Chapter 13

1327 Words
"Good morning everyone!" masayang bati ng ama ko pagpasok niya sa dining area. "Good morning dad, kain na po." nakangiting saad ko dito. Iniabot ko sa kanya ang lagayan ng kanin. Ako na rin ang naglagay ng itlog tsaka daing na bangus sa plato nito.. "Naku! mukhang tataba ako nito." pagbibiro nito na tinawanan ko lang. Mabilis naming natanggap ang bawat isa. Siguro dahil sabik siya sa anak at ako naman ay naghahanap din ng pagkalinga nang magulang. "By the way, pupunta dito mamaya ang mag-oorganize ng party. Gusto ko sabihin mo sa kanila ang lahat ng mga gusto mong mangyari sa party mo." nakangiti nitong saad. "Kailangan pa ba talaga ng party dad? hindi po ba pwedeng simpleng celebration na lang?" tanong ko dito. "Pagbigyan mo na ang daddy. Syempre proud akong ipagsigawan sa buong mundo na nahanap ko na rin ang maganda kong anak ko. " masayang saad nito sa akin. "Oo nga naman Zeinab pagbigyan mo na ang daddy mo. Ang ganyan kagandang anak ay hindi dapat itinatago lang. " nakangiting pagsang ayon naman ni tiyang.. "Asus si tiyang, gusto mo lang din yatang pumarty eh." natatawang biro ko dito. Napuno ng tawanan ang buong dining area. Maging si manang silya ay natatawa na rin. "Nakakatuwa at umingay din ang bahay na ito." bakas sa mga mata ng ama ko ang saya. Naalala ko noon sobrang lungkot ng mga mata niya pero ngayon kumikinang na iyon sa kasiyahan. "I have to go kayo na ang bahalang mag asikaso mamaya sa kanila ha." saad nito sa akin ng ihatid ko siya sa sasakyan niya. "Ok dad, ingat po!" nakangiting saad ko. Matapos mag mano ay pinasakay ko na rin siya sa sasakyan. Hinintay ko na munang makalabas ito ng gate saka na ko pumasok sa loob. Bumalik ako sa kusina upang tulungan sila tiyang na magligpit ng pinagkainan namin. "Kami na po dito ate, mayaman ka na ngayon hindi na bagay sayo ang gumawa ng gawaing bahay." saad ni andrew habang nililigpit ang mga plato sa lamesa. Mahinang pinitik ko ito sa noo. "Hindi porket mayaman ang totoo kong tatay eh magbabago na ako. Ako pa rin ito. Iyong ate niyo na walang ibang hinangad kundi ang mapabuti kayo kaya binatawan mo na yan at maligo na kayong dalawa doon para pumasok na sa school." Mahabang litanya ko. Kaagad namang binitawan ni andrew ang mga plato at niyakap ako. "Salamat po sa pagmamahal na ibinibigay niyo sa amin ni Jane kahit na hindi niyo po kami tunay na kapatid." Para namang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "O siya! maligo na kayo bago pa man tayo magkaiyakan dito." nakangiting saad ko. Kaagad naman silang tumalima. Ipinag patuloy ko na ang ginagawa kanina ni andrew. "Kami na kaya jan." iniiwas ko kay tiyang ang mga plato ng aabutin niya ito. "Huwag niyo po akong alalahanin tiyang, sanay ako sa ganitong gawain." sagot ko dito saka binuhat na ang mga plato papunta sa kusina. Naabotan ko naman si manang silya na naglilinis ng kalan. "Ilagay mo na lang jan sa lababo anak at huhugasan ko na lang. Naglalaba pa kasi si inday." saad ni manang sa akin. "Ako na po maghuhugas manang, wala naman po akong ginagawa. " Nakangiting saad ko. "Ano? naku hindi pwede. Ibinilin sa amin ng daddy mo na huwag kayong patulongin sa gawaing bahay. " natatarantang kinuha niya sa akin ang sponge. "Pero manang--" "Sige na anak doon ka na. kami ng bahala dito maya-maya ay dadating na rin si elsa." tukoy nito sa isa pang kasambahay. Gusto ko pa sanang mangatwiran ngunit nagsalita ito ulit. "Baka mawalan na sila ng trabaho niyan kung ikaw pa ang gagawa ng mga ito. Batang talaga ito." natatawang saad nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas na lang ng kusina. Naisip kong asikasohin na lang ang mga halaman sa gardin. Nang makita kong nandoon na si mang tonyo ay umakyat na lang ako sa taas at tinungo ang sariling kwarto. Kinuha ko ang laptop na bigay sa akin ni daddy. Hindi naman ako nahirapang gamitin ito dahil nakakaintindi naman ako ng english. Kakabukas ko pa lang ng messenger ng may pumasok na notification. Parang lumundag ang puso ko ng makita ang pangalan ni dave. Ang tagal kong tinitigan ang friend request niya. Sa mismong picture niya talaga ako nakatitig. Bakit sobrang gwapo mo! kinikilig na sigaw naman ng utak ko. Pinindot ko ang pangalan niya. Hindi naman siguro masama kong istalk ko muna siya bago ko iaccept. Napailing na lang ako sa sarili ko. Ewan, ngayon lang ako naging interesado sa isang lalaki. Parang may nagtulak sa akin na tingnan ang photos niya. Kunti lang ang naroon ngunit may nakaagaw sa atensiyon ko sa picture na nakatag sa kanya. Picture ng isang babae na nasa isang beach, nakasuot ito two piece swimsuit. PrettySuezit ang pangalan ng nag tag. Naging palaisipan tuloy sa akin kung sino siya. Biglang nakaramdam ako ng lungkot ng maisip na baka girlfriend niya ang babae. 'Ayos lang yan zeinab, magandang nalaman mo na kaagad bago pa man lumalim iyang nararamdaman mo.' Sigaw ng isip ko. Para naman akong tanga na nagpatango tango bilang pagsang-ayon sa isip ko. Tinitigan ko pa ulit ang friend request niya. Isinara ko ang laptop ng hindi ito inaaccept ang friend request niya. Bumaba na lang ulit ako at hinanap si tiyang. Natagpuan ko itong nakikipagharotan kay mang tonyo ay este nakikipagkwentuhan lang pala hehe..nakisali ako sa kwentuhan nila. Halos sumakit naman ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay tiyang, ngayon ko lang nalaman na may pagka-kalog pala itong si tiyang. Napapakamot na lang tuloy si mang tonyo. Hapon na ng dumating ang hinihintay naming organizer. Wala akong idea pagdating sa mga malalaking celebration kaya naman nagpatulong na ako tiyang. Gabi na ng sa wakas ay natapos na rin sila sa pagpaplano. Sunod namang ginawa ay ang pagsusukat ng mga susuotin. Unang sinukatan ay sila andrew at Jane sunod naman si tiyang. Nang ako na ang susunod saka naman dumating si daddy may kasama itong dalawang lalaki at ganon na lamang ang pagwawala ng puso ko ng makita si dave. Anong na namang nangyayari sa traydor kong puso. Bakit tila yata hindi ito sang-ayon sa sinasabi ng isip ko kanina. "Hi!" nakangiting bati nito ng makalapit. Nginitian ko lang siya at ibinaling na muli ang atensiyon sa nagsusukat. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya na kaagad ko rin namang iniiwas. Para namang tinutusok tusok ako ng mga paro-paro ko sa tiyan. Napakalikot nila sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata. 'Umayos ka girl may girlfriend na 'yan!' pagdidikdikan naman ng utak ko. Mas pinili kong makinig sa sigaw ng utak ko at hindi na ito sinulyapan pa. Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga gown. "Hello! ang seryoso mo naman." Nag-angat ako ng tingin. Simpleng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Siya iyong isa pang lalaki na kasama nila kanina. Gwapo rin ito. 'Pero mas gwapo pa rin si Dave' sigaw ng isip ko.. kung hindi lang kabaliwan ang pagsapak sa sariling utak ay nagawa ko na. "I'm Dexter, pinsan ni Dave." nakangiting pakilala niya sa akin. "Ako naman si Zeinab." nakangiting saad ko saka tinanggap ang pagkikipag kamay nito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may kakaiba ba akong mararamdaman ngunit wala namang kakaiba. Nang tumingin ako kay dave nakita kong nakatingin ito sa kamay namin kaya kaagad kong binitawan ang kamay ni dexter. "Tawag ka don!" matigas ang boses na saad ni dave kay dexter. Kaagad namang umalis si dexter at naiwan kaming dalawa. Nginitian niya ako nang makaupo ito sa katapat ng inuupuan ko dahilan upang magwala na naman ang puso ko. Parang nagpapanic ang buong sistema ko. "Ah, ano ipapakita ko lang ang napili kong gown." nagmamadali akong tumayo bitbit ang libro nang pigilan niya ang kamay ko. "Iniiwasan mo ba ako?" Halos mapugtuan na ako ng hininga sa biglaang tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD