"NO, you can keep it. I think you need it. Keep it as remembrance. Walang problema sa ’kin." Nakangising sabi ni Daniel habang ibinalik niya ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang tinutukoy niyang "remembrance." Nalaglag ang panga ni Erin. "Excuse me?" "I said you can take my brief. Hindi mo naman kailangan ibalik sa ’kin ’yan. I know you want it, so you can have it." Nagbukas-sara ang bibig niya, naghahagilap ng sasabihin. Pero she was lost for words. Kanina lang, buo ang confidence niya. Habang papalapit dito, dala niya ang plano—ibalik ang underwear nito na may kasamang pang-iinsulto para makabawi sa lahat ng pag-iyak niya kagabi nang iwanan siya nito at bitinin sa ere. Pero hindi niya in-expect na makakabawi rin ito sa mga salita at banat nito. Kalmadong ininom ni Daniel ang

