Taimtim akong nakatingin kay Sir Fergus. Hinihintay ko ang sagot niya pero hanggang ngayon ay wala akong narinig. Parang may gusto na siyang isambit pero hindi niya magawa - gawa. Gumagalaw pa ang dila niya sa ilalim ng kanyang bibig habang kunot - noo na nakamasid sa akin. Kung anuman ang dahilan ay baka dahil lang din sa akin. Ramdam ko ang tensiyon sa aming dalawa. Ayaw ko pa sana isipin ang bagay na tungkol dito kasi gusto ko muna magpapagaling. Nanadya lang talaga ang tadhana. Siya na mismo ang unang gumawa ng hakbang. "Fergus." Napatingin siya sa akin nang tinawag ko ang pangalan niya. Napapikit ako. Ilang beses ko nga bang natawag siya sa kanyang pangalan? Nagawa ko na iyon kanina, pero sa nalaman ko ay parang ayaw ko ng munang tawagin siya na Sir. Nakakapika, nakakainit ng dug

