Six months later.
"Ma'am, heto na po ang order ninyo."
Iniabot ng babae kay shine ang bouquet ng
bulaklak. "Maraming salamat po."
Napangiti siya. "Salamat din." Lumabas na siya ng
flower store.
Anim na buwan na ang nakakaraan simula nang
umalis siya sa bahay ng lalaki. Anim na buwang
pangungulila, panghihinayang sa bagay na hindi
puwede. Umalis siya dahil hindi kaya ng konsyensya
niya na masaya nga siya sa piling ni berly, pero alam niya
sa sarili na siya ang dahilan ng pagdurusa nito noon.
Hindi niya kayang patuloy na lokohin ang binata.
Ang buong akala nito ay isa lamang siyang dalagangnakita nito at ginamot. Hindi nito alam na siya ang
assassin na pumatay sa mga magulang nito. At ang isa
pang dahilan, hindi niya gustong malaman ni berly ang
katotohanan. Mas mabuti nang iniwan na lamang niya ito nang walang dahilan.
Panandalian lamang itong masasaktan at di
magtatagal, makakalimutan na rin siya nito at may
papalit na sa kanya sa buhay nito. Mas mabuti nga iyon
kaysa malaman nito ang katotohanan at makita niya
ang puot sa mga mata nito,
Hinding-hindi niya gustong makita sa
mga mata ni berly ang pagkamuhi sa kanya, ang lungkot
at sakit na ginawa niya rito. Kaya lumayo siya. Ngunit
hindi niya mapalalagpas ang araw na ito, ang araw ng
kamatayan ng mga magulang ng lalaki.
Kahit alam niyang delikado at baka muli silang
magkita nito, hindi niya kayang hindi pumunta sa
puntod ng yumaong mag-asawa at humingi ng tawad.
Hindi naman ito ang unang beses na pupunta siya sa
puntod ng mga magulang ng binata. Sa katunayan ay
tatlong beses na siyang pumunta roon upang magbigay-
galang at humingi ng tawad.
And ironically, she felt at peace there. Pakiramdam
ni Shine ay nakakasama niya roon ang dating
kasintahan. Ang mga alaala nilang dalawa na
magkasama, masasayang alaala na nagugunita niya
nang malaya.
Shine looked forward to visit there. Ngunit aamin
niyang nangangamba siya. Maaari silang magkita ng
dating nobyo. At aaminin niyang ayaw man niyang
makita siya nito, may parte sa puso niya na gustong
gustong masilip ito kahit patago.
Wala halos tao sa sementeryo nang dumating siya roon.
Inasahan niya iyon dahil Agosto pa lamang,
Dumerecho siya sa kanyang destinasyon. Pagkarating
doon ay inilapag niya sa altar ang mga bulaklak at nagdasal.
Kamusta po kayo, Ma'am, Sir? Nandito na naman
po ako. Nakikiramay kahit na ako ang may kasalanan.
Patawarin n'yo po ako. At ipanatag n'yo po ang loob nya
lalayuan ko po ang anak ninyo.
Ilang minuto rin siyang mataimtim na nagdasal,
nakatayo sa harap ng puntod ng mga ito nang may
marinig siyang papalapit na kotse. Her instinct took
over. Sa pangambang baka si berly iyon, kaagad siyang
lumayo at nagtago sa di-kalayuan. At hindi nagkamali
ng hinala si Shine. Pagkatapos ng anim na masalimuot
na buwan, nakita niyang muli ang pinakamamahal
He still looked as handsome as ever. Nakasuot ito
ng polo shirt at slacks. Napakaganda pa rin ng hubog
ng katawan nito. And his strides were so graceful. Oh,
how she missed him! Pinagmasdan niya ito, taking in
inch of him.
Naalala niya ang huling gabing pinagsaluhan nila.
His lips, his hands, touching her. Him inside her. She
felt the heat slowly build within her. It left her aching,
knowing that the emptiness she felt could only be filled
by him. Isang bagay na hindi na mangyayari. Ang
tanging naiwan kay Shine ay ang magandang alaala ng
gabing iyon.
May dala rin itong mga bulaklak at inilagay ni berly sa tabi ng bulaklak na dala niya. Napatitig ito roon.
Tila kumabog ang puso ni Shine, ngunit alam niyang
hindi ito magtataka kung may bulaklak man doon. May
mangilan-ngilan pa ring mga kakilala na regular na
nagbibigay ng bulaklak sa mga magulang nito.
Maingat na inilibot niya ang paningin at doon
niya lamang napansin ang dalawang taong nakaitim sa
di-kalayuan. Lumilibot din ang paningin ng mga ito,
animo'y mga tagabantay. Her eyes narrowed.
Hindi kaya bodyguards sila ni berly? Muli siyang
napatingin sa binata. Bakit? May nagtatangka ba
sa buhay mo? lihim niyang tanong dito. Hindi niya
nagustuhan ang naisip. Kung may nagbabanta sa buhay
nito, aalamin niya kung sino iyon at... papatayin? Hindi,
ipagbibigay-alam niya sa mga pulis. Nakaramdam siya
ng pag-aalala para sa binata.
Muli niya itong pinagmasdan, hindi sigurado kung
ano ang gagawin. Mayamaya pa, isa sa mga nakaitim
na lalaki ang lumapit at may ibinulong dito. Pag-angat ng
ulo ni berly, nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil
napatingin ito sa direksyon ng kinaroroonan niya.
Madali siyang tumalikod at sumandal sa puno, habol
ang hininga.
My God! Nakita ba niya ako? No. Alam kong
hindi. Kailangan ko nang umalis dito. Baka makita pa
siya nito at hindi niya gugustuhing magkaroon sila
ng komprontasyon ng lalaki. Ipinangako ni Shine na
mawawala na siya sa buhay nito. At iyon ang gagawin
niya.
Hindi siya nakatiis. Muli niyang iniangat ang
katawan at sumilip sa gawi nito. Paalis na si berly pabalik
sa kotse nito. At habang papasok na ito ng sasakyan,
tinitigan niya ang mukha nito.Anim na buwan man ang nakalipas, berly, wala
pa ring nagbago. I still love you. Saka siya maingat na
umalis ng sementeryo nang walang nakakakita sa
kanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Sigurado ka bang siya ang nakita mo, Dave?"
tanong ni berly sa tauhan nang makaupo na siya sa kotse
"Yes, Sir," sagot ni Dave. "Na-confirm ko na po
sa CCTV. Base sa records natin, si Miss Shine ang
bumisita sa mga magulang n'yo."
Finally! His hand clenched. Alam niyang darating
din ang araw na ito. Nagpalagay siya ng CCTV sa
at loob ng bahay niya isang buwan matapos
umalis. Umasa siyang pupunta ito roon, pero
hindi iyon nangyari. At isang buwan bago ang araw
ng pagkamatay ng mga magulang niya, naisip niyang
maglagay rin ng CCTV sa museoleo.
Tumatagal ang paghahanap niya kay Shine,
mas nagiging desperado siyang mahanap ito at ang
nakakainip na paghihintay niya ay tapos na ngayon.
Ang totoo niyan, hindi siya lubos na siguradong
pupunta nga ang babae sa araw na ito, pero
nagbakasakali pa rin siya.
Maybe luck was on his side. Sa wakas, muli na
silang magkikita ng kasintahan. Oo, itinuturing pa
rin niyang kasintahan ito dahil ni minsan, hindi ito
napalitan sa puso niya.
At lagi niyang iniisip kung ano ang mangyayari
kapag nagkita na silang muli ni Shine. How he would
make her pay for all the time they were apart. And how
he would love her. His hands itched to touch her, his
body shook with need.
"Let me see," sabi ni berly.
Iniabot sa kanya ni Dave ang isang laptop at
napanood niya ang record nang nakalipas na kalahating
oras. Si Shine nga ang nasa video! Nang papalapit na
ang kotse niya ay dali-dali itong tumakbo at nagtago
At nang ibinulong nga ito ni Dave sa kanya kanina ay
lumingon siya sa kinaroroonan nito. Nakita niya pa ang
panlalaki ng mga mata ng babae pero hindi niya ito
pinuntahan.
Hindi, Kailangan planuhin niyang mabuti ang muli
nilang pagkikita. Hindi na niya ito hahayaan pang
makawala sa kanya. She's mine just like I'm hers. And
will make sure she sees that just the way I do. "Nasundan
n'yo ba siya?"
"Yes, Sir. Alam na po namin kung saan siya
tumutuloy."
"Good. Salamat, Dave." After six long months, he
finally smiled. See you later, my love.