Napatulala nalang ako habang umalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Kalbo. Ang paghigpit ng hawak ko sa magkabilang gilid ng bath tub ay mas lalong dumiin. Hindi ko man nakita ang pagtawa ng lalaking iyon pero nagawan ng utak ko nang napaka - eksaktong reaksiyon ang mukha nito. Buhay na buhay siya sa imahinasyon ko. Bagay na mas lalong ikinahindik ng sistema ko.
Pabalibag na namang bumukas ang pinto kaya dahan - dahan akong napabaling doon. Pinagmasdan ko lang ang bagong pasok hanggang sa magpantay ang mga mukha namin. Sinundan ko lang siya ng tingin. Walang namutawing salita sa bibig ko.
"E-elena?" Pagbasag ni Natalia sa katahimikan.
Dahan - dahan akong napakurap. Hinaplos niya ang mukha ko.
"Elena," pagtawag niya ulit sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero napaiyak ako sa ginawa niya. Kaagad din napalitan ng reaksiyon ang mukha niya.
"Sssssh," pang - aalo niya sa akin.
Napailing ako. "N-Natalia." Napahawak ako sa braso niya. "N-Natalia...." May sasabihin pa sana ako kaya lang inunahan na ako ng takot ko. Napahagulhol ako sa harap niya.
Naputol ang hagulhol ko nang bigla na namang pumasok sa banyo si Kalbo. Kaagad akong napa atras. Naitakip ko sa dibdib ko ang dalawa kong mga braso.
"Oh!" Binato niya sa bath tub ang sabong dala na nasa cellophane pa.
Napatingin ako roon nang dahan - dahan itong lumubog sa tubig.
"Akala ko ba eh maliligo na'to?" Tinuro ako ni Kalbo.
"Eh, Boss ayan na nga ho. Nakalublob naman siya sa tubig," sagot pa ni Natalia.
"Iyon lang? Ligo na iyan?" gitil na tanong ni Kalbo sa amin.
May narinig akong paparating na yabag na papunta sa amin. Huminto iyon sa harap ng pinto ng banyong ginamit ko. Nang mag - angat ako nang tingin ay bumungad sa akin ang isa pa nilang kasama na lalaki.
Kung hindi ako nagkamali, isa ito sa kakilala ni Natalia.
"Oh, Kuya? Napadaan ka?"
Saglit na uminit iyong tainga ko sa narinig. Paano ko ba nakalimutan iyon? Magkapatid pala itong babaeng ito sa bagong dating na lalaki.
''Boss, natapos ko na po iyong ipinag - utos mo kanina.
"Gano'n?" Tumingin si Kalbo roon sa kausap niya.
Naisip kong kailangan kong magtakip ng katawan ko. Tutal may kausap pa naman si taga- dukot.
Sinubukan kong tumayo at abutin ang damit na pinagsuotan ko kanina pero ----
"Anong gagawin mo, ha?"
Napaurong ako dahil sa tanong ni Kalbo.
"Hoy!" Tinampal niya ang pisngi ko.
Napayuko ako.
"Aba't nalingat ka lang saglit may naisip ka nang katarantaduhan?" Marahas niyang pinisil ang pisngi ko.
"Boss? Anong sunod ko na assignm--"
"Hep!" ssssh!" Sabay tingin sa kapatid ni Natalia. "Mamaya na muna. May kinakausap pa ako eh." Sabay baling sa akin.
"Aray!" daing ko nang mas lalo niyang hinigpitan mula sa pagkakahawak ang pisngi ko.
"Arte ah?"
Pinatayo niya ako kaya napilitan akong sumunod. Napaalis ako sa bath tub nang hinila niya paalis doon. Napatingin ako sa kung saan nakalagay ang damit ko. Sinubukan kong abutin iyon pero nahalata ni Kalbo ang gagawin ko. Hinila na naman niya ako palayo roon.
Nilapit niya sa akin ang mukha niya kaya pinilit kong iwasan ito. "Akala ko ba maliligo ka na, ha? Dapat kanina ka pa tapos, hindi ba?"
"Tch.'' Nagpumiglas ako. "Pa-pa-paano ako maka--ligo kung panay kang p-pumapasok sa banyo." Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero mas lalo akong napangiwi.
"At sumasagot ka na ulit?" Napa - ekis ang kilay niyang tumingin kay Natalia. "Bumalik na naman ba iyang tapang mo? Gusto mo putulin ulit natin?"
Kung pwede ko lang itirik ang mga mata ko, talagang ginawa ko na. Nasaan ba ang utak ng taong ito.
Sa inis ko ay dinuruan ko siya. "B-bobo ka ba?" Nakita kong mas lalong nagusot ang kilay niya kaya sinagad ko na ang pang -iinis ko.
N-nagtatanong ka sa akin tapos nang s-sinagot k-kita..." Sinuntok ko ang kamay niya. "tumapang na ako? B-bat nagtanong aray! Ah!''
Pakla siyang napatawa. Sinubukan kong tanggalin ulit ang kamay niya pero sinampal niya ako.
"Iyan ang gusto ko sa iyo eh. Iyang pagiging pilosopa mo." Inamoy niya ang leeg ko. "Ang sarap sa pandinig iyong pag - atungal mo. Alam mo ba iyon? Nagigising ang hindi dapat magising eh. Hmmmmm."
Lahat ng lakas na mayroon ako sa oras na iyon ay binuhos ko sa pagpapalo ng likod ni Kalbo. Sinuntok ko na siya, pinagkukurot, pati ang malakas nang pagsampal ko sa kanyang likod ay hindi ako nag - aalinlangang gawin pa.
Nang gumalaw ang dila niya sa leeg ko ay nagsitaasan ang balahibo ko. Tinulak ko siya nang buong lakas. Nang hindi naman siya tumibag ay iyong buhok niya ang sinabunot ko at hinila.
Tinigilan niya ang leeg ko.
"Ano, ah?"
Akala ko noong una ay titigil na siya sa gagawin niya. May mas malala pa siyang gagawin sa akin.
Nalukop ng sigaw ko ang buong banyo. Buong pwersa ko na naman siya tinulak kahit na diring - diri na ako sa sarili ko. Tinignan ko iyong magkapatid. Umaasang tutulungan nila ako pero pareho lang silang nag - iwas ng tingin.
"Tama na!" Impit kong sigaw nang dinilaan niya ang leeg ko. Sa takot ko ay ang iyong tainga at leeg naman niya ang inilayo ko.
Nagtagumpay akong mailayo siya pero hindi ko naman inaasahan ang isang malutong na sampal. Madiin niyang hinawakan ang buhok ko. Napasinghap at napahawak sa ulo ko.
"Uulit ka pa, ha?" Gitil na tanong ni Kalbo.
Mahina akong napailing.
"Sagot!"
"H-hindi na po."
Inalog niya ang buhok ko kaya bigla akong napaiyak.
Lumapit siya sa tainga ko. Sinikap kong ilapit ang tainga at leeg ko para hindi na naman niya madilaan iyon.
"Umayos ka kasi nang hindi ka makatikim. huhm! " Tinampal niya ang kanang hita ko. "Maligo ka para sa susunod nang pagtikim ko sa iyo ay amoy mabango kana, ha?"
Tuluyan na akong napaiyak. Hindi ko na kaya ang pinaggagawa ng Kalbong ito sa akin. Ngayong araw pa lang ito, paano pa kaya sa susunod na araw.
Niyakap na niya ako sa likod. Muli na naman akong nagpumiglas. Sa kakagalaw ko ay sumayad iyong pwet ko sa unahan niya. Napapikit ako nang maramdaman ko ang umbok doon.
"Iyan! Nararamdaman mo iyan, ha?" Bumunghalit siya ng tawa. "Iyan na ang didila sa iyo sa susunod."
"A-ano ba! tama na!" pagmamakaawa ko pa sa kanya.
Hirap man, buong lakas ko siyang siniko. Natamaan ang kaliwang ribs niya. Nang maramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng yakap niya ay pagkakataong iyon para makawala sa kanya. Napahawak ako sa leeg ko. Pinagpag ko ang lahat ng mararamdaman kong basa roon. Lalo nasa parteng may maraming laway.
Lumapit si Natalia sa akin. Binigyan niya ako nang pamunas pero kaagad ko ito tinapon. Pinukulan ko siya nang masamang tingin.
"Ikaw! "
Tinuro na naman niya ako. Nanlansik na rin ang mata niya. Umatras ako nang dahan - dahan para hindi niya ako mahuli.
Akmang lalapit na naman siya sa akin pero nahawakan na siya ni Bogart.
"Boss, tama na ho. "
"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas niyang sabi. "Bitawan mo ako. Tarantado!"
Pagkabitaw nang kapatid ni Natalia ay ito na naman ang muntik makatikim ng suntok. Inambaan siya nito pero umatras kaagad si Bogart.
"Boss, tama na po. " Sabay muwestra sa kamay niya.
"Tumahimik ka! Isa ka pa. " Pinagtuturo niya kaming lahat. "Parang pinagkaisahan niyo ako ah? " Bakit! Ha! Dahil ba sa babaeng ito? "
Lumapit siya sa akin. Umatras ako at tatakbo na sana nang maabutan niya ang buhok ko. Napadaing na naman ako. Kanina niya pa iyong pinagdiskitahang hablutin kaya nagsisimula nang humapdi ang anit ko.
"Boss, tama na po iyan. "
Hinawakan ni Natalia ang kamay ng Boss nila para sana tanggalin ang kamay nito. Pero mas lalo pa nitong diniinan ang pagsabunot ng buhok ko.
"Araaayyy!"
"Gusto mo nang masarap na nakakaiyak? Ha? Ito, tanggapin mo ito.
Napailing ako nang sinadya niyang kalmutin ang sugat ko sa likod. Halos masambit ko na ang lahat ng pagmumura na nalalaman ko.
Hindi pa nga iyon masyadong magaling eh. Medyo masakit pa nga kung minsan kapag iginalaw ng kusa. Ilang araw ako hindi makatulog dahil lang diyan tapos parang kati lang sa kanya kung kalmutin? Pesteng buhay 'to.
"Huwag! Tama naaaaa! " Pagmamakaawa ko.
Hindi na malakas iyong pagkapalo ko. Baka nga parang sapak lang iyon ng bata ang dating sa kanya. Naubos na iyong lakas ko. Kanina pa ako nakipag buhatan sa kanya ng kamay at mas lalo akong nanghina dahil sa panghahalay niya sa akin. Iyon palang ay halos hindi ko na kinaya. Idagdag pa na may iniinda na akong sakit. Lalaki siya at babae ako. Mas lalo pang nakabawas sa lakas ko iyong pagod ko rin na naipon.
Napahagulhol nalang ako. Sinadya niya pang diinan sa pagkalmot iyong nilatigo niya. Hindi ko na mapangalanan ang hapdi. Ramdam ko pa iyong kuko niya na bumaun sa sugat ko.
"Boss! Huwag po! "
Hindi ko alam kung ano ginawa ng kapatid ni Natalia. Nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko nakita. Tinigilan na ako ni Kalbo. Muntik pa ako mapasadsad sa sahig. Maagap lang si Natalia kaya nasalo niya ako. Ayaw ko man sa kanya pero nanghihina na talaga ako. Hindi na ako pumalag sa suporta niya.
"Boss, hindi naman po ito tama. " Pangangaral pa ni Bogart nang makalapit sa akin. Sinipat niya ang sugat ko. "Boss, pagaling na ho iyon eh. "
"Pakialam ko! "
"Boss naman. " Marahas na napakamot sa ulo si Bogart. "Ngayon ang meet up niyan sa buyer eh. Paano mo naman i-eexplain ang sugat niyan? "
"Ha! Buyer! Buyer! Kayo ang nakahuli niyan kayo ang humarap. Mga peste!"
Sinabunot na naman niya ako. Iuuntog niya sana ako sa bath tub pero napigilan siya ni Natalia. Napa atras ako nang sinampal siya ni Kalbo.
"Mamaya na kita aasikasuhin. Pero kung ako sa iyo, maghanda ka na." Pagbabanta pa niya.
"Ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng babaeng iyan, "pinal na sabi ni Kalbo. "Kung papayag sa kasunduan iyong bibili, ipasama niyo na kaagad iyan. Iyon ay kung ibibigay kaagad ang bayad. "
Gusto nang mamahinga ang mata ko pero pinilit kong magpaka - aktibo. Gusto kong malaman kung ano ang balak nilang gawin sa akin kaya hindi muna ako pwedeng matulog.
" Kung hindi man pumayag, babaan niyo ng kaunti ang presyo. Kung ayaw niya pa rin, sabihin niyo kaagad sa akin. Nang mapakinabangan ko."
Tanging pag- ismid lang ang nagawa ko habang unti -unti akong tinatangay ng antok.