chapter 9 takasan

1185 Words
Shine. Nagising si berly nang may ngiti sa labi, ngunit kaagad iyong nawala nang makapa niyang tanging unan na lamang ang kanyang katabi sa kama. Biglang nagising ang natutulog pa niyang diwa, bumalikwas siya ng bangon at inilibot ang paningin sa kuwarto. Wala nga ang kasintahan. Tuluyan na sana siyang babangon mula sa kama nang makita ang isang papel sa bedside table. Ano 'to? Nagtatakang kinuha niya iyon at binasa. I'm so sorry, berly. Lalong kumunot ang noo niya sa nabasa. Ano ba ang ibig sabihin nito? Nasan si Shine? At bakit niya sinulat ito? Tumayo na siya at kumuha ng shorts saka isinuot iyon. Hindi siya nag-abalang maghagilap ng shirt, hinanap na niya ang kasintahan. Pumasok siya banyo, wala ito. Lumabas siya ng kuwarto at nilibot ang buong bahay pati ang bakuran, subalit wala talaga ito. Naguguluhan na siya. Ano ba'ng nangyayari? Nasaan k na? Maya Maya ay Ikinalma niya ang sarili. Baka may pinuntahan lang siya sandali. Tama. Naisip niyang baka nag-o-over think lamang siya. Hindi naman aalis nang basta si Shine. Kung umaalis man ito, iyon ay dahil sa trabaho o may bibilhin lang. Hindi ito umaalis nang matagal, kaya nasisiguro niyang hindi talaga siya nito iniwan. Hindi nito magagawa sa kanya iyon at wala rin naman itong rason para gawin iyon. Sa positibong naisip ni berly, panandaliang gumaan ang kanyang loob at pumasok na siya muli sa bahay. Habang naghihintay sa pagbabalik ng nobya, naligo na muna siya at naghanda sa pagpasok sa trabaho. Ngunit nang nakabihis na siya at handa nang umalis, hindi pa rin bumabalik si Shine. Nasaan ka na ba? tanong niyang muli. Nababahala man, minabuti niyang pumasok na muna at antabayanan ang pag-uwi nito mamaya. Bago tuluyang umalis ay nag-iwan pa siya ng sulat para rito. San ka ba nagpunta? Paggising ko wala ka na. I hate this. Ayoko pa naman sanang pumunta sa ospital nang hindi pa kita nakikita but I need to go. Kaya bumawi ka na lang sa akin mamaya, okay? Last night was really wonderful. I love you. love, berly Pagdating sa ospital, hindi siya halos makapag concentrate. His mind was worried about Shine, Sinubukan niyang tawagan ang katipan, ngunit nakapatay ang cellphone nito. Paulit-ulit ang tanong niya sa kanyang isip. Anong nangyayari? Bakit? Naguguluhan man, pinilit pa rin ng binata ang sariling ituon ang atensyon sa mga pasyente niya. Alam niyang simpleng pagkakamali niya ay maaaring buhay o. Nang mga pasyente niya ang kapalit. Ngunit hindi niya hind maikakaila sa sariling nababahala na siya. Mag-aanim na ng gabi nang makarating siya sa bahay. Umaasa siyang sa pag-uwi niya ay nakabalik na ang kasintahan ngunit pagkakita niya sa madilim na kabahayan, alam niyang wala pa rin ito sa loob. Mabibigat ang hakbang na pumasok siya sa loob. At pagkabukas ng ilaw sa sala, nakita niya ang sulat80 na iniwan niya kanina para sa dalaga, still in place, Nababahala na si berly. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Nasaan na ba si Shine? At bakit ito umalis? Higit pa sa maganda ang nangyari sa kanila ng nakaraang gabi, kaya hindi niya maisip ang dahilan sa pag-alis nito. Ang tanging naiwan ng babae ay ang sulat ng paghingi nito nang tawad. ng Pero bakit ito nagso-sorry? Ano ang nagawa nitong mali? O baka siya naman ang may nagawa upang magalit ito? Inis na sinabunutan niya ang kanyang buhok. Tila mababaliw na siya sa kaiisip, kaaalala kay Shine. Ngunit may isang bagay na bumabagabag talaga sa kanya. Paano kung umalis nga ito at iniwan na siya nito? Hindi! pagtatanggi pa rin niya. Hindi ako magagawang iwan ni Shine. Para makasiguro at mapanatag ang kanyang loob, naisipan niyang tingnan ang cabinet, kung nagdala ba ito ng damit o hindi. At sumikip ang kanyang dibdib nang mapansing kakaunting damit na lamang ang natira roon. No! This can't be! Nanghihinang napaupo si berly. Hindi pa rin niya mapaniwalaang iniwan nga siya ni shine. Ang masakit pa nito, hindi man lang ito nagpaliwanag o nagpaalam man lang Bakit, Shine? "Bakit?" Hindi niya napigilan ang sariling sumigaw. He couldn't seem to take this in. Kanina pa siya nangangamba, at pilit niya iyong tinatanggi sa sarili, ngunit nasa harap na niya ang mga ebidensyang iniwan na nga siya nito. Ang sulat, at mga damit. lisang tanong na lamang talaga ang hindi niya malaman-laman ang sagot. Bakit siya nito iniwan? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Lumipas ang mga araw at hindi pa rin bumabalik si Shine. Upang makalimutan ang sakit na nararamdaman, ibinuhos ni berly ang kanyang oras sa ospital. Maaga siyang pumapasok at gabing-gabi na umuuwi. Ngunit hindi man niya aminin sa sarili, sa bawat oras na dumaraan, palihim niya pa ring hinihintay ang pagbabalik ng kasintahan. Ang mga araw ay naging linggo at ang kalungkutan niya at pag-aalala rito ay unti-unting napalitan ng pagkamuhi. Bakit siya iniwan ni Shine? Bakit hindi man lang ito nagpaalam sa kanya o harapang sinabi ang dahilan kung bakit siya nito iiwan? Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali o kung mayroon itong hindi nagustuhan kaya umalis.Kung nalaman lang sana niya ang dahilan he would have changed that instant and he would have done anything just to make her stay. Pero hindi siya nito hinintay. Umalis ito habang tulog siya. At iyon an ikinakagalit niya. She didn't even have the guts to break his heart face-to-face. And his heart was truly broken Minahal niya si Shine, at galit man siya ngayon dito, alam niyang mahal na mahal pa rin niya ito. He thought that she was the one for him. She would be his wife and the mother of his children. Inakala niyang magkakasama sila habang-buhay. Mahal niya ito at ngayon lamang siya nakadama ng ganito kasidhing damdamin. Para sa isang tulad ni berly na madaling magsawa at ma-bore, nakahanap siya ng isang taong alam niyang hindi niya gugustuhing mawalay sa kanya. At si shine iyon. Hahanapin ko siya, berly decided. Hindi niya dapat pinatagal pa ang pagkawala nito Hindi niya hahayaang matapos sa ganito ang kanilang pagmamahalan. At alam niyang pareho nilang mahal ang isa't isa. She loved him just as he loved her. May matindi itong rason kung bakit iniwan siya at iyon ang aalamin niya. Hahanapin niya ang dalaga at pagpapaliwanagin niya ito. They both suffered just because she was afraid to say the problem to him. I won't let her run from me. Alam ng binata na may pagka-possessive siya. At dahil sa alam niya sa kaloob-looban niya na si Shine ay para sa kanya, hindi na siya magmumukmok pa at kikilos na siya. He had finally made a decision. Hahanapin niya ang kasintahan at kapag nahanap na niya itong muli, hindi na niya ito papakawalan pa. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito muling nahahagkan, kahit ano ang mangyari at kahit gaano katagal. Kung kinakailangan kong kumuha ng mga tauhan, gagawin ko. Kahit anong paraan ay gagawin ni berly upang makita lang ito. Wala ka man sa piling ko ngayon, Shine, ipinapangako ko na mahahanap din kita. So run as fast as you can, my love, because I will not stop coming after you until you're back in my arms, where you belong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD