Chapter 1
"AABBBYY" mabalahaw na sigaw ni Henry, galit na galit ito na halos lumabas na ang mga litid sa leeg. "Hanapin ninyo sila at huwag kayong titigil hangang di ninyo sila nakikita!" galit na utos niya sa mga tauhan.
Mabilis na nagsipag-alisan ang mga tauhan niya at agad na ginalugad ang kakahuyang natitiyak niyang tinakbuhan ng mag-ina niya. Halos madurog ang bagang niya sa galit nang maalala ang panlalansing nito sakanya.
"Damn you Abby! Damn you!" mura niya rito. Halos madurog ang kamao niya sa gigil niya.
Dalawang linggo na niyang napapansin ang pagiging tahimik nito at ni ayaw pagalaw sakanya kaya lalo siyang naghigpit dito sa isip na baka may lalaki ito.
Tatlong araw itong nawala sa poder niya ng dahil sa tulong ng lintek na kasambahay niya kaya naman pinahunting niya ang kasambahay at pinapatay ito. Ang ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang trinatridor siya. Kaya nang maibalik ito ng mga tauhan niya dalawang linggo na ang nakararaan ay todo higpit talaga siya at bantay sarado ang bawat kilos nito.
Nang gabing akala niya ay magagalaw na niya muli ito, iyon pala ay nagbabalak itong tumakas. Napamura siya ng maalalang nilansi lansi siya nito sa mga halik at himas bago siya pinukpok ng bote sa ulo. Nang magising siya ay tangay na nito ang anak nila. Ang buong akala niya ay nakabantay ang mga tauhan niya, iyon pala ay pinatulog din ng mga ito ng bigyan ng maiinom. Malayo ang mansyon niya mula sa gate kaya natitiyak niya maaabutan pa rin nila ito at di nga siya nagkamali nang matanaw pa nilang pumasok ito sa kakahuyan bitbit ang anak na si Allison.
"Hindi ako makapapayag na basta mo nalang ako matakasan Abby dahil sa oras na mahuli kita pagsisisihan mong nakilala mo pa ako." Wika ni Henry sa sarili and he clenched his jaw tight.
This time oras na maibalik si Abby sa kanya ay di na ito kahit kailanman makakatakas pa sisiguraduhin niya iyon. Kung kinakailangang ikandena niya ang babae ay gagawin niya. Inuubos talaga nito ang lahat ng pasensya niya.
"Tell Gaston that he should bring her here without any wounds. Make sure he will never lay his finger on her." bantang wika niya kay Leon. "Ako lang ang pwedeng manakit sa babaeng iyon, ako lang!" dagdag niya.
Walang pwedeng manakit kay Abby kundi siya lamang at sisiguraduhin niyang pagsisisishan ni Abby ang pagtakas nito dahil di lang leksyon ang ituturo niya rito. Humitit siya ng sigarilyo matapos sundan ni Leon ang grupo ni Gaston. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at bumalik na sa loob ng Villa.
_______________________________________
ABBY'S POV
_______________________________________
MALAKAS ang buhos ng ulan di ko alintana ang pagod at takot na nararamdaman dahil sa oras na magpahinga ako sa pagtakbo alam kong maaabutan kame ng mga tauhan ni Henry. Ramdam kong puro galos na ako mula sa mga sanga na sinuotan namin.
Lumakas ang ulan at dahil sa malalaking mga patak at malakas na tunog ng kulog ay pumalahaw si Allison mabilis na tinakpan ko ng bahagya ang bibig niya sa takot na nadama ko dahil baka marinig at masundan kame nila Henry.
"Don't cry baby, shhhh please!" usal ko pa at mahigpit na niyakap ko siya sa pagbabakasakaling kumalma ito habang patuloy pa rin kame sa pagtakbo. Pumapalahaw pa rin ito.
"Diyos ko parang awa Ninyo na po tulungan niyo kame." piping usal ko na naiiyak na.
"Nandoon," tinig mula sa malapit na naririnig ko.
Lalo akong natakot at nanginig sa mga boses na narinig ko, hilam na ang mga mata ko sa patak ng ulan nanlalabo na ang mga ito idagdag pa ang kakaunting liwanag na nakikita ko sa madilim na kakahuyan. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag ko.
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.
"Aaahh.." hiyaw ko nang biglang matapilok.
Mabuti na lamang at mahigpit ang pagkakayakap ko kay Allison at di ko ito nabitiwan. Dahil doon ay muli itong umiyak. Rumagasa lalo ang nerbiyos sa dibdib ko.
Agad akong tumayo kahit napakasakit ng kanang paa ko dahil naririnig ko na ang mga yabag ng nagtatakbuhan na natitiyak kong tauhan ni Henry. Ininda ko ang kirot dahil di kame pwedeng maabutan ng mga tauhan niya.
Malapit na ako sa kalsada natitiyak ko dahil mula sa malayo ay nakatanaw ako ng ilaw ng sasakayan. Ilang hakbang nalamang ako nang biglang may humila sa buhok niya, napahiyaw ako sa sakit.
"Aaaahhh," hiyaw ko nang lalo nitong higpitan ang hawak sa buhok ko na halos ikatangal ng anit ko.
"Lintek kang babae ka, dahil sa pagtakas mo mapapatay pa kame ni Boss Henry!" ani Gaston ang kanang kamay ni Henry.
"Mga hayop kayo, hayop! Bitawan mo ko!" sigaw ko na sinusubukang magpupumiglas kahit hawak ko si Allison.
"Gaston ang bilin ni boss Henry huwag na huwag sasaktan." awat dito ni Leon.
Binitiwan ako ni Gaston sa buhok dahil doon ay di na ako nag aksaya ng oras at agad na tinuhod ang p*********i nito. Umigik ito at napaluhod sa sakit.
Hawak nang mahigpit si Allison ay inilang hakbang ako ang kalsada nakikita ko na ang sasakyan papalapit sa amin.
"Aaahhh,!" muling hiyaw ko nang mahablot muli ni Gaston ang buhok ko napaiyak na ako sa sakit ng anit ko at takot sa maaaring kahinatnan namin.
"Putangina mo talagang babae ka!" gigil na wika nito. Wala akong laban sa paghila nito saakin dahil ang mga kamay ako ay buhat buhat si Allison, halos kaladkarin ako nito gamit ang buhok ko.
"Please maawa ka kahit kay Allison lang please," umiiyak na wika ako, nang bitiwan ang buhok ko ay binigyan niya ako nang nakangingilong sampal na ikindugo na ng labi ko.
"Para yan sa pagsipa sa alaga ko!" nanlilisik ang mga matang turan nito sa akin at mula akong hinila.
"Please pakawalan niyo ako." sumamo ko. Dalangin kong mapalapit at hintuan kame ng sasakyang paparating na.
Nginisihan lamang ako nito habang si Leon ay tila tuod lamang na minamasdan kame maging ang iba pang tauhan.
"Tawagan mo na si Boss Henry." utos ni Gaston. Bago siya muling kaladkarin, napahiyaw siya sa lakas ng pagkakahatak nito sa buhok pa rin niya.
Huminto ang dalawang sasakyan sa mismong harap nila. Muling umusal ng mura si Gaston at lalong humigpit ang hawak saakin.
Nakita kong nagbabaan ang mga sakay nito.
"Let her go!" anang baritonong boses kay Gaston, nilingon ko ang lalaking nagsalita kahit kokonti ang liwanag mula sa buwan at patila na ang ulan ay kita pa rin na gwapo ito. Si Gaston naman ay di natinag at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang baril na hinugot nito mula sa tagiliran ng pantalon nito.
Itinutok nito ang baril sa lalaki. "Huwag kang makikialam dito kung ayaw mong iputok ko to sa ulo mo." nakangisi pang wila nito sa lalaki, ngunit di natinag ang lalaki sa kinatatayuan nito.
Ang kasama nitong mga lalaking bumaba mula sa sasakyan ay mabilis ang kilos na humugot ng mga baril at itinutok kila Gaston. Tila naalarma naman si Gaston at mga kasama nito.
"I am not a killer but if you don't let them go I am sure I am gonna be a killer tonight." wika ng lalaki na di kakikitaan ng takot.
Ramdam ko ang gigil ni Gaston at ang nangangalit nitong bagang ay naririnig ko pa dahil sa pagtunog ng mga ngipin nito.
"Let her go or we're gonna blow your f*****g heads off!" tinig muli ng lalaki kay Gaston.
Itututok sana ni Gaston sa ulo ko ang hawak nitong baril ngunit bago pa ako makareact ay nakarinig nalang ako nang malakas na putok ng baril at ang malakas na hiyaw ni Gaston, nabitawan ako nito maging ang baril na hawak nito. Nang lingunin ko si Gaston ay dumudugo na ang braso nito mula sa tama ng baril.
Si Allison ay malakas na pumalahaw marahil ay sa takot mula sa ingay ng baril. Mahigpit ko siyang niyakap at agad akong hinila ng isang lalaki papasok sa kotse, natanaw ko pa na nakipagtutukan pa ang mga kasama nito ng baril sa mga tauhan ni Henry.
Naunang umalis ang kotse na kinalulanan namin bago umalis ang isa pang kotse na kasama nito ay siniguro marahil na di kame masusundan.
Nanginginig ako sa takot, lahat ng takot ko mula sa pag-alis sa mansyon ni Henry ang paghabol nila sa akin. Ang lamig ng ulan at palahaw ni Allison ay tila ngayon ko lamang naramdaman maging ang pananakit ng mga binti ko at braso pati ang anit ko ay ngayon lamang nag sink in lahat sa akin. Tumulo ang luha ko, patuloy ito sa pag-agos habang mahigpit ang yakap ko kay Allison.
"Salamat, salamat." umiiyak na usal ko.
"Your safe now!" tinig ng isang lalaki na katabi ko. "I am Sean." pakilala nito. Mababanaag sa kaniya ang marahil ay awa sa amin. "And you are?" tanong nito sa akin.
"Abbygail" tipid na tugon ko at ngumiti ito.
Tumingin ako sa lalaking nasa passenger seat sa unahan. Ito ang lalaking unang nakita ko at kumausap kay Gaston. Tahimik lang itong nakatingin sa daan na tinatahak namin.
"And that is Greg." Wika ni Sean na marahil ay nakitang nakatingin ako. Tumango ako bilang tugon na lamang sa sinabi niya dahil di ko rin alam kung paano ba ako magpapasalamat sakanya gayong tila puno ito ng iniisip.
Nilingon ako ni Sean at inabot ang isang jacket. "Pwede mo tong magamit sa anak mo since basa ang damit niya mula sa ulan."
"Thank you." sabi ko at agad na hinubad ang basang damit ni Allison nakatulog na ito marahil sa pagod na dinanas namin kanina. Nang maalis ko ang damit ay agad kong ibinalot sakanya ang jacket upang di siya ginawin. Ang backpack na dala ko ay tanging damit at gatas lang ni Allison ang laman sadyang konti lamang upang mas mapadali ang pagtakas namin. Dahil sa lakas ng ulan ay basa na rin ang mga iyon tiyak.
ISANG mahinang tapik ang gumising sa akin. Nang imulat ko ang akin mga mata ay nasa harapan na kame ng isang malaking bahay na animo ay tila isang mansyon. Puno ng ilaw ang paligid nito. Binuhat ko si Allison mula sa pagkakalapag ko sa upuan ng sasakyan sa tabi ko
"Nasaan na tayo?" Tanong ko.
"We're here at Greg's house." si Sean ang sumagot dahil tuloy tuloy na naglakad papasok si Greg na di man lamang kame nililingon. "Dito muna kayo pansamantala if may kaanak ka dito sa Manila ay pwede ka namin ipahatid." Sabi pa nito saakin.
Bigla akong nag alala, mula Quezon province pala ay napadpad na sila sa Manila. Marahil ay taga dito ang nakasagip sa akin kanina. Di ko alam kung magiging ligtas ba kame ni Allison kung dito kame mamumuhay na dalawa sa Manila naroon ang takot ko na baka matunton kame ni Henry dahil natitiyak kong kikilos ang galamay nito.
Sumalubong sa amin ang isang may katandaan na babae. "Ako na po ang magpapasok ng bag nila Sir Sean at maghahatid sa silid nila nagbilin na po si Sir Greg." anang matanda kay Sean.
"Okay Manang Cita." wika dito ni Sean bago humarap sa akin.
"Sila na ang bahala sa iyo, mauuna na ako." wika nito muli na ikinataka ko at sumakay na sa sasakyan nito. Bumisina pa ito bago tuluyang umalis.
Tila ba parang gusto ko nanaman maiyak at makaramdam ng takot kung si Sean ay kahit paano ay naimik itong si Greg ay tila ba sumobra ang tahimik. Ang mga mata nito ay kay dilim at kay lamig. Mga tingin nito na di niya mawari.
"Halika na kayo sa loob." basag ni Aling Cita sa pag-iisip ko.
Sumunod ako kay aling Cita paakyat ng hagdan mula sa ikalawang palapag ay nakailang silid pa kameng nilagpasan bago niya binuksan ang silid sa bandang dulo.
"Dito kayo magpahinga ng anak mo, meron na diyan damit na pamalit mo. Itong para naman sa anak mo ay meron din." Sabi ni aling Cita sa akin ng pumasok na kame ng silid.
"Salamat po." tugon ko sa kaniya.
"Magpapaakyat na lamang ako ng hapunan sa iyo at gagamutin ko din ang mga galos mo." sabi pa nito habang tinutulungan akong mailapag nang maayos ang natutulog na si Allison. Nilagyan niya pa ito ng unan sa kabilang gilid.
"Ako na lamang po ang gagamot sa mga sugat ko." nahihiya kong wika sakanya.
"Naku ang bilin ni Sir Greg ay asikasuhin kayong mag ina." sagot nito na ikinataka ko pa. Tumango nalamang ako bilang tugon sa kaniya.
Nang makaalis si Aling Cita ay dumiretso ako sa banyo upang maligo nahirapan akong hubarin ang damit ko marahil ay sa pagod at ngalay ng ilang oras na pagtakbo buhat si Allison. Ang mga galos ko nga sa braso ay ni di ko maalala kung saan ko ba nakuha. Matapos akong maligo ay tiningnan ko ang iginayak na damit ni aling Cita.
"Mga bago pa." usal ko sa sarili. Sinusuot ko pa lamang ang panty ng biglang umingit si Allison, agad kong sinuot ang roba at nilabas si Allison sa takot na malaglag ito sa kama.
Tinimpla ko ito ng gatas na baon namin sa bag ko at pinadede siya habang karga ko. Gumalawgalaw ako para mahele siya kaya naman nalilis nang bahagya ang roba na suot iaangat ko sana ito kaya itinuntong ko paa ko sa kama at ipinatong ko ang mga hita ni Allison upang magkaroon ng laya ang isang kamay ko at maiangat ang nalililis na suot ko nasa ganoong posisyon ako ng may kumatok. Sa pag aakalang si aling Cita lamang iyon ay di agad ako lumingon.
Nang maramdaman kong tila walang balak magsalita si aling Cita ay lumingon ako at nagulat pa ako ng si Greg ang mabungaran ko. Tiim itong nakatingin sa amin.
"Ummmm," tanging nasabi ko.
"I just wanna check both of you kung kumportable ba kayong mag-ina dito." sabi nito na tiim pa rin ang pagkakatitig sa akin.
Di ko alam kung dapat ba akong magbawi ng tingin sa uri nang tinging ibinibigay nito. Wala naman akong mabanaag na emosyon sa itim na itim na mga mata nito. Tahimik lamang itong nakatitig sa akin. Nang di ako nakaimik ay akmang tatalikod na ito.
"S-salamat." medyo nautal pang wika ko dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Lumingon ito at muling humarap, lumapit ito sa akin na muntik pang mapaatras ako. Sinilip nito ang natutulog na si Allison na buhat ko. Lalong bumilis ang tibog ng puso ko dahil dalawang dangkal na lamang yata ang layo nito sa akin.
Nag-angat ako nang tingin sa kanya na dapat ay di ko ginawa dahil bahagya pala itong nakayuko sa pagkakatingin kay Allison kaya muktik na tuloy halos magtama ang mga mukha namin. Umatras ako ng bahagya para magkaespasyo ang pagitan namin. Muli akong tumingin sa kanya at nakatitig na ito sa mukha ko particular sa labi ko. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras dahil sa tensyon na nararamdaman ko.
"f**k!" mahinang mura nito bago ako tinalikuran. Takang nakatitig pa ako sa pintong nilabasan nito.
"What was that?" takang tanong ko sa sarili ko.
Nang makalabas ito ay napabuntong hininga ako di ko alam kung naiintimidate lang ba ako sakanya o dahil sobrang tahimik niya na di ko mawari. Lumapit ako sa kama binaba ko na si Allison.
Maya maya pa ay dumating na si aling Cita bitbit ang hapunan, bago ito umalis ay ginamot niya muna ang mga sugat ko. "Ipahid mo daw ito sa labi mo sabi ni Sir Greg pagkatapos mong kumain." sabi nito sabay abot ng ointment na antibacterial.
Nagulat pa ako kaya naman napahawak ako sa labi ko na bagya pa palang namamaga dahil sa lakas ng sampal ni Gaston. Naramdaman ko din na parang may hiwa ito sa gilid.
Matapos akong gamutin ay magana akong kumain ng hapunan marahil ay dahil sa gutom at pagod kaya naubos ko ang hapunan na dinala ni aling Cita.
Ilang minuto ang lumipas ay humiga na rin ako sa kama katabi ni Allison dahil sa antok. Maya maya ay unti unting ginugupo na ako ng antok nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto, gustuhin ko mang tingnan ay hinihila na ako ng antok at pagod.
"I met you again." mahinang usal pa na narinig ko bago tuluyan akong hinila na ng antok.