“No, Consuelo. The child will be named after Sebastian. Iyon ang masusunod.” Mariing wika ni Federico na bahagya ng nauulinigan ni Andrea. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at tumambad sa kanya ang ina at ama sa mainit nitong pag-uusap. “But she is your grandchild, Federico.” Giit ng kanyang ina sa mahinang tinig sa pag-aalalang huwag siyang magising. “Yes, she is. Dala-dala niya ang pangalan ko kaya may karapatan akong gawin kung ano ang nararapat sa kanya.” “Pero mas lalo mo lang sasaktan si Andrea kapag nalaman niya ang bagay na ito.” “That’s the consequences of her actions,” anang kanyang Papa. Pagak na napatawa si Consuelo. “Ito ba ang dahilan kaya ikinulong mo siya sa pamamahay na ito? Upang hindi malaman ng kahit na sino ang nangyari sa anak natin at hindi ka mapah

