Chapter 3

2096 Words
Abby's POV ______________________________________ APAT NA ARAW kong hindi nakita si Sir Greg ang sabi ni Nana Cita ay may business trip daw ito sa Singapore. Di na raw ito nakapagpaalam dahil tulog pa kameng mag-ina noong umalis ito. Huling kita ko dito ay noong tinanong nila ako tungkol sa akin at kay Henry, kasama ang magpinsan na Del Prado at si Sean. Nakaramdam ako ng lungkot dahil kahit naman hindi ito masyadong pala imik kapag kaharap ako ay iba pa rin ang presensya nito. Ni hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sa mga ibinili niya saamin. Maging ako kasi ay meron din siyang ibinili. Damit at personal na gamit ko, sa sobrang dami ay hangang ngayon nalulula pa rin ako. Napakabuti ng Panginoon dahil sa mabuting tao Niya kame dinala noong panahong nangangailangan kame ng tulong. Buhat ko si Allison at naglilibot kame sa garden, punong puno ito ng mga bulaklak. Magmula sa mga roses, calachuchi, orchids, sunflowers at kung ano ano pa. Maganda ang pagkakaayos ng garden nito. "Ma'am Abby magmiryenda na po tayo?" tawag sa akin ni Elen. Lumingon ako tumango dito at inilapag naman nito sa lamesita ang bananacue at juice. Lumakad ito palapit sa amin. "Peek-a-Boo" sabi nito kay Allison na humagikgik nang tawa. "Boo." ulit nito at muli na namang tumawa si baby. "Ang bungisngis po niya Ma'am." sabi ni Elen. "Halika kay ate." anito pa at inilahad ang mga braso. Agad namang sumama si Allison dito. "Masiglang bata kasi siya." nakangiting sabi ko. Nilaro laro ko din si Allison at tawa pa rin ito nang tawa halos mangunyapit pa kay Elen sa kakatawa. "Mana po sa inyo ang anak niyo Ma'am kasi ang ganda ganda niyo po talaga para po kayong artista sa holywood." paruri pa nito, agad namang ngumiti ako dito "Ikaw talaga binola mo pa ako." "Ay si Ma'am ang ganda niyo po talaga, kaya nga pati si Sir Greg madalas nakatingin sa inyo panigurado nagagandahan din iyon sa inyo." patuloy nito sa papuri sa akin. Muntik naman akong masamid sa sinabi niya tungkol kay Greg. "Si Greg?" tanong ko, Greg na lamang ang tawag ko dito dahil nagbilin din ito na huwag ko na siyang tawagin Sir. "Opo Ma'am madalas po namin siyang makita ni ate Tess na nakatingin sa inyo lalo na kapag may ginagawa kayo o buhat niyo si baby. Kaya sure po ako nagagandahan din si Sir Greg sa inyo." paniniguro nito na tila ba nababasa nito na di ako naniniwala. "Naku wala iyon baka naku-kyutan lang siya kay Allison." sagot ko, kahit na aware din ako sa mga tingging minsan ibinibigay ni Gre pero ayaw ko rin naman mag assume na sakin nga talaga siya partikular na nakatingin. "Basta Ma'am Abby alam ko type ka ni Sir." nakangisi sagot nito, ngumiti na lamang ako at napapailing iling at saka naglakad papunta sa upuan. Sumunod din sa akin si Elen na buhat pa rin si Allison. Kumuha ako ng bananacue at iniabot iyon kay Elen nahihiya naman nitong kinuha iyon. "Akin na muna si Allison." wika ko at agad naman na sumama si Allison sa akin. Kinalong ko siya at binigyan na maliit na piraso ng bananacue. Sunod sunod na busina ang nagpatigil samin ni Elen sa pagkain ng bananacue. Sabay pa kameng napalingon nito at tumayo para silipin ang papasok na sasakyan. "Andyan na siguro si Sir Greg." wika nito at nagmamadaling sumalubong. Nanatili naman akong nakatayo sa pwesto namin. Tuluyan nang pumasok ang sasakyan ni Greg sa loob ng mansyon. Marahil ay sinundo ito ni Mang Lito kanina. Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas mula doon si Greg bitbit ang tatlong paper bag. Kinausap nito si Elen at tinuro naman ang gawi ko kaya lumingon saakin si Greg. Dahil nakatingin ako sakanya ay nagulat pa ako nang ngumiti siya sa akin. Di ko tuloy alam kung gaganti ba ako ng ngiti, sa huli ay ngumiti rin ako. "Strange, parang may kakaiba sakanya ngayon." sabi ko sa sarili ko dahil naninibago talaga ako. Lumakad ito papunta sa pwesto namin ni baby. Nakangiti pa rin ito at nakatitig sa akin habang naglalakad. s**t! Bakit parang gusto kong kiligin sa tinging ibinibigay niya at ang ngiti niya ay nakakatunaw. Lalo itong gumuwapo dahil sa ngiti nitong iyon. Naging maaliwalas din lalo ang mukha nito. "Behave Abby, alam mong hindi ka magugustuhan niyan at isa pa hindi kayo pwede." kontra ng sarili ko saakin. "Hi," bati nito nang makalapit. Weird talaga, parang may kakaiba sakanya. Nakakaganda ba ng mood sa Singapore? piping tanong ko sa sarili. "H-hello." alanganing sagot ko. Si Allison naman ay bumungisngis marahil ay namukhaan nito agad si Greg. "Hello baby," nakangiti pa rin na bati naman ni Greg sa anak ko at pinisil pa ang pisngi kaya naman lalong bumungisngis at kumawag pa ito. Tumingin ako kay Greg, he look so gorgeous sa aura niya ngayon. Iniangat nito ang hawak na mga paper bag at inabot saakin. "These are for you and Allison." sa lapit nito ay halos mag-init ang mga pisngi ko. Nahihiyang inabot ko ang mga paper bag. "T-thanks." tipid na sagot ko. Nang tumingin ako sa mukha nito ay nakatingin din ito sa akin. Halos manlaki ang mga mata ko sa sumunod na ginawa nito, bigla akong ginawaran ng mabilis na halik sa pisngi. "I've missed you." bulong pa nito para tuloy akong tinulos sa kinatatayuan ko. Ang init ng bibig nito ay nagbigay kilabot sa buong sistema ko. It was a quick kiss at sa pisngi pa pero naghatid ng samu't saring emosyon sa akin maging ang sinabi nito. At umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil ramdam ko ang init ng mga pisngi ko. Nang tingnan ko siya ay tila ba natatawa pa ito. "Your cheeks are so red." nagawa pang manudyo ng hudyo. Kokontrahin ko sana ang sinabi niya gunit bigla na itong naglakad papasok ng bahay at narinig ko pa ang mumunti niyang tawa. "Ano yun? Bakit ganun ang asta noon?" takang tanong ko sa sarili. He's being weird now. Ngumingiti na, tumatawa at hinalikan pa ako sa pisngi?Anong nangyari sa business trip nito at parang may bago rito? Bakit parang close na kame? o baka naman assuming lang ako.. ______________________________________________________________________________ MASAYA ang naging hapunan namin sa mansyon ni Greg dahil sa pagbabago ng binata. Nakikitawa ito pati kay Mang Lito ang lahat ay kasalo pa namin sa mesa na animo isang pamilya. At isa pa hindi lamang ako ang pinasalubungan nito at si baby Allison. Maging sila Nana Cita, Elen, ate Tess at Mang Lito ay maroon din. Pati nga ang dalawang guard ng mansyon ay may pasalubong rin si Greg. He's far different now from the Greg before noong unang tuntong ko sa mansiyon or noong mismong mailigtas nila ako mula sa kamay ng tauhan ni Henry. He's being so weird today and yet we love the changes. Nabago pati atmosphere sa loob ng mansyon. Sabi nga ni Nana Cita ang tagal na raw simula ng huling ngumiti at naging masaya si Gre ito ay ang bago mamatay ang mag-ina nito. Biniro pa ako ni Nana na dahil raw siguro sa amin ni Allison iyon. Siguro raw ay nakikita ni Greg sa amin ang mag-ina niya at naghatid ito ng saya dito. I don't know much about sa pangyayari sa buhay nito maliban sa paminsan minsang kwento ni Nana Cita tungkol dito. Lalo na sa parteng nawalan ito ng asawa at anak. Di naman ako makapag tanong masyado dahil pribadong buhay nito iyon at sino ba naman ako para mag-usisa. Sa isang linggong pananatili sa bahay nito na hindi inuusisa ang pagkatao namin ni Allison ay sapat ng dahilan para hindi ko rin itanong ang sensitibong bahagi ng buhay nito. ________________________________________ _ _ _ NASA beranda ako ng bahay tinatanaw ang malakaw na damuhan at nagniningning na mga bituin at maliwanag na buwan. Gabi na at nakatulog na rin si Allison sa crib niya kaya napagpasyahan kong bumaba at pumunta sa likurang bahagi ng mansiyon kung nasaan ang malawak na beranda. "Hey," anang tinig mula sa likuran ko na kahit hindi ko lingunin ay sigurado akong si Greg iyon. Lumingon ako at nginitian si Greg hawak nito ang dalawang tasa na sa tingin niya ay kape. Nakangiting inabot ko iyon. "Thank you." mahinang usal ko. Tumabi ito sa akin, halos mapasinghap pa ako ng dumikit ang braso nito sa braso ko. Tahimik lang kaming nakamasid sa malawak na lawn niya at sumisimsim ng kape. Muli ay isang mahabang katahimikan ang dumaan sa amin bago ito nagsalita. "You're so beautiful.....Abby." mahinang usal nito, bigla ay gustong mag-unahan ng puso ko sa pagtibok. Pinamulahan ako ng pisngi ramdam ko. Nanatili lamang akong tahimik at hindi nagsalita, dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat kong isagot kung pasasalamatan ko ba siya o ngingiti na lamang. Hinawakan nito ang isang kamay ko na hindi nakahawak sa tasa. Bigla bigla ay hinapit ako, kinuha ng isang kamay nito ang tasang hawak ko at ipinatong sa mesang katabi lamang nito. Matapos maibaba ang tasa ay pinakatitigan niya ako, nakailang lunok pa ako ng laway dahil sa antipasyon. Bumaba ang tingin niya partikular sa mga labi ko. Lalo niya akong hinapit at idinikit sa kanya. "The moment Sebastain called me, I have been dying to do this......" anas nito, hinawakan ang ulo ko at biglang hinalikan ang mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito. Ang halik nito ay banayad lamang sa una hangang sa mapanukso, hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Ang isip ko ay gustong tanungin ito tungkol sa sinabi nito subalit ang katawan ko ay gustong tugunin ang halik nito. Damn this man. Bakit bigla bigla ganito ito? "Open your mouth for me baby....... please..." anas nito na lalong nagpawala nang natitirang katinuan ng isip ko. Bago pa ako makakontra ay kusang bumuka ang mga labi ko kaya naman lalong mas naging mapusok ang halik nito na animo gustong galugarin ang loob ng bibig ko. He was sucking my tongue and damn his kisses. He wasn't my first kiss I know but his kisses makes me weak. I gasped as his tongue explored my mouth even more. Hinapit pa ako ni Greg ng husto naramdaman ko ang matigas na bagay sa bandang puson ko. Lalong lumalim ang halik na pinagsasaluhan namin. "Greg....." unggol ko sa pangalan niya. Nakakabaliw ang halik na binibigay niya. Ang isang kamay nito ay dinala nito sa dibdib ko at marahang ginagap ang isang dibdib ko. "Ahh..."muling unggol ko. "Fuck....." anas na mura nito. "I....want....you." nahihirapang anas muli nito. Sa sinabi nito ay bigla akong natauhan. No! Hindi pwede! This is wrong! Gumalaw ako at bahagya siyang itinulak. Napaatras naman ito, nang akma akong hahalikan muli at umiwas ako at dumistansya. Pareho kameng hinihingal pa. "Abby...." nagtatakang sabi nito, nakatitig siya sa akin na nagtatanong ang mga mata at puno pa rin ng pagnanasa. Umiling ako. "T-this is not right." sabi ko na hinihingal pa. "It's right, we both wanted it." Sagot nito nang akma itong lalapit mula at umatras ako muli. "It is not Greg, I...I...am a m-married woman." I stutter and shaking kaya humawak ako sa balustre upang kumuha doon ng lakas dahil tila babagsak ako sa panghihina ng mga tuhod ko. "What we did was wrong Greg." muling sabi ko. Tumitig ito sa akin at nangingkit ang mga mata na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ko. Nangangalit din ang mga panga nito. Napalunok ako sa nababanaag na galit na biglang rumehistro sa mukha nito. He heave out a deep sigh. Dalawang beses pa nitong ginawa iyon para bang nagpipigil na magalit. "Okay I'm sorry. Hindi dapat kita hinalikan." he said and walked out. He walked out. Bigla ay gusto kong magsisi and he is right, we both wanted it at marahil kung hindi ko inawat pa ang sarili ko ay baka naibigay ko dito ang sarili ko. The attraction, the heat and lust consumed us both sa naganap na halik na iyon. Ramdam ko pati ang nagising nitong p*********i. Nakagat ko ang ibabang labi ng kulang na lang ay masira ang pinto sa lakas nang pagkakasara nito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago muling nilingon ang pintuang pinasukan nito. He is mad. I can feel it. At hindi ko alam kung anong maaaring consequences ang kaharapin ko bukas matapos ang pangyayaring ito. Dalangin ko tuloy na sana ay mabait pa rin ito at hindi mabago noon ang naganap ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD