“Señorita nariyan na ho sa ibaba ang mga bisita,” abiso ni Mameng ng pasukin siya nito sa kanyang silid. Isang linggo na ang nakakaraan mula ng himatayin ang kanyang ama at may mga malalapit na kaibigan itong bumibisita sa casa mula noon. But tonight seemed very different. Kinausap siya mismo ng ama at sa pagkagulat niya ay nakiusap itong samahan niya ang mga ito sa hapunang iyon na hindi naman niya tinanggihan. Somehow, naisip n’ya rin na sundin ito kahit na nga masama pa rin ang loob niya. Hindi niya alam kung sino ang bisita nito pero mukhang importanteng tao iyon o ang mga iyon. “Ikaw na muna ang bahala dito kay Bella, Mameng.” Aniya ng harapin ang kasambahay. Napatulog na niya ang anak kaya maaari na rin siyang bumaba. “Sige po, Señorita.” Tugon nito. Bago tuluyang lumabas

