” “Hannah,” nagpatuloy ako, “give us a chance. Kahit hindi ngayon. Maghihintay ako. Kahit matapos ka pa sa college. Basta gusto kong malaman mong seryoso ako. Sa’yo lang ako seryoso.” Tahimik pa rin siya. Pero naramdaman ko... lumambot ang puso niya. “Handa kang maghintay kahit wala akong kasiguraduhan?” tanong niya. “Oo. Handa akong sumugal. Sa pagkakataong ito, ikaw lang ang gusto kong premyo.” Pagkatapos no’n, hinalikan ko siya. Hindi ko napigilan. Hinalikan ko siya hindi dahil sa libog, hindi dahil sa tagal kong hindi siya nakita, kundi dahil sa wakas... alam kong may pag-asa. Sa bawat halik niya pabalik... alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam nito. Hannah’s POV. Maagang umaga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yun sa lamig ng ulan kagabi... o dahil sa init ng yakap ni Xandro. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang mga salitang binitawan niya. "Maghihintay ako kahit kailan... basta ikaw ang dulo." Pilit kong nilabanan ang ngiti sa labi ko. Hindi pa ito panahon para kiligin. May isang bagay pa akong dapat gawin. Isang puso ang kailangan kong bitawan. Nagkita kami ni Arlene kinabukasan sa tambayan namin. Nagpasya akong sabihin na ang lahat—kay Arlene at kay Sanjoe. Hindi ko gustong maglihim. Hindi ako ganung ka-selfish. “Best,” bungad ko kay Arlene habang nagkakape kami sa labas ng bakery, “kinausap ko na si Sanjoe.” Napatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala. “Talaga?” mahina niyang tanong. Tumango ako. “Oo... at sinabi ko na sa kanya. Na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. Na ayoko nang paasahin siya. Mas okay nang masaktan siya ngayon kesa hintayin niyang magbago ang isip ko kahit alam kong hindi na mangyayari.” Tahimik lang si Arlene. Hindi ko alam kung iiyak ba siya o hihinga ng maluwag. Napatingin ako sa kanya. “At alam mo ba,” dahan-dahan kong dagdag, “mas naramdaman kong tama ‘yung desisyong ‘yon... nung nakita ko kung paano mo siya tinitingnan.” Napasinghap siya. Hindi siya makatingin ng diretso. “Arlene,” mahinahon kong sabi, “matagal mo na siyang gusto, ‘no?” Unti-unti siyang tumango. “Oo,” sagot niya sa wakas. “Pero ayoko namang maging hadlang sa inyo. Kaya pinili kong manahimik.” “Hindi mo na kailangang manahimik,” ngiti ko. “Kasi tapos na ang kabanata naming ni Sanjoe... bago pa man siya magsimula.” Simula no’n, bihira ko na lang makita si Sanjoe. Hindi na siya madalas bumisita. Busy na raw sa pamamalakad ng hacienda ni Don Jose. Pero kahit hindi na kami madalas mag-usap, ramdam ko ang respeto niya. Hindi siya naging malamig, pero hindi na rin siya tulad ng dati. At okay lang ‘yon. Tama lang ‘yon. Si Arlene? Mas madalas ko na silang makita ni Sanjoe na magkausap. May halong kaba at saya sa dibdib ko tuwing naaabutan ko silang nagkakatitigan. Sana... sana nga, siya na ang tamang tao para kay Sanjoe. Samantalang si Xandro... well, dumadalas ang pagdalaw niya. Minsan bigla na lang siyang sumusulpot sa may kanto, may dalang takeout food galing Manila. Ibang klase talaga ‘tong lalaking ‘to—nagiging regular na sa pagitan ng lungsod at probinsya. “Parang wala ka nang ginagawa sa Maynila,” tukso ko minsan habang sabay kaming naglalakad sa gilid ng ilog. “Wala nang mas mahalagang gagawin pa doon kaysa dito,” sagot niya, sabay akbay sa’kin. Nangiti ako. Hindi ko man kayang sabihing “oo” sa kanya ngayon, pero hindi ko rin kayang itanggi—nagiging bahagi na siya ng araw-araw ko. At sa bawat araw na lumilipas... mas nagiging malinaw sa akin na hindi lahat ng pagmamahal kailangang simulan agad. Minsan... mas maganda kung pinipili ninyong hintayin ang tamang oras. Xandro's POV. Madalas kong isipin kung paano ko ba nagustuhan si Hannah. Hindi ko alam kung sa ngiti ba niya, sa pagiging totoo niya, o sa paraan ng pagtitig niya na parang alam niyang hindi ako ang tipo niyang pagkakatiwalaan. Pero isang araw, napagtanto ko… hindi ko siya basta nagustuhan. Minahal ko siya. Nasa gilid kami ng ilog ngayon. Nakaupo siya sa flat na bato habang hawak ang sketchpad niya. Ako? Hawak ang iced coffee na binili ko pa sa bayan. Tahimik lang kaming dalawa. Walang usapan, pero punô ng kasunduan. Pinagmamasdan ko siya. Ang dulo ng buhok niyang medyo basa pa mula sa paghilamos. Ang tahimik niyang mukha habang nagsusulat. Pati ‘yung paraan ng pagsuklay niya ng buhok gamit ang daliri. Ang babaw no’n, pero sa akin, sapat na para kumalma ang buong araw ko. “Wag kang tumitig,” bulong niya, hindi tumitingin. “Nahihirapan ako mag-isip.” Napangiti ako. “Bakit? Nakakadistract ba ‘tong kagwapuhan ko?” Inirapan niya ako. “Yabang.” Pero ngumiti rin siya. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi ko ginawa. Hindi dahil hindi ko siya gusto. Pero dahil gusto ko siyang respetuhin. Ngayon lang ako nagka-gano’ng klaseng damdamin. Usually, ang babae sa harap ko ay parang checklist lang: maganda, sexy, game. Si Hannah? Siya ‘yung tipong hindi ko kayang madumihan kahit sa isip ko lang. Gusto ko siyang alagaan, hindi angkinin. Gusto ko siyang mapangiti, hindi ma-pressure. “Hindi ka ba talaga naiirita na wala tayong label?” tanong niya bigla, habang nagdodrawing pa rin. Napahinto ako. Nag-isip. “Hindi,” sagot ko. “Kasi kahit walang label, alam ko kung nasaan ako. At okay ako doon.” Napatingin siya sa akin. “Kasi... nasanay akong habulin ang gusto ko. Pero sa’yo, willing akong maghintay. Kasi sa unang pagkakataon, hindi lang katawan ang gusto kong makuha.” Natahimik siya. Ako rin. Hanggang sa maramdaman kong sumandal siya sa balikat ko. “Thank you, Xandro,” mahinang bulong niya. “Para saan?” tanong ko. “Sa hindi pagiging gaya ng dati mong ikaw.” Ngumiti ako. Kahit masakit tanggapin, totoo naman. Iba na ako. Dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD