KINABUKASAN ay maaga pa rin akong nagising kahit na napuyat ako at halos 3am na nakatulog sa kakaisip nang naganap kagabi at sa maaaring kahinatnan niyon.
Pasado Ala Sais pa lamang ng umaga dahil tulog pa rin si Allison ay naligo muna ako bago lumabas ng silid at tinungo ang kusina upang tulungan sila Nana Cita at Ate Tess na magluto ng agahan.
Muntik pa akong mapaatras ng una kong mabungaran si Greg na nakaupo sa kitchen island at nagkakape. May nakahain din na tinapay sa platito at abala sa binabasang diaryo.
Lumingon ito sa akin at hindi man lamang ngumingiti. Bago binalik ang mga mata sa binabasang diaryo.
Nasaktan ako dahil tila ba bumalik nanaman ito sa pagiging tahimik hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi. O baka naman isang araw lang talaga ang pagbabago nito at nag expired na ngayon.
Tahimik akong pumasok sa loob ng kusina. "Nana Cita tutulong po ako sa pagluluto." imporma ko kay Nana Cita habang hinahalo ang hotdog na niluluto at bago pa ito makasagot ay sinimulan ko nang ituloy ang hinihiwa nitong kamatis.
"Ay naku Ma'am Abby ako na lamang po." awat ni Nana Cita.
"Okay lang po Nana Cita, tulog pa naman po si Allison at mga 7am pa po iyon tiyak magigising kasi nagising po siya kagabi ng 12am hangang 2am." sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kahit tila ba nag-aalangan ito.
"Kuh ikaw talagang bata ka, ayan at puyat ka pa pala pero ang aga mo pa ring bumaba." iiling iling pang wika nito at hinango na ang pinipritong hotdog.
Nagpatuloy na ako sa paghihiwa ng ilalagay sa egg omelette, pinapakiramdaman ko na lamang si Greg. Panakanaka ko rin siyang nililingon at abala pa rin ito sa binabasang diaryo.
Nagulat ako sa tunog na umatras na upuan. Nang lumingon ako ay nakatayo na si Greg.
"Mauna na po ako Nana Cita." anito at naglakad na palabas.
"Abay hindi ka ba muna mag-aalmusal?" awat naman ni Nana Cita.
Umiling lamang ito at nagpatuloy na sa paglabas. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit ganito uli ito.
I heave out a deep sigh at nagmamadaling sinundan ito. Nagtaka pa si Nana Cita at tinanong ako pero hindi ko na siya nilingon dahil baka makaalis agad si Greg.
Dahil wala pa ito sa labas ay nagmadali akong pumunta sa kwarto nito. Huminto muna ako sa harap ng pintuan ng kwarto nito at huminga ng ilang beses dahil hiningal ako sa pagmamadaling umakyat.
I knocked three times. Bago ko pinihit ang pinto. Sumilip ako at inabutan siyang nagkakabit ng neck tie.
Pumasok na ako sa loob kahit hindi ako pinapapasok sa loob. Tiningnan ko siya, nakatingin lamang siya sa akin pero wala akong mabasang emosyon sa mga mata nito. Lumunok muna ako ng dalawang beses bago nagsalita.
"P-pwede ba tayong mag-usap?" kinakabahan pang tanong ko. The tension is eating me. Kinurot kurot ko ang daliri ko upang mabawasan ang kaba ko.
Tumingin ito sa relo nitong nasa bisig, bago muli akong tiningnan. "Make it fast." walang emosyong wika nito.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Galit ka ba sa akin?" lakas loob kong tanong.
Nakatitig lamang ito sa akin. Kahit hindi ito magsalita ay parang alam ko na ang sagot. Galit ito. Pero bakit? Dahil lang doon? Ganoon ba ang lalaki kapag may hindi nakukuhang gusto nila? Umiling iling ako sa naiisip.
"Pwede bang maging okay na tayo?" sabi ko na hindi ko alam kung ano ba talaga ang eksatong ikinakaganito nito.
Lumapit ito sa akin. Hindi ako umatras sa takot na baka magalit ito kung iyon ang gagawin ko. At baka bigla ay palayasin kame sa pamamahay nito.
"Be my woman." he said.
I was stunned sa sinabi nito. Woman? What the f**k!
"B-be your what?" di makapaniwalang sabi ko pa kahit malinaw ang narinig ko.
Lumapit pa ito ng husto dahil doon ay napaatras ako at napasandal sa wall ng kwarto. Yumukod ito ng bahagya.
"I want you.....to be my woman." bulong nito sa tainga ko. Kinilabutan ko. Hindi ako nakaimik. Ano to indecent proposal?
Gusto kong matawa at gusto ko rin magalit. Ganoon ba ang tingin nito sa akin? Maging babae nito? Bed warmer? Ano pa ba ang pwedeng description ng inaaalok nito. Kaya ba ito biglang nagbago kahapon kasi plano na ako nitong gawing bed warmer? Parang ang dami ko ng naisip agad.
Ano pa at natakasan namin si Henry pero sa ganito naman ako napasok. Ang akala ko mabuti ito sa pagkupkop at pagtulong sa amin ni Allison. Pakiramdam ko ang babang uri ko ng babae para alukin ako ng ganoon.
Biglang tumulo ang luha ko. I was so hopeless and disappointed at the same time. Nadidisappoint ako kasi akala ko iba ito, ang puso ko ay gustong itama ang maling iniisip ko dito na hindi ko dapat ito bigla biglang hinuhusgahan ng ganoon. Umaasa pa rin ako na iba ito. Na kahit kailangan namin ng tulong nito ay hindi ito mananamantala sa sitwasyon na mayroon ako.
Pero may kakayahan din ba akong tumanggi? Kung alam kong wala naman kaming ibang pwedeng puntahan ni Allison na safe at hindi matutunton ni Henry?
"f**k!"biglang mura nito na ikinatigil ng pag-iisip ko sa kanya ng samu't saring isipin. Nilingon ko siya ng patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha.
Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap. "I'm sorry, I shouldn't have said that." wika nito. Hindi ako umimik. "I'm sorry.......Abby."
Hinaplos nito ang ulo ko at inaalo na ako. Ang kaninang sama ng loob na naramdaman ko dahil sa sinabi nito ay biglang napawi. Huminga ito nang malalimat muli akong tinitigan.
Hindi ako umimik, tahimik lamang din ito kaya sinamantala ko na lamang iyon para makalabas ng silid nito. Hindi naman ako nito pinigilan. Pagkalabas ko ng pinto ay nakarinig ako ng tunog na nabasag at sigaw. Napahawak ako sa dibdib ko.
Pumasok ako ng kwarto namin upang silipin kung gising na si Allison, tulog pa rin ito pasado 7am na pala. Pakiramdam ko ay nadrain ako ng sobra.
Hindi ko rin maintindihan ang sitwasyon namin ni Greg. Kung bakit ito biglang nag-aalok ng ganoon. Pakiramdam ko ay may mali sa nangyayari. Alam nitong asawa ko si Henry pero kung makaalok ay tila ba wala itong pakialam kahit na alam nitong asawa ko si Henry. Sinabi ko ito dito noong mag-usisa ito at si Sean. Kaya alam kong aware ito.
Tinitigan ko si Allison na mahimbing na natutulog. "Kung aalis tayo dito anak, saan naman kaya tayo pupunta? Kung papayag ako sa gusto ni Greg alam kong matutuklasan nito ang lahat.......or worst baka ito pa mismo ang magbalik sa atin sa Daddy mo." kausap ko dito. Hinaplos ko pa ang medyo kulot na brown na buhok nito.
Hinawakan ko ang heart na kwintas ko at hinaplos haplos din at doon kumuha ng lakas.
"Please help us, I needed you now. Pakiramdam ko mabibigo kita......." mahinang usal ko at muling umiyak.
________________________________________
_
_
_
_
_
_
HENRY'S POV
"STILL NO f*****g lead?" galit na sigaw ko kay Gaston. Kababalik lang nito mula sa paghahanap sa mag-ina ko. Nakayuko ito kasama ang tatlo ko pang tauhan.
Isang linggo na ang lumipas simula ng makatakas sa poder ko ang mag-ina ko. At kung sino man ang tumulong dito ay natitiyak kong papatayin ko.
Dahil sa katangahan ng mga tauhan ko ay nakatakas ang mag-ina ko at naisama ng taong tumulong dito. Kalalaki ng katawan walang laban sa mga iyon. Himitit ako muli ng sigarilyo at isinandal ako likod ko sa swilver chair.
Bumukas ang pinto ng opisina ko. At iniluwa noon and P.I na kinuha ko para sa lead ng asawa ko.
"I hope you have good news now Denver." bungad ko at minuwestrahan itong maupo.
Iniabot nito ang folder sa akin. Napangisi agad ako. "So this fucker save my wife?" tanong ko habang patuloy na binabasa infos tungkol kay Greg Henderson.
"Yes Mr.Sandoval. Andyan din po ang address ng opisina niya."
"f**k! Anong gagawin ko sa address ng opisina ng gagong ito? Ang kailangan ko ang tinutuluyan ng asawa ko?" Nanggigigil na sabi ko. Gusto kong bigwasan ang katangahan ng kaharap ko.
"Pasensya na po Mr.Sandoval pero wala pa po akong lead kung saan nakatira si Mr.Henderson. Nakaprivate din po ang info niya. Pero pinasusubaybayan ko na po siya para malaman kung saan siya umuuwi." paliwanag nito na lalo kong kinainis, mariin akong pumikit para timpiin pa ang galit sa kausap. Pupuntahan ako at aabalahin para sa hindi kumpletong detalye.
"Do it faster. Kung ayaw mong ikaw ang maunang matodas ngayon Denver." Banta ko.
Yumuko ito. "Yes Sir." sagot nito, matapos ng pag-uusap at pinaalis ko na agad ang detective.
"Ready my car Gaston pati mga kasamahan mo." utos ko sa kanang kamay.
Agad namang tumango ito at lumabas. Ilang sandali pa ay papunta na kame sa Manila kung saan naroroon ang opisina ni Greg Henderson. Nakuyukom ko ang kamay sa galit para dito.
________________________________________
_
_
_
_
NAKAABANG na ako at ang mga tauhan ko kay Greg Henderson sa parking lot ng building nito. Tatlo ang body guard nito, sisiw lang kumpara sa anim na kasama ko na puro debaril pa. Wala pa akong planong patayin ito hangang hindi ko nakukuha si Abigail at Allison. Sa ngayon sisindakin ko lamang ito upang ituro ang kinaroroonan ng mag-ina ko.
Nakapamulsa ako at nakasandal sa kotse. Nang matanaw ko na papalapit na ang taong kanina pa namin inaantay.
"Mr.Henderson." nakangising bati ko. Agad na tumingin ito saakin at hindi man lamang nagulat base sa itsura nito na tila ba kilala na ako. Swerte din ng nalapitan ang asawa ko dahil mayaman ang tumulong dito at natitiyak kong pinaimbestigahan na ako nito.
Naging alerto naman ang tatlong body guard nito. "What do you want Mr.Sandoval?" walang interes na tanong nito. Gigil ang nanaig sa akin, may kayabangan pala ang kumag na ito. Tila ba hindi man lang natatakot sa anim na tauhan ko.
Pinanliitan ko ito ng mata. "Where is my wife and my child?"
"I don't know what you were talking about." Sagot nito. Nakatayo ito at nakapamulsa pa.
"Alam kong ikaw ang tumulong sakanila, so nasaan na sila?" napipikon na tanong ko.
"They are not with me Mr.Sandoval." mahinahon pa rin na sagot nito na lalong ikinainis ko, na tila ba hindi ito marunong masindak sa akin. Tama nga si Gaston may angas ang isang ito.
"I can pay you millions, just tell me where they are." abot tengang ngiting sabi ko, alam kong negosyante ito at hindi tatangi sa pera.
Tumawa ito. "I have more than enough Mr.Sandoval. Hindi ba't parang ikaw pa yata ang may kailangan niyan kaya gustong gusto mong makuha ang asawa mo?" nang uuyam na sagot nito.
I clenched my fist at halos madurog ang jaw ko sa gigil. He had me investigated indeed. Pero wala akong pakialam.
Sinenyasan ko ang mga tauhan ko.
"Just tell me where they are at hindi mo kailangan masaktan."galit na sabi ko at pumuwesto na ang mga tauhan ko, ang dalawa ay nakalabas na ang baril.
He just shrugged his shoulder and walk at bago pa nito mabuksan ang sasakyan nito ay inawat ko na ito.
Ngunit ang plano kong paghila sa braso nito ay natigil dahil sa pagharang ng guard nito. Lalo akong nabwisit dahil sa mga asungot nito kaya naman agad kong binigwasan ng suntok ang isa sa mga bantay nito. Alerto naman sina Gaston at Leon nakatutok agad ang baril. Susuntukin ko pa sana ito ng bigla akong sinapak ni Greg. Putangina.
Gumanti ako nang suntok kay Greg at tinamaan ko ang mukha nito. Pumutok ang labi nito at bago pa ito makahuma ay isang sapak pa ang binigay ko. Wala naman pa lang laban ang kumag na ito.
Dinaan lang ako sa laki.
Umalma ang tauhan nito at lumaban ng tutukan ng baril sa mga tauhan ko.
Tumayo si Greg at nakangisi pa. "You hit like a woman." nang uuyam na sabi nito sa akin at pinunasan ang dugong lumabas sa bibig nito.
"f**k you!" mura ko, nanggagalaiti na ako. Akmang susugurin ko siya nang bigla ako nitong sipain sa tiyan na ikinasadsad ko sa sahig, masakit ang pagkakasipa niya.
Binunot nito ang baril nito sa likuran nito at walang kimeng ipinaputok sa hita ni Gaston. Sunod nitong binaril sa hita ang tatlo ko pang mga tauhan ko. At putanginang mga walang silbi kong tauhan nabaril pa.
Halos madurog ang panga ko sa galit. Apat laban sa anim pero parang ako pa ngayon ang dehado. Putangina. Putangina. Mura ko.
Agad kong binunot ang baril ko at nagpaulan ng bala. Wala na akong pakialam kung sino pa ang tamaan ko.
Nakita kong nakasakay agad sa sasakyan ang grupo ni Henderson. Si Gaston ay nagpaputok na rin ng baril sa kotse nito maging si Leon at ako ngunit nakalayo na ito. f**k bullet proof pa ang sasakyan nito.
"f**k! f**k! f**k!" galit na sigaw ko. "Putangina ka Henderson hindi ka makuha sa santong usapan, pwes tingnan ko lang kung may laban ka pa." nanggigigil na hiyaw ko.
Agad na pinasakay ko ang mga sugatang tauhan at pinaharurot palabas ang sasakyan. Bago pa man kame makalabas ng parking ay hinarang na kame ng guard. Marahil ay inireport na kame ni Greg at pinahohold. Binuksan ko ang bintana at itinutok ko ang baril sa guard. Bahagyang nagulat ang mga ito.
"Alisin mo!" bulyaw ko dito upang alisin agad nito ang pole barrier. Nang hindi ito natinag ay kinuha ko ang baril ni Gaston at dalawa na ang itinutok dito. Ang iba ko pang tauhan na sugatan at nanutok na rin sa ibang naroroon.
"Bubuksan mo o itong dalawa na'to ang ipuputok ko sayo?" galit na banta ko, natinag naman ito at binuksan ang barrier. Dahil kung hindi pa rin nito iyon bubuksan ay di na ako magdadalawang isip na idamay ito sa galit ko.
Habang nasa byahe ay kinontak ko si Denver at pinamamadali ang imbestigasyon. "I f*****g need it Denver! I have no time to wait para sa lintek na pinagtataguan ni Abby. So do it fast." banta ko pa.
Puro palpak ang plano, palpak na mga tauhan ko. Dapat yata puro hired killer ang kunin ko at hindi itong mga pulpol na mga tauhan ko. Ang tatanga, halos lahat pa open arms tinanggap ang pamamaril ni Henderson. Naihilamos ko ng pabalang ang mga kamay ko sa mukha.
Ginagalit ako ng husto ni Abby at Henderson. Sisiguraduhin kong makukuha kita.