ELENA'S POV Napahawak ako nang madiin sa ibinigay na kumot ng ospital. Itinaas ko ito hanggang sa aking balikat. Pero hindi ako nasiyahan, bahagya akong bumangon at umusog papunta sa itaas ng kama. "37.9," anunsiyo ng female nurse. Katatapos niya lang kunin ang temperature ko. Tinutok niya sa bumbunan ko ang digital thermometer. Pagkatapos niyon ay nagsulat siya sa dala na notebook. "Iyon po ang temperature k-ko?" Napalingon ito sa akin. Ngumiti muna siya bago magsalita. "Yes, Ma'am, mainit pa po kayo." "Gano'n ba? Kaya pala nilalamig ako." Kaagad nito ibinaba ang mga dala sa paanan ko. Lumapit ito sa air con at pinahinaan iyon. "S-salamat po." Ngumiti siya sa akin. "Kukunin ko lang po iyong blood pressure mo, Ma'am." "Ah." Napatingin ako sa braso ko na nasa ilalim ng kumot. "S

