Chapter 2

2931 Words
MAAGA akong nagising dahil umiyak si Allison. Marahil ay nagugutom na kaya naman agad ko siya ginawan ng gatas. May pang ilang araw pa siyang iinumin ng silipin ko ang container ng gatas niya. Sa susunod ay kinakailangan ko ng ibili siya. May pera naman akong ipon ang pinoproblema ko ay ang paglabas ko natatakot akong may makakita saamin. Mahihinang katok ang narinig ko. "Ma'am bumaba na raw po kayo para sa agahan." wika ng isang babae. Tumingin ako sa kanya. "Susunod na ako tapusin ko lang itong pag inom ni Allison ng gatas." nakangiting turan ko. "Sige po Ma'am." nakangiting sagot nito at muling sinara ang pintuan. __________________________________ Pagkababa namin ni Allison ay muntik pa akong maligaw kung nasaan ba ang dining ng bahay ni Sir Greg sa lawak kasi ay di ko agad nakita. Mabuti na lamang at nakita ako ng tumawag sa kwarto kanina. "Ma'am dito po." yaya nito sa akin. Nakangiti naman akong sumunod. Agad kong nakita si Greg na nakaupo. Nakabihis na ito malamang ay papasok na sa trabaho. "G-good Morning." bati ko, lumingon ito sa gawi ko ngunit hindi ito nagsalita bagkus ay iminuwestra ang silya upang maupo na ako. "S-salamat." may pag-aalangan pang sabi ko. Napakatahimik niya. "Ma'am dito niyo na po iupo si baby Allison." sabi ni Aling Cita agad namang tumayo ako at iniupo si baby doon. "Elen kunin mo ang iginawa kong pagkain ni Allison." utos pa nito sa babae na Elen pala ang pangalan. Matapos makuha ay inilapag ni Aling Cita ang mashpotato na may broccoli bits. Malapot ito at madaling kakainin ni Allison. She loves vegetables kaya tiyak na mauubos nito iyon. Sinimulan ko na ang pagsubo kay Allison at nagustuhan nito ang pagkain. "Let Elen feed her so you can start your breakfast." Sabi ni Greg, nahinto ako sa pagsubo kay baby at tumingin dito. Matiim itong nakatingin sa akin, iyong tingin na malalim. Gusto ko sanang ako na ang magpakain kay Allison ngunit hindi na ako kumontra at baka pag ginawa ko iyon ay ora-orada paalisin niya kame ng bahay niya. Sa ngayon kailangan namin ng ligtas na matutuluyan. And I badly need his help yes. Muli akong napatingin dito abala ito sa binabasang diaryo. Malaking tao ito sa tantiya ko ay nasa 6'1 ang taas nito dahil 5'6 ang taas ko pero maliit pa rin akong tingnan kumpara dito. Malapad rin ang balikat nito at mala Jason Mamoa nga ang katawan nito iyong tipong yummylicious talaga, may kakapalan din ang kilay nito. Matangos ang ilong at may clef chin pa na nakadagdag lalo sa kagwapuhan nito. Muntik pa akong masamid sa pagsubo ng biglang tumingin ito sa akin, kitang kita niyang pinag-aaralan ko ang mukha niya. Kung madaldal lamang ito tiyak na abot abot ang pambubuskang aabutin ko. Ibinalik ko nalamang ang atensyon sa pagkain ko at panakanakang nililingon ko si Elen at Allison. Mauubos na ni Allison ang pagkain niya. Nang lumingon ako sa gawi ni Greg ay nahuli ko naman itong nakatingin saakin ngunit di gaya ko kanina na agad nagbawi ng tingin ito ay ni di man lamang natinag kahit nahuli ko pa. Literal na hantaran na akong tinitingnan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa ginagawa nitong panunuri sa akin pakiramdam ko tuloy ay nangangamatis na ang pisngi ko. Nang bumaba ang tingin nito sa labi ko papunta sa dibdib ko ay napalunok ako at nag-iwas bigla nang tingin. _________________________________ _________________________________ Matiwasay na natapos ang agahan tinutulungan ko si Aling Cita sa pagliligpit matigas ang tanggi nito saaking tumulong pa ngunit pinilit ko talaga ito kaya naman wala itong nagawa. "Aling Cita, may malapit po ba sa tinitirhan natin na Mercury or grocery store?" tanong ko habang pinupunasan ang mga platong nahugasan na. Si Allison naman ay tahimik lang sa highchair na dinala ko sa kusina para kita ko siya inabutan ko na lamang ito ng isang pirasong kamatis para malibang dahil wala rin naman akong nadalang laruan niya ni isa. "Hindi naman malayo Ma'am Abby, pero kailangan mo pa rin sumakay dahil nasa subdivision tayo. Eh ano bang kailangan mong bilhin?" tanong nito sa akin. Kanina habang naghuhugas ay sinabi ko sakanila ni Elen na huwag na akong tawagin na may Ma'am dahil hindi naman kame kaano ano ni Sir Greg o lalong di naman kame bisita. Pero iyon daw ang gusto ni Sir Greg kaya hinayaan ko na rin. Alam na rin nila Aling Cita ang nangyari saamin kung paano kame nailigtas at mula Talisay Quezon ay kasama kame ni Sir Greg sa Manila. Asawa rin kasi nito ang driver namin kagabi kaya nasaksihan din nito ang pangyayari kagabi. "Paubos na po kasi ang gatas at diaper ni Allison kaya po gusto kong makabili." sagot ko. Huminto ito sa ginagawa at tingnan si Allison saka ngumiti. "Bukas ay mamimili kame ni Tess kung gusto mo ay kame na ang bibili ng mga pangangailan nitong magandang bata na ito." sagot nito at nakangiti pang pinagmasdan si baby. "Napakaganda po ng anak ninyo Ma'am Abby, para po kayong pinagbiyak na bunga. Napakaganda niyo rin po kasi." Nakangiting sabi naman ni Tess, si Tess ay ang isa pa nilang kasambahay nakatoka ito sa labahin at pagtulong kay Aling Cita sa kusina. Habang si Elen naman ay ang paglilinis ang toka. Si Aling Cita ang nagsisilbing mayordoma, ang kwento nito ay simula ng maging mag asawa ang magulang ni Sir Greg ay nandoon na ito kaya naman sa kanya na raw lumaki si Sir Greg. Napaisip tuloy ako na kung magstay kame ng matagal ay ano kaya ang pwede kong iapply dito na trabaho bilang kabayaran sa pananatili namin dito. Pwede rin naman akong cook dahil iyon ang trabaho ko sa restaurant na pinasukan ko dati. O kaya taga linis ng bahay din. "Ano gusto mo bang ipasabay na ang bibilhin mo?" untag ni Aling Cita, naging abala kasi ang isip ko kaya di ko na nagawang makasagot pa. "Sige po Aling Cita makikisabay po ako ng bili bukas." sagot ko. Lumapit na ako kay Allison para kunin na ito. "Ano bang brand ng gatas at diaper ang ginagamit ng anak mo?" tanong nito sa akin habang nagpupunas ng kamay. "Similac po at pampers." nakangiting sagot ko sinabi ko rin ang size ng diaper dito. Tatalikod na sana ako para tunguhin namin ang kwarto kung saan kame natutulog, balak ko kasing kunin ang perang pambili ko. "AY KABAYO.," usal ko. Muntik pa akong mapatili nang pagharap ko ay ang nakatinging si Sir Greg ang mabungaran ko. Halos tumalon ang puso ko sa pagkagulat. Bigla bigla kasi itong andoon ni di ko nga naramdaman na andoon pala ito sa pintuan sa kusina. Di ko alam if kanina pa ba ito doon o baka kadarating din lang kaya di ko naramdaman ang presensya nito. Dahil tila hindi naman ito iimik ay yumuko ako para makadaan. Di ko talaga kayang tagalan ang mga titig niya. Natanong ko na rin kay Aling Cita kanina kung likas bang tahimik ang amo niya. Madalas talaga ay tahimik daw ito simula ng yumao ang asawa at anak nito mula sa isang trahedya pitong taon na ang nakararaan.Bigla tuloy ay nahabag siya sa sinapit nito. Masakit mawalan ng mahal sa buhay lalo at mag-ina pa nito ang nawala. "A-akyat na po kame sa silid." nahihiya at kinakabahang paalam ko. Di rin ito nagsalita kaya nagpatuloy na ako sa paglabas. Hindi ko na rin pinakinggan pa kung ano ang sinabi nito kay Aling Cita. ____________________________________ ____________________________________ TUMUTULONG ako sa pagluluto kila Aling Cita, dito man lang ay makabawas ako ng utang na loob sakanila. Nahihiya din kasi ako na nakikitira na nga hindi pa magkusang tumulong. Ayaw man nila akong payagan ay wala rin silang nagawa. Sinigang na baboy na lechon kawali ang niluto ko. Nagulat pa ako na paborito daw ni Sir Greg ang sinigang. "Hello!" ang nakangiting si Sean ang nalingunan namin mula sa pintuan ng dirty kitchen. Ngumiti ako, ibang iba talaga ito sa kaibigan niya kung ito ay handang magbigay palagi ng ngiti ang kaibigan naman nito ay para bang laging reserved ang ngiti. "Wow ang bango." umupo ito sa stool sa kitchen Island at nakiusyoso sa mga putaheng nandoon. "Ikaw nagluto?" tanong nito. Nahihiyang tumango ako. "Naku Sir Sean, baka nga mawalan ako ng trabaho pag natikman ni Sir Greg ang luto ni Ma'am Abby." nakangitng biro ni Tess. Malawak ang ngiting ibinigay ni Sean saakin. Kumuha ito ng maliit na mangkok at sumalok ng sinigang. "Wow pang restaurant quality ang sinigang mo, plus lechon kawali pa ang liempo na sahog." papuri nito, pinamulahan ako ng mukha. "Maganda na magaling pang magluto. Tsk swerte." makahulugang puri pa nito. Tila kilig na kilig naman si Tess at Elen kay Sean. Gwapo rin kasi ang lalaki, sabi ni Nana Cita ay binata pa nga rin daw ito. Napangiti ako, paupo na ako nang mamataan ng mata ko ang nakatayong si Sir Greg nakapamulsa ito at mukhang wala pa sa mood, ang may kakapalang kilay nito ay nag-isang linya at tiim din ang mga labi nito. Madilim din ang mga mata nito. Bakit pakiramdam ko ay galit ito na di ko mawari. Huwag naman sana. "Elen help Mang Lito outside." utos nito kay Elen. Agad namang lumabas si Elen. Tumingin ito sa nakangisi pang si Sean. "You can go in my office." tipid na sabi nito at tinalikuran na kame. Nakangisi at naiiling lang si Sean. "I smell jealousy." sabi pa nito nagtaka pa ako sa sinabi nito. Jealousy kanino? May pinag-awayan kaya ang magkaibigan. Baka iisa sila ng gustong babae kaya mainit ang ulo ni Sir Greg dahil nandito si Sir Sean. "Your sinigang is the best." sabi pa nito bago umalis na rin at sumunod sa kaibigan. Lumabas na rin ako para akyatin si Allison dahil tulog na ito. Tinulungan ako kanina ni Tess na igilid ang kama sa pader dahil takot akong mahulog si Allison. Iniharang ko rin ang 2-seater sofa sa kwarto na inookopa namin sa kabilang side naman ng kama. Paakyat na ako ng hagdan nang tawagin ako ni Elen at Mang Lito. "Ma'am Abby iaakyat na rin po namin ito." sabi ni Mang Lito. Nilingon ko ang buhat buhat nila halos nanlalaki ang mga mata ko sa gulat napanganga rin ako. Hawak ni Elen ang apat na naglalakohang balot ng diaper. Buhat naman ni Mang Lito ang mga supot ng lata ng gatas sa tantiya niya ay walong lata yata iyon. Nakita ko naman sa likuran nila ang papasok na body guard ni Sir Greg na may bitbit na malaking kahon katuwang nito ang guard ng mansion. Sa kahon ay may nakadrawing na crib. I wanted to cry pakiramdam ko ay lubos lubos naman yata ang kabutihan ni Sir Greg para bilhin ang lahat ng mga iyon gayong estranghero kame sa buhay niya. Kagabi lang namin siya nakilala, niya ako nakilala pero heto at ilang libo na ang ginastos niya. Umuna na paakyat ng kwarto sila Mang Lito at ang dalawang nagbubuhat ng crib. Tinulungan ko naman si Elen sa mga diaper. Nag note ako sa sarili ko na kailangan kausapin ko si Sir Greg tungkol dito. "Naku Ma'am marami pa po sa sasakyan na mga pinamili." masaya ang tinig na wila ni Elen. "Parang di naman masyadong excited si Sir Greg na may bata muli dito sa mansion." dugtong pa nito. Napahinto ako. "M-marami pa?" hindi ko mapakaniwalaang tanong. Sunod sunod ang tango nito. "Opo Ma'am may mga damit din po akong nakita at sapatos at kung ano ano pa." sagot nito. Pakiramdam ko ay gustong manlaki ng ulo, hindi ito dapat na ginagawa ni Sir Greg. Ang pagpapanatili nito saamin pansamantala ay malaking tulong na. Hindi rin naman ako abusadong tao o lalo na mapagsamantala. Pagkalapag ng mga bitbit namim sa kwarto ay bumaba pa mula sina Mang Lito at Elen upang ipasok pa ang mga naiwan sa itaas. Sa kabilang kwarto na inaassemble ng dalawang tauhan pa ni Sir Greg ang crib dahil tulog si Allison. Di ako mapakali sa kwarto at nagpaikot ikot pa ako. Gusto kong katukin si Sir Greg sa opisina nito kaya lamang ay baka busy ito kasama si Sir Sean. "Andito na po lahat man ng ipinamili ni Sir." tila hinihingal pang wika ni Elen. Tumigil ako sa paglakad lakad at timango sa kanya. "Pinapatawag rin po pala kayo ni Sir sa opisina niya." imporma nito. Nagtaka naman ako. "B-Bakit daw?" nautal pang tanong ko. Pakiramdam ko ay gustong manikip ng dibdib ko sa antipasyon at kaganapan. Minasdan ko ang lahat ng pinamili at halos mapuno ang silid sa dami, naroon na rin ang crib sa loob. Nagkibit balikat ito."Hindi ko po alam Ma'am. May dumating pa po kasing dalawang bisita si Sir maliban kay Sir Sean po." bigla ay gusto kong kabahan sa narinig. "Sige pupunta ako." sabi ko, sinilip ko pa muna si Allison na mahimbing ng natutulog sa kuna matapos kasing maikabit ito at maiayos ay agad kong inilipat ito doon. Sinabayan na rin ako ni Elen sa paglabas upang ituro saakin ang opisina na inookupa nito. Nag-paalam na rin itong bababa at tutulong maghain. ______________________________________________________________________________ NAKADALAWANG katok ako bago ko pinihit ang pinto ng opisina ni Sir Greg. Bumungad sa akin ang apat nalalaking nakatingin sa akin. Holy s**t mahinang mura ko sa isip. Nagbawi na ng tingin ang tatlo ngunit si Sir Greg ay tila ba walang balak na alisin ang tingin sa akin kahit na halata na sa mukha ko ang pagkailang. Itinuro nito ang upuan malapit sa kanya. Magkatabi ang dalawang lalaki na di ko kilala, si Sir Sean naman ay sa pang isahan nakaupo kaya doon nga ako mapapaupo sa tabi niya. May nakalapag din kape sa center table. "This si Clark Del Prado and Agent Sebastian Del Prado." pagpapakilala ni Sir Greg sa dalawang bagong kasama. Ngumiti si Clark at iniabot ang kamay saakin, nakipagkamay naman ako ganoon din kay Sebastian. "Nice to meet you Ms.Abigail." nakangiting sabi ni Sebastian. Tumikhim si Sir Greg at walang emosyong nakatingin sa akin. Agad kong binawi ang kamay kong hawak pa rin ni Sir Sebastian. "Can you tell me your whole name and your husband's name?" tanong ni Sir Sebastian. "M-my husband's n-name?" nautal at nagtatakang tanong ko. "Yes the one that's trying to hurt you? Sabi mo ay pinahahabol ka ng asawa ko." Sabi ni Sir Sean. Bigla naman akong natauhan sa nais nilang itanong. Napatango ako. "Yes, ganoon nga ang nangyari kagabi. His name is Henry Luis Sandoval." Tumango si Sir Sebastian at isinulat ito."Then I want to your whole name too." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung para saan ba ang itinatanong niya. "A- abigail Leigh Miller- S-sandoval." sagot ko na kinakabahan. "Abigail Leigh Miller?" ulit ni Sir Greg. Tumango ako. "Yes Miller ang last name ko dati noong h-hindi pa k-kame.....kasal ni Henry." Titig na titig si Sir Greg sa akin. Ang panga din nito ay gumalaw. Nagtitimpi na hindi ko sigurado. "Okay makakaalis ka na." Matabang na wika ni Sir Greg. Nagulat at nagtataka man ako ay di na ako nag protesta. Tahimik akong lumabas at hindi ko na sila tiningnan. _____________________________________________________________________________ 3rd POV BINUKSAN ni Greg ang cabinet at inilabas ang isang envelop. Iniabot niya iyon kay Sebastian. "Ihanap mo ng koneksyon ang taong nasa envelop na iyan kay Abigail Leigh Miller at Henry Luis Sandoval." Wika niya sa seryosong tinig. Gusto niyang makasiguro kung ano ang koneksyon nito sa dalawa. "I also want you to know every details about Abigail and Henry." dagdag pa niya. "Anong plano mo sa mag-ina?" tanong ni Clark. Tumingin siya sa tatlo niyang kaibigan kilala siya ng mga ito mula ulo hangang paa. Gusto muna niyang makasiguro bago siya gumawa ng panibagong hakbang. "I will wait for the report then after that I will decide." tugon niya kay Clark. Sina Clark at Sebastian Del Prado ay magpinsan. Isang Detective Agent si Sebastian sarili rin nito ang companya na kilala din mismo sa bansa bilang sa husay sa serbisyo. Si Clark naman ay isang business tycoon his family owned restaurants and condominiums all over the world. While Sean also manage their own family business. Hotel and resorts kung saan nagkalat rin sa bansa maging sa ibang bansa. He managed their family business too mula ng mamatay ang daddy niya ay siya na ang namahala sa properties nila at ilan sa negosyong iyon ay ang mga high end subdivision at Malls. Mula noon ay lalo pa itong nakilala sa bansa. "She's very beautiful by the way." Nakangising wika ni Sebastian. Kilala niyang babaero ito. "I told you, Abigail is really beautiful. I can't even believe na may anak na siya kung di nga lang niya kahawig ang bata ay baka nagduda pa ako." nakangising sabi ni Sean. Tinaliman niya ang tingin sa dalawa. Lalong ngumisi si Sean. Tila ba sadyang inaasar siya. "Pwede naman akong mag apply na proxy." Biro pa ni Sebastian. Si Clark ay naiiling lang. "Don't you dare!" Napipikong sagot niya. "Kung ayaw mong itapon kita palabas ng mansion Del Prado." seryosong banta niya. Naghands up naman si Sebastian. "I am happy for you pare, finally." makahulugang wika nito sakanya. Tiningnan lamang niya ito. "Padalhan mo na lamang kame ng invitation." Biro ni Clark na nakisali pa sa pang-aasar sakanya. His friend new him well. Tumawa si Sean. "He needs a lawyer first, kasi kasal yon." Dahil doon ay lalong nagtawanan ang tatlo. Gusto niyang pagbabatukan ang tatlong kaibigan. He was happy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD