Chapter 4

2080 Words
Hoy, ano? Hoy! Gumising ka!" Parang nahugot ang diwa ko sa balon. Gayunpaman, patuloy kong pinagmasdan ang aking paligid. Napakurap pa. Ang paglagaslas na nanggaling sa timba ang siyang dahilan kung bakit bumalik ang aking diwa. Tinignan ko iyong likod ko. Napasandal pa pala ako sa bathtub. Nang humarap na ako ay bumungad sa akin ang mukha ni Natalia. Parang gusto kong iwasan na lamang siya. Paano ko naman gagawin iyon. Iisa lang ang pintuan sa paliguan na ito. At nasa likod pa niya iyon. Nakahawak pa nga iyong kanang kamay niya sa door knob. Malabo namang padadaanan niya lang ako nang hindi pa ako naliligo. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Iyong kilay niya ay maihambing nasa kidlat ang porma. May guhit na rin ang pagitan ng kilay niya. "Tinulugan mo lang ako?" tanong ni Natalia. Sinarado na niya iyong pinto. Ngayon ay kakaunti nalang talaga ang pag - asa ko na makalabas dito. Hindi naman masyadong masikip ang paliguan pero pakiramdam ko ay parang masikip. Lalo na at nag - squat pa siya sa harap ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Napahawak ako sa ulo ko at napaiwas sa kanyang mga mata. Narinig ko siyang pumalatak. Nang tumingin ako sa kanya ay tumayo na siya sa harap ko. Napalunok ako. Paano ba naman kasi nakapameywang na siya harap ko. Nabawi ko ang aking paningin. Wala man siyang sinabi pero ramdam ko ang kanyang inis sa ginawa ko. "Sagutin mo nga ako." Pagpukaw niya sa akin. Kung kanina ay kusang lumuwag mula sa pagkakapiko ang dalawang tuhod ko, ngayon naman ay naihila ko iyon sa kawalan nang maisasagot. "Ano ba ang sinabi ko kanina, ha?" tanong niya na tila ipinapaalala sa akin ang pinag - usapan namin kanina. Nakalikot ko iyong kuko at daliri ko. "Baka gusto mong sumagot? Usong ibuka iyang bibig mo lalo na kung may tinatanong sa iyo iyong tao." Napatingin ako sa kanya. "S- sorry." Narinig kong bumuntonghininga siya. "Sagot kasi." "Ano kasi na- nakatulog a-ako." "Hindi naman halata." Naipaikot niya ang kanyang mata. Kung titignan mo talaga siya ay parang tinambakan siya ng problema. Minamasahe pa niya iyong magkabilang kilay niya nang nakapikit. Habang ginagawa niya ang mga iyon ay parang unti - unti namang nag - sink - in sa utak ko ang pinaggagawa ko. "Seryoso ka? Nakatulog ka na sa gano'n? Eh minuto lang iyong pagitan mula nang iniwan kita rito ah?" Hindi ako makatingin. "Medyo matagal naman iyong minutong sinasabi mo." "Oo! Matagal! Sinadya ko para makalinis ka nang maayos diyan sa katawan mo." Napaatras pa siya. "Tinaasan ko na nga para hindi ka makapos sa oras. Kuwarenta minutos, Hija! Kuwenta! Eh anong ginawa mo? Tinulugan mo lang?" "S-sorry. " Napayuko ako. Nang makita ko ang espasyo sa pagitan ng aking mga tuhod at tiyan, idiniin ko ang aking mukha dito habang mahigpit pa ring nakayakap sa aking tuhod. "Sorry? Eh kanina ka pa hinahanap ni Kalbo. Jusmiyo! Anong sasabihin ko sa kanya? Oh baka naman gusto mong sabihin ko na nagrorosaryo ka pa rito kaya natagalan ka?" Parang akong kandila na unti - unting nasusunog sa pinag- upuan ko. Kaya mas lalo kong siniksik iyong sarili ko kahit na nahihirapan na ako sa ginawa ko. May humawak sa braso ko. Ramdam ko ang lakas ng pagkakahawak niya na parang hinihila ako. Naitingala ko iyong mukha ko. Nakita kong pinapatayo ako ni Natalia. "Umayos ka nga. Please lang," pakiusap niya pa sa akin. Hindi na ako sumagot. "Maligo ka na. Bilisan mo. Baka mapag - initan ka naman ni Kalbo magkakasugat ka na naman. Gusto mo no'n? Oh baka naman gusto mo na namang mag-rebelde kaya hindi mo ginawa ang utos ko? Ako pa ang malilintikan sa pinaggagagawa mo eh." Sinubukan niyang hubarin ang blusa ko na itim. Biglang gumalaw ang kaliwang kamay ko. Naasiwa ako sa ginawa niya kaya pinilit kong tanggalin iyong kamay niyang nakahawak sa blusa ko. "Tch. Ano? Ayaw mong maligo?" Nakagat ko iyong labi ko. "H-hindi." Pinabitaw ko sa kanya iyong blusa ko. "A-ano. Huwag gano'n. A-a-ako na." Napaismid siya. "Ano? Nahihiya ka? At ngayon pa? Ngayon pa na nasa alanganin na tayo sa pinaggagawa mo." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. Hindi ko lang masabi sa kanya kasi nahihiya ako. Hindi ko rin alam kung paano iyon sabihin nang hindi siya nagagalit. Saglit siyang natigilan. Tinignan niya ang bibig ko. Baka inaantay niya ang sasabihin ko. ''Hoy!'' Napapitlag ako. ''Tch. Ano? Hindi ka man lang ba sasagot?" "M- ma- maliligo na.'' Napahilamos siya ng mukha. Napa back and fourth na rin siya sa paglalakad. Pangalawang beses niya ginagawa iyon sa harap ko. Pagkatapos niyon ay sumipol siya sa harap ko. Tinignan niya ako pero kusa rin siyang natigilan. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay. Nakakunot pa ang kanyang noo. Napatingin pa ako sa kamay niya. Nag - aalangan pa ako noong una kung tatanggapin o hahawakan ko ba iyon o hindi. Hindi ko kasi alam kung para saan iyon. Buti nalang at binawi niya rin kaagad iyon. Binagsak niya ang kanyang kamay at hinilot ang kanyang ilong. Mamaya pa ay nagsalita siya. "Pagkalabas ko rito ay kailangan maligo ka na. Naintindihan mo?" Nakagat ko iyong labi ko. "Hello, sagot? Parang kanina lang nakipagmatigasan ka pa sa akin. Akala ko ba matapang ka." "Oo. Maliligo na." "Oo. Maliligo na," panggagaya niya pa sa akin. "Sus!" Hirit niya pa. Kapag hindi ako nakarinig ng lagaslas ng tubig sa loob ng isang segundo. Ako na ang magpapaligo sa iyo." "Iyon na nga po." Tumalikod ako. Nagulat ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko at pinaharap ako. "Sundin mo iyong sinabi ko, okay?" Natapik niya iyong kanang paa niya. Napatingin pa siya sa sahig habang ginagawa niya iyon. Bigla na naman siya tumitig sa akin. "Hindi ko talaga alam kung paano ka nakatulog." "Idlip ho iyon." Napapikit siya. "Sige! Idlip! Uulitin ko. Idlip. " Binitawan niya ako saka tumalikod. Dumaan ang ilang segundo ay humarap ulit siya sa akin. "Hindi ko alam kung paano mo nagawang umidlip sa ganoong sitwasyon. Pero pwede ba makinig ka naman sa akin? Maligo ka na. Hindi ko alam kung anong klaseng ligo ang magagawa mo sa oras na ito pero kailangan mo nang maligo. '"Oo na nga ho. Maliligo na.'' ''Aba't, buti at sumasagot ka na?'' "Inang iyan!" nasambit ko. "Kanina ka pa panay sabing maliligo ako. Hello, sagot?" pangggaya ko sa tono niya kanina. "Paano ako makaligo eh nandito ka sa loob? uso privacy baka gusto mong lumabas? O baka gusto mong liguan na rin kita nang mahimasmasan ka?" Natahimik siya. Napatingin siya sa palibot namin. Mayamaya pa ay nagsasalita na naman siya. "Sasabihin ko na lang kay Kalbo na tumatae kapa kaya natagalan ang pagbabanyo mo." Napakurap ako. "Ang ganda naman ng palusot mo." "Eh sa wala akong choice. Ano pa ba ang pwedeng gagawin sa banyo na matatagalan? Bukod sa pagliligo, pagtatae lang iyong pwede kong irason. Alangan namang sabihin kong nagparaos ka sa kasarapan eh ang dugyot at ang laswang pakinggan iyon. Bibigyan mo pa ng libog si Kalbo no'n." "H-ho ---" Biglang nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may kumalampag sa pinto. Parehas kaming napatingin doon nang marinig namin ang ingay. "Buksan niyo 'to! Mga estupida!" Tatlong beses nito pinaghahampas ang pinto. Napapitlag ako sa pangatlong hampas niya. Si Natalia naman ay tinapunan niya ako nang masamang tingin. "Nandiyan na, Boss!" Lumapit si Natalia sa pinto. Hinawakan na niya ang door knob at nag - astang bubuksan iyon. Dinuro niya pa ako. Iyong klase ng duro na may halong pagbabanta. Nayakap ko iyong sarili ko. Pinihit na niya ang pinto at lumabas. Dahan - dahan akong naglakad papunta sa gilid ng pinto. Umaasang may maririnig ni katiting sa kanilang pag - uusapan. Hindi ko na sinubukang sumilip o aninagin ang labas. Baka makita ako ni Kalbo at mas lalala pa ang sitwasyon. Pagkalapat ng tainga ko sa dingding ay lihim akong nasiyahan. "Oh? Nandiyan ka pala sa loob?" "Oho." Napangiwi pa ako nang narinig kong ginagalang pa ni Natalia si Kalbo. "At ano naman ang ginagawa mo? Tapos na ba iyong pinag - uutos ko sa iyo?" "Iyon na nga po, Boss eh. Naaberya lang." "Ano?" "A-ano ho. Ahm! Natagalan sa pagrerelease. Ayon, ayon!" "Release? Anong release?" "Ay nako po. Iyong sausage. Iyong mabaho po na kulay brown. Gano'n po iyon." "Anong sausage? Pinagloloko mo ba ako?" "Ay hindi po Boss. Kuan ba. Iyong mabaho." Napahawak ako sa bibig ko. Pinigilan ko iyong bibig ko na maglikha ng ingay. Sinapo ko na rin iyong tiyan ko. Gusto ko ng bumunghalit ng tawa pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko. Lokaret na babaeng ito. Ang sarap pa naman ng sausage tapos ipaghambing lang niya sa dumi. Kadiri! "Iyon nga po, Boss. Nag - rerelease ba. Hindi ko alam kung anong nangyari sa tiyan niya basta nagpaturo sa akin kanina kung saang banda ang banyo para pang bawas." "Sigurado ka ba, ha? O baka naman pinapatakas muna ang isang iyon?" "Ay, hindi ho. Hindi!" Hindi ko alam kung sinadya ba niya lakasan an kanyang boses para marinig ko. O baka ako lang itong nag - aassume. "Pwes! Papasukin mo ako!" "Ho?" Napatingin ako sa door knob nang biglang bumukas iyon pero kusa ring sumara. Biglang nanlaki ang mata ko. Ang hukluban! Plano pa atang busohan ako. "Ay, Boss! Wag na uy. Relax! Relax!" Kinatok ni Natalia ang pinto na para bang binigyan niya ako ng signal. "Ano ba! Paraanin mo ako." "Boss, naman. Naliligo iyong tao. Chill lang." "Talaga ba? O bakit wala akong marinig ni kahit anong kaluskos? Napailing ako sa inaasta ni Kalbo. Tama nga si Natalia, talagang nagdududa na siya sa akin. "Boss, naman. Siyempre nasa labas tayo. Paano mo naman maririnig iyon." "Ah Basta paraanin mo ako." "Hindi nga po pwede, Boss." Umalis na ako roon at nagpasyang maligo. Tama na iyong pangtatakip niya sa akin. Ayaw ko rin naman siya mapahamak. Ang tagal ko na rin na hindi nakaligo kaya kailangan kong suliting ang pagkakataon na ito para maging komportable. Sinimulan ko nang maghubad. Tinira ko lang iyong suot ko na bra at panty na parehong itim ang kulay. Lumusong ako. Pagkalapat ng likod ko sa bathtub ay parang nanghingi iyong katawan ko nang maraming oras para sa paligo. Muntik pa bumigay iyong mata ko. Kung hindi lang talaga naging maagap ang utak ko baka makakaidlip na naman ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam iyong tubig. Lalo na at ang tagal ko ng hindi nakaligo. Saka ko naaalala na nasa labas pa pala sina Natalia at Kalbo. Naudlot ang pagpapapresko ko. Ayaw kong tuluyan nang makapasok ang lalaking iyon dahil lang sa hindi siya nakarinig ng lagaslas ng tubig. "Hoy! Baka pwedeng makahingi ng sabon pangligo?" Hindi sila sumagot pero may narinig akong nagbanggayan sa labas. May narinig ako ng kaunti pero hindi iyong iba hindi ko na maklaro. Mayamaya pa ay may biglang sumisigaw," Inday! huwag ka na raw mag- sabon. walang budget!" Literal na tumirik iyong mata ko dahil sa inis. "Oh, boss? Narinig niyo naman po ang hiningi niya. naliligo na po siya." Narinig ko pang sigaw ni Natalia. "Huhm!" Napasigaw ako nang may humampas na naman sa pintuan. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng bathtub. Napatingin ako sa sahig dahil sa natapon na tubig dahil sa gulat ko. "Siguraduhin mo lang babae ka na naliligo ka riyan sa loob." Pagbabanta pa ni Kalbo. "Pagbibigyan kita riyan sa pagliligo mo.Pagbibigyan kita. Limasin mo na ang pwede mong gamitin riyan dahil ngayon ang araw ng paghuhukom mo." Napalunok ako sa sinabi niya. "Pasalamat ka at good mood ako ngayon. Sige! Ibibigay ko ang gusto mo. Sabon ba kamo hindi ba? sige. "Hinampas niya ulit ang pinto. "Ngayon mo makikita ang bagong boss mo. Kaya kung ako sa iyo magpakabait ka." Saglit na tumugil ang mundo ko. Napagting ang tainga ko. B-b-bagong boss? "Pakabait ka Hija, ah? Pakabait ka. Sundin mo ang lahaaaaat ng gusto ng amo mo." Pananadya pa niya. "Kasi kapag ikaw ay hindi niya nagustuhan. Ay! pwede naman namin gutay - gutayin iyang katawan mo. Pero siyempre..." Umalingangaw ang mala - demonyo niyang tawa. Rinig na rinig ko ang kasakiman sa tawang iyon. Talagang nakakalibot lalo na at nandito ako sa loob at nakalublob pa sa tubig. Kung kanina ay nagugustuhan ko ang presko ng tubig. Ngayon ay giniginaw ako dahil sa naiisip ko. "Dadaan ka muna sa amin." Katagang sinabi niya na siyang dahilan kung bakit sumibol ang isang emosiyon na ayaw kong maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD