Chapter 3

2233 Words
One month ago 'Order for table 15' Iyan ang narinig kong anunsiyo nang isa sa mga tagaluto na hindi na magkanda uga sa pag - asikaso ng mga pagkain. Lumapit ang isa sa mga kasamahan ko at kinuha ang bucket at tray l. Umalis din kaagad ito at hindi na nakipag - usap sa akin. Hindi ko na rin muna siya inaabala dahil alam kong busy siya. Pasado alas dose pa ngayon at may ilang oras pa akong natitira para magtrabaho. Sumaglit muna ako rito para makapagpahinga. Buti nalang at may dj nang kapalitan sa akin kaya kahit papano ay may kasalitan ako sa pag - aliw ng mga tao. Kahit papaano ay nakakapaghinga na ang voice box ko. Hindi tulad dati na straight ang ginagawa ko. Noong kakapasok ko pa lang sa trabaho ay hindi ako tinantanan ni paos kaya ilang araw rin ako hindi nakapagtrabaho non. Laking pasalamat ko talaga na may kapalitan na ako. Nagbago ng set up ang may - ari at dinagdagan niya ng pakulo ang kanyang club. Na ngayon ay mas lalong pumatok ang kanyang negosyo. Nag -enjoy ang mga tao sa pinapatugtog ng dj ngayon kaya jampak ang dance floor. Sa sobrang aliw nila sa music ay parang nakawala sa hawla ang mga tao. Nasisilaw na ako sa ilaw kaya pumunta muna ako rito sa likod. Ewan ko ba. Mahigit isang taon na ako nagtatrabaho rito pero iyong katawan ko kung minsan, may iininda pa rin. Pero alam ko naman sa sarili ko kung bakit. Madaming chemical dito sa pinagtrabahuan ko. Hindi rin healthy ang atmosphere rito. May oras talaga na iniisip ko kung bakit sa ganitong lugar ako nagtatrabaho. Alam ko naman ang sagot sa tanong iyon pero minsan naghahanap pa rin ng ibang dahilan ang utak ko. "Elena." Tawag sa akin ni Borch. Kagaya ng dati. Suot niya ang kanyang trademark na damit. Isang terno ng maroon na pants na ang tabas ay hanggang ankle at tuxedo na color maroon. Iyong buhok niya pa qy hindi aabsent sa paglalagay ng gel or kung ano man tawag niyon. Dati naiisip ko kung idol niya ba si Psy; iyon bang kumanta ng Gangnam Style at Gentleman. Halos pareho sila ng pormahan. Hindi ko nalang sinabi baka masabunot ako ni Amo. "Elena, my girl. Nandiyan ka lang pala," saad pa niya habang nakabuka ang dalawang kamay. "Tito," tawag ko sa kanya at bilang tugon na rin. Tito ang gusto niya ipatawag ko sa kanya. Pero sa lahat ng crew rito ay ako lang ang nakakatawag sa kanya nang ganoon. Sa totoo lang ay hindi ko siya kamag - anak. Ni hindi ko nga siya kadugo. Iyon lang ang gusto niyang ipatawag sa akin. Mahabang kwento na rin kung bakit. Pagkalapit niya sa akin ay kinurot niya ang pisngi ko. "Nako! Kaw na bata ka." Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko. Sa agwat ng edad naming dalawa, para ko na rin siyang Tatay kung tutuusin. Nasa late forty na ang edad niya. Hindi nga lang halata. Maalaga kasi siya sa katawan at mukha niya kaya hindi mo talaga masasabi nasa ganoong edad na siya. Tumango sa kanya ang tagaluto nang makita siya nito. Minuwestra lang din niya ang kanyang kaliwang kamay nang naka ok sign. Saka siya humarap sa akin. "To, huwag mo na nga akong tawagin nang ganyan," hirit ko pa sa kanya. "Hmmm. Nag - iinarte na naman ang girla. Tagal na kitang tinawag ng ganyan, Hoy!" Tinapik niya ang kamay ko. "Nakapagpahinga ka na ba?" Tumango ako. "Opo. Babalik na sana ako roon sa pagsalang kaya lang nahihiya pa akong umintro. Sobrang nag - eenjoy kasi iyong mga tao sa bago mong dj." "Loka, loka!" Tumaas ang kilay niya. Hinila niya ang isang upuan at humarap sa akin "Bakla! Kailangan mo nang bumalik doon. Baka mainip ako rito sa kabaklaan mo eh hindi ko ibibigay ang sweldo mo." Napatayo ako sa sinabi niya. Napangiti tuloy ng hilaw." hihi. sorry, Tito. Aalis na po," sabi ko sabay turo sa pintuan. "Ay nako, Inday! Takot agad ganon? Halika ka nga muna." hinila niya ang braso ko. "May naghahanap sa boses mo, Gaga." Napailing ako nang nakangiti ", eh Tito natural naman po iyon sa pinagtrabahuan ko." "Aba? Talaga lang ha?" Hinila niya ang buhok ko kaya nakangiting mapahawak ako roon. "Aray ko naman, To! Uy, masakit!" "Bruha. Umayos na kasi." Marahan niyang hinampas ang hita ko." Seryoso nga, Girl." Hindi ko na tuloy alam kung ano ang irereact ko.Hindi ko matantsa ang Bakla kung galit ba siya sa akin o ano. "Upo ka nga muna dali," utos niya sa akin. Tinuro ko ang pintuan. "Kailangan ko na kako bumalik. Baka hindi mo ibigay ang sweldo ko." "Takot ka na niyan? Teka nga kasi. May sasabihin lang ako." Pinaupo niya ulit ako. Nalukot tuloy ang kilay ko kasi kasasabi niya palang kanina na kailangan ko nang bumalik. Tapos ngayon pinigilan niya ako. "Sabihin muna po para makaalis na ako." Pinitik niya ang noo ko. "Aray!" "Sundin mo muna kasi ako." "Ito na po." Saka ako umupo. Luminga - linga pa siya sa paligid. Napasunod tuloy ako sa ginawa niya dahil sa kyuryosidad ko. Nang masiguro niya atang wala nang nakatingin ay bumulong siya sa tainga ko. Pero may kalakasan din iyon kasi maingay sa dance floor. "May special guest tayo." Napakurap naman ako. Nailayo ko iyong tainga ko sa kanya saka ko siya tinignan. "Talaga po, Tito?" "Oo." Hinampas niya ang braso ko tapos impit na kinikilig. "Gaga, gwapo raw tapos mayaman." Napabusangot ako sa sinabi niya. "Eh Tito! Kailan ka pa nawalan nang costumer na hindi mayaman at guwapo?" "Sus! Iba to, Girl!" Natakpan niya ang kanyang bibig. "Mas mayaman pa raw iyon. Nagpabook kanina ng vip. Baka mamaya nandito na iyon." "Eh?" Natampal ko iyong kamay niya. "Hindi naman po bago iyon." "Ay, Girl! iba nga kasi ito." "Paano pong iba? "Sssh!" Lumingon ulit siya sa paligid. "Beh, sikat iyong tao." Doon na ako naguluhan. Lumayo ako ng kaunti sa kanya. "Tito, ano naman pong bago roon? Ang dami mo ngang kaibigan na mas mayaman at mas sikat pa sa iyo." Doon na nawala ang ngiti niya. Napaismid na siya at masama na rin ang tingin niya sa akin. Pinisil niya ang hita ko na para bang na stress siya sa sagot ko. "Nako, talaga! Hindi ka ba nakikinig?" Napakamot ako sa kilay ko. "Eh, Tito." "Iba nga kasi iyong tao," paliwanag pa niya. "Tsk!" nag make - face ako. "Ayon nga po, Tito. Sa field ng trabaho ko rito, halos immune na ako sa mga guwapo at mayayaman. Ang dami mo kayang costumer dito na may kaya sa buhay. Huwag mo na pong ibahin. Halos matibo na nga ako rito kasi mas maganda pa iyong mga babae rito keysa sa akin. Tapos ngayon hihirit ka ng ganyan? Eh may pinoproblema pa ako. Aanhin ko naman iyang guwapong tao? Aray!" Napaigtad at napasigaw ako kasi malakas na iyong palo niya sa hita ko. Literal na napalakas ang boses ko dahil sa bigat ng kamay niya. Nahaplos ko iyong kanang hita ko. "Bwesit na babaeng to." Naka- krus na iyong mga braso niya sa dibdib. "Hanggang ngayon ba naman?" "Ang alin po?" patay malisya kong tanong. "Nako naman!" Napatayo siya. Sa sobrang inis niya siguro ay nag - back and fourth pa iyong lakad niya. Tinuro - turo pa niya ako. Hilaw akong napangiti. "Hihi. Biro lang po, Tito. Alis na ako." "Sandali!" Napatigil ako sa pagbaba sa high stool chair. "Naintindihan mo iyong sinabi ko?" "Alin po roon?" "Elena!" "Yes, Tito, yes! ay Sir?" Bumuntonghininga siya. Hindi talaga siya natutuwa sa inaasta ko kasi iyong buntonghininga niya may kasamang pag takip ng mata. "Elena." "P-po?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko."Girl, get a life naman." Nakangiti akong tinitigan siya pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. Napatingin ako sa mga kamay namin. "I know, Tito." Hinalikan ko rin iyong kaliwang kamay niya. Hinaplos ko pa iyon. "Hindi ko pa lang talaga alam kung paano ko sisimulan." Napabuntonghininga na naman siya. Alam ko na ang susunod na sasabihin niya kaya nagpasya akong bumalik nasa trabaho ko. "Balik na ako, Tito." Ngumiti ulit ako. "Sige." Hinaplos niya ang braso ko. "Gandahan mo sa pagkanta ha?" Tumango ako." Sus! Parang iyon lang. Specialty ko iyon." pag - iba ko sa usapan. "Nako! Yumabang na naman." Napatawa. Saka ako tumalikod at nagsimula nang maglakad. Pinasok ko sa bulsa ng leather jacket ko ang dalawang kamay ko. Pagkasimula ko nang lakad ay biglang naglaho iyong ngiti ko sa aking labi.. May iniisip ako kung ano pero pinili ko na lang sarilihin iyon habang naglalakad ako. Pagkabukas ko nang pintuan ay bumungad sa akin ang madaming tao. Napatingin pa iyong ilan sa akin at tinawag ang pangalan ko. Ningitian ko lang din sila at binilisan ko na iyong lakad ko. Buti nalang at wala masyadong nagtambay roon sa daraanan papuntang stage. May tatlong bouncer na rin kasi naka pwesto roon. Noong nakita nila ako ay kaagad silang lumapit at nag - assist sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanila kaya mabilis akong nakatungtong sa gilid ng stage. Umakyat ako papunta sa pwesto ni Fiona, ang bagong dj na kinuha ni Tito. Nasa itaas na parte siya ng stage at doon nakalatag ang mga instruments niya sa malaking la mesa. Ang la mesang iyon ang siyang nagsilbing border para mahati sa dalawa ang stage. Kapag umakyat ka roon ay parang nasa taas ka ng sea mountain. Makikita mo ang dagat ng mga tao. Pumunta ako sa bandang likod niya. Hindi ko na siya iniistorbo. Kinuha ko lang iyong notes na kung saan nakasulat kung may gustong ipakanta sa akin. Nang makita kong may dalawang nakalista roon ay napatango nalang ako. "Gen!" Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag niyon. Pagkatingin ko ay bumungad sa akin ang pigura ni Fiona. Lantad na lantad ang suot niya na itim na sports bra na pinatungan lang niya ng denim blue jacket. Tinuro niya ang kanang kamay na may wrist watch. Tinuro niya iyon nang dalawang beses. Alam ko ang ibig sabihin niyon kaya tumango ako sa kanya at nag thumbs up. Saka ako dahan - dahan naglakad. Kukunin ko sana iyong bangko na nasa gilid pero hindi ko na itinuloy. Lumapit muna ako sa kanya para ipaalam kung ano ang dapat niyang tugtugin. Nang sinabi ko na sa kanya ang plano ko ay kaagad siyang tumango sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. Mayamaya pa ay ina - announce si Fiona si mga madla. Hudyat na pwede na ako mag perform sa stage. "Let's give it up, for Gentana!" Nagpakawala muna ako nang isang napalakas nang hangin. Saka ko dinampot ang mic at bumaba. Ngumiti kaagad ako sa kanila. Mas lumawak pa iyon nang ginawan ni Fiona nang intro ang unang kanta na dapat kong kantahin. Saka ako nagsalita sa harap nila. "Ayon oh!" intro ko sa kanila na siyang ikinaingay ng mga tao. "Parang gusto niyong magwala ah?" ani ko sabay ko kindat sa kanila. Tumugon naman iyong mga madla kaya mas lalo akong ngumiti sa kanila. Kinuha ko na iyong mic at tinanggal sa stand nito. "Mas maganda kung may jowa kayo habang sinasayaw niyo to. Alam niyo na." Napasipol ang ilan sa mga costumer. may narinig din akong napahiyaw kaya. Hindi ko mapigilang mapatawa sa reaksiyon nila. "Pwes! Magwala kayo! Sabayan niyo ang birit ng kantang ito!' Naghiyawan ang mga costumer nang marinig na nila ang unang kantang itinugtong ni Fiona. Habang ako ay napasayaw dahil isa ito mga pinapatugtug ko tuwing may oras ako sa bahay.Napataas ko pa iyong isang kamay ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko. Napa- belly dance ako dahil sa kantang ito. Pagkababa ko ng kamay ko ay tatanawin ko sana iyong mga taong nasa harap ko. Kaya lang ay sa iba napatingin ang mga mata ko. Napatuon iyon sa isang lalaki na naka - black tuxedo. Nagtaka pa ako kasi biglang nagsunudan sa kanya ang bouncer ng club. Pati iyong mga taong nakapansin sa kanila ay kusang nagbigay ng daan. Kapapasok pa lang nila sa bar at may nakasunod sa kanya na mga lalaki rin. Tinanggal niya mula sa pagkakabutones ang kanyang pulsuhan. Pagkarinig ko sa parteng iyon ay pinepara ko na ang sarili ko para kumanta. Pero iyong mata ko ay nakatuon sa lalaking naka - tuxedo. PAPI by JLO Let all the heat pour down I'm good as long as he's around He lets me wear the crown I do my best to make him proud Now all of my superladies, I got my baby If you got your baby Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Kusang gumalaw ang katawan ko para mas lalong sumayaw habang nakatingin sa lalaki. Parang may nagising sa akin. Inuudyok ako ng puso ko. Parang may nagliyab sa akin na hindi ko maintindihan kung saang banda. Move your body, move your body dance for your Papi Rock your body, rock your body Dance for your Papi Mapaglaro lang ang tadhana dahil saktong pagkanta ko sa lirikong ito. Put your hands up in the air Dance for your man if you care Put your hands up in the air, air , air ohohohohoh Move your body, move your body dance for your Papi Rock your body, rock your body Dance for your Papi,oh Nakatingin na rin siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD