Chapter 14

1454 Words
"Bongga! You're so beautiful darling!" Pumapalakpak na sigaw ng make up artist na nagmake up sa akin. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, napangiti ako nang makita ang pagbabago sa itsura ko. Masasabi ko namang maganda ako noon pa man pero iba talaga ang nagagawa ng make up. "Madammm.. may problema!" sigaw ng bakla pagbungad nito sa pintuan ng kwarto. "Makasigaw ka naman, Ano ba 'yon?" kunot ang noo na sigaw din ng make up artist ko na si julia habang nakapameywang ito. "Madamm.. yong gown hindi ko nadala." mangiyak ngiyak na saad ng assistant nito na si kimmy. "Ano ? naku problema nga iyan! GAGA KA! bakit kasi iniwan mo? di ba sabi ko sayo ayun ang unahin mo na maisakay sa kotse.. apaka gaga mo talaga." sigaw nito habang sinasabunotan ang buhok ng kausap. Mahina lang naman iyon. "Sorry na madamm, najejebs kasi ako kanina kaya lang paglabas ko nawala na sa isip ko. Ikaw kasi bigla mo akong pinasakay sa sasakyan." paninisi ng huli. "Avat ano ako pa ang may kasalanan? GAGA KA TALAGA!" nanggigil na saad ng bakla sa assistant niya. Imbes na mainis ako dahil naiwan nito ang gown na susuotin ko, eh natatawa na lang tuloy ako sa kanila. "Paano ngayon yan huhuhu..walang maisusuot c ganda nito." hindi maipinta ang mukha nito. Bigla namang umaliwalas ang mukha ng assistant nito. "Don't worry madam..I'm always ready!" nakangising saad ng bakla. Nilapitan nito ang isang malaking maleta, binuksan niya ang zipper nito saka inilabas ang isang magandang gown ngunit napatanga naman ako sa sobrang revealing nito. Para namang pareho ng iniisip ang dalawa nang sabay silang tumingin sa akin at nakangisi na sunod sunod na tumango. "ANO? AYOKO!" umiiling-iling na sigaw ko. "Mas bagay ito sayo." nakangising pangungumbinse sa akin ng bakla. "Wala na bang iba?" dismayadong tanong ko nang tingnan muli ang gown. "Wala na tayong choice kesa naman lumabas ka ng nakarobe lang." saad ng bakla habang inaabot niya sa akin ang gown. Ayoko sanang isuot kaya lang wala ng oras para maghanap pa ko ng ibang gown na maisusuot. Kinuha ko sa kanya ang gown at naglakad papasok ng banyo. "AYYY! ANG GANDA JUSMIYO, BAGAY NA BAGAY SAYO!" tuwang tuwa na tili ni Julia paglabas ko ng banyo. "Look ang Body madam pak na pak sa curve.." segunda naman ng assistant nito. Kaagad kong tiningnan ang kabuohan ko sa salamin. A maroon mermaid gown with Slit Off Shoulder Beaded, litaw na litaw ang hubog ng katawan ko. Strapless ito kaya kita ang cleavage ko. May mahabang slit sa kaliwang hita ko. "Hindi ba ito nakakahiya?" nag-aalalang tanong ko sa kanila. "Mas maganda nga iyan kesa sa gown na napili mo." tuwang tuwa pa rin ito. Napaisip tuloy ako kung aksidente ba talagang naiwanan ang gown ko o hindi lang nila gusto ang napili ko. "Wear this." abot niya sa akin ng sandal na kulay puti. "Perfect!" palatak nito matapos kong maisuot ang sandal. Maya-maya lang ay sinundo na ako ng organizer. Nag inhale exhale muna ako bago lumabas ng kwarto. Sa isang malaking hotel mas piniling idaos ni daddy ang party dahil sa rami ng mga bisitang pupunta. Bigla akong kinabahan ng makita ang napakaraming tao sa baba. Lahat sila ay nakatingin sa itaas ng hagdan at inaabangan ang paglantad ko. Nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba habang naglalakad. Huminto ako sa may taas ng hagdanan. May kadiliman ang paligid, may iilang maliliit lang na ilaw ang nakabukas sa ibaba samantalang sobrang dilim naman dito sa itaas ngunit hindi iyon nakahadlang upang hindi makita ng mga mata ko ang hinahanap ng puso ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos ang nangyari. **flashback** "Iniiwasan mo ba ako?" agap niya sa kamay ko dahilan upang mas lalong kumalabog ang dibdib ko, idagdag pa ang mga paro parong kumikiliti sa tiyan ko. "Hindi no. Ipapakita ko lang ang gown na napili ko." mabilis kong saad. Nakita ko naman ang pagbaba ng mga mata niya sa hawak kong catalog. Nangunot naman ang noo ko ng mapansing nagpipigil ito ng tawa pero sumeryoso din naman ito. "Talaga ba hindi mo ko iniiwasan?" Kinuha niya ang hawak ko sabay pakita sa akin ng catalog. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang nasa mga wedding gown section pala ang pahina ng catalog. Nag iwas ako ng tingin nang ibinaba nito ang hawak niya saka tiningnan ako ng mag explain ka look. nag isip ako ng maidadahilan. "Hindi kita iniiwasan. ahmm..ano, ayoko lang mapalapit sayo." nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito. haist.. bakit kasi ayun pa ang lumabas sa bibig ko. Ayoko namang sabihin sa kanya na nagwawala ang puso ko kapag nasa malapit lang siya. "I mean, Nahihiya lang akong makipag usap sayo kasi hindi pa naman tayo magkaibigan. " mukha namang naniwala ang loko dahil sa sunod sunod nitong pagtango. Atleast di ba nailusot ko rin. "Okay, then starting today I am your boyfriend." Nawindang naman ako sa sinabi niya. Muntik na akong tumawa sa naging reaction ng mukha nito nang marealize niya sigurong may mali sa sinabi niya. "I-i mean, a boy friend, lalaking kaibigan." Napapakamot nitong saad. Nagpipigil ng ngiti na kinagat nito ang ibabang labi niya. Shacks ang pogi niya. Takte bigla akong kinilig sa ginawa niya. Nangingiting nagbaba ako ng tingin saglit ngunit pagtingin ko sa kanya para namang nagkaintindihan ang mga mata namin at sabay kaming napahagalpak ng tawa. **end of flashback** Dahil sa nangyaring iyon ay malabo na nga talagang makaiwas pa ako sa kanya. "Ladies and gentlemen I would like you to meet my daughter Zeinab Montero!" kasabay non ay ang pagtama ng liwanag sa akin. Nagagalak na napangiti ako ng marinig ang palakpakan ng lahat. Dahan dahan na akong bumaba ng hagdan. Hinayaan ko na kahit nalalantad pa ang hita ko sa tuwing hahakbang ako sa bawat baitang, Ibinalik ko kay dave ang aking mga mata Nakita ko ang pag galaw ng adams apple nito nang tingnan niya ko mula sa itaas pababa. Pakiramdam ko tuloy para niya akong hinuhubaran sa mga titig niya. Nginitian ko siya nang makababa na ako. "Hey, you're so pretty!" nakangiting saad ni dexter na hindi ko kaagad napansin. "Thank you!" saad ko ng magbeso ito. "Hi.." nakangiting bati naman sa akin ni dave. Muntik pa akong mapapitlag ng halikan niya ako sa pisngi. At heto na naman ang pagwawala ng puso ko, at ang mga paru- parong nagbabardagulan sa loob ng tiyan ko. Nakaramdam naman ako ng panghihinayang nang hindi siya ang naghatid sa akin papuntang stage. Nakangiting niyakap ako ni daddy ng makalapit sa kanya. "You're so beautiful iha.. Siguro kung nandito lang ang nanay mo matutuwa siya ngayon dahil napakaganda mo." Bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Thank you po!" naiiyak kong saad.. nalulungkot din ako dahil wala dito si nanay ngunit alam kong masayang masaya siya ngayon na makitang magkasama na kami ni daddy. Nilapitan kami ng media personnel saka iginiya paupo kung saan nandon ang mag iinterview sa amin. Nang matapos naman ang interview ay sunod niya akong ipinakilala sa mga business partner niya. Nagpaalam muna ako kay daddy na uupo lang saglit dahil masakit ang mga paa ko. Kaagad naman itong pumayag. Napangiwi ako ng makitang may paltos na ang mga paa ko. Gusto ko sanang hubarin muna ang mga ito, ang kaso lang nahihirapan naman akong kumilos dahil sa suot ko. Bigla namang lumitaw sa harapan ko si dave. Para akong natuod sa kinauupuan ko nang yumuko ito at itinakip nito ang hawak niyang coat sa mga hita ko. Naaamoy ko ang mabangong pabango nito. Nagtama ang mga mata namin ng mag angat ito ng mukha. Halos magpigil ako ng hininga sa sobrang lapit lang ng mga mukha namin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin nito sa mga labi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at kinagat ko pa ang ibabang labi ko. Nakita kong napalunok ito sabay layo ng mukha niya sa akin. Hinila nito ang isang upuan at umupo sa harapan ko. Nagulat ako nang Itaas niya ang isa kong paa at ipinatong iyon sa hita niya. Tinititigan ko lang siya habang tinatanggal nito ang sandal na suot ko. Napakagwapo pala talaga nito. Matangos na ilong, magagandang mga mata, mahahaba at makakapal na pilikmata, nasa tamang pwesto naman ang mga kilay nito at ang labi niya na parang mas mapula pa yata kesa sa labi ko. at ang kinis pa ng mukha nito walang kapores- pores. Habang kinakabisado ko ang bawat parte ng mukha niya ay unti- unti ko nang naaamin sa sarili ko na nagkakaroon na siya ng puwang sa puso ko kaya ganon na lang ang epekto niya sa sistema ko ay dahil nahuhulog na ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD