ABBY'S POV
NASA hardin kame ni Allison at hinahayaan ko itong gumapang sa bermuda grass. Sinuotan ko ito ng leggins para kumportable mag-gapang dahil walong buwan na rin naman ito.
Bumukas ang gate at dalawang sasakyan ang pumasok. Nagtaka pa ako may bisita yata si Greg. Nang bumukas ang passenger seat ng sasakyan ni Greg at lumabas doon ay nagulat ako sa itsura nito may sugat ang labi nito at bahid ng dugo.
Binuhat ko si Allison at lumapit dito sa pag-aalala. Mula sa iba pang sasakyan ay may lumabas na mga nakauniforme na mga lalaki.
"Anong nangyari?" tanong ko nang makalapit. Hindi ito umimik. Putok ang mga labi nito pati ang kabilang part ng labi ay putok rin. "Greg....." mahinang usal ko..
Huminga ito nang malalim. "Mga bagong bantay dito." tumingin ako sa limang bagong bantay sa mansyon nagtataka pa rin ako kung para saan ang mga ito. "He came in my office building and asking for you." muling sabi nito, agad na napatingin ako dito.
Nilukuban nang takot ang puso ko. Si Henry? Kaya ba may mga sugat ito sa labi dahil si Henry ang may gawa nito. Ang mga bantay ay para sa security namin kung ganoon. Sa takot na naramdaman ay agad kong niyakap si Allison. My baby. Paano kung matunton din kame ni Henry sa bahay ni Greg?
Marahil dahil naramdaman ni Greg ang pananahimik ko at takot ay bigla nito kameng niyakap ni Allison. Nagtataka man ay nagpatianod ako dahil sa takot na nararamdaman ko ng mga oras nito. Knowing Henry alam kong walang sasantuhin ito. Papatay ito makuha lamang kame ni Allison. At hindi ko gugustuhin na may ibang madamay. Mariin kong ipinikit ang mata sa pag-aalala.
"I will not let him get you Abby. I will kill if he tries to get you. I will kill that bastard." matapang na wika nito at hinaplos ang buhok ko. Ang mga sinabi nito ay naghatid ng lakas sa akin. Security saamin ni Allison.
"S-salamat." wika ko. Tumingin ito saakin at hinaplos si Allison. Nagpapasalamat ako dahil ito ang nagligtas saamin. Nagpapasalamat ako na handa nito kameng tulungan at ipagtangol kay Henry kahit hindi naman ako nito kilala ng lubusan.
Matapos magbilin sa mga tauhan ay sabay na kameng pumasok sa loob ng bahay. Bago ito pumasok sa silid nito ay bagbilin ako na gagamutin ko ang mga sugat sa labi niya.
______________
_
_
_
_
KUMATOK muna ako sa pintuan nang kwarto ni Greg bago ako pumasok dala ko ang first aid kit.
"Hi," nakangiting bati ko nang makapasok na sa loob.
Bagong ligo ito at nalalanghap ko pa ang shower gel ginamit nito. Napakafresh ng looks nito. Naka white cotton shirt ito at short.
"Gagamutin ko lang sana ang sugat mo." sabi ko, umupo ito sa one seater sofa. Ipinatong ko naman ang dala first aid kit sa mesa at agad na kumuha nang bulak at betadine.
Tahimik lang ito habang dinadampian ko ang mga labi nitong pumutok. Nakatitig ako sa labi niya particular sa medyo maga at may sugat, gusto kong mangiwi sa itsura ng sugat nito.
Ramdam ko ang paglalim ng paghinga nito dahil napakalapit namin sa isa't isa ang mainit na hininga nito ay tumatama sa mukha ko. Binalewala ko ang tensyon na nararamdaman ko at pinilit kong magconcentrate sa pag-gamot sa sugat nito.
Hinawakan nito ang kamay kong nagdadampi ng bulak sa labi niya, napatingin ako sakanya.
"Abby....." tila nahihirapang anas nito.
Bago pa ako makareact ay mabilis na hinawakan na nito ang batok ko at siniil ako ng halik. Nalasahan ko pa ang kalalagay ko lang na betadine sa labi nito. Damn this man! May sugat na nga ang mga labi nagawa pa rin akong halikan.
Unti unting lumalim ang halik nito lalo na nang tugunin ko ito. "I must be crazy!" kontra ko sa sarili. Hindi ko dapat tinutugon ang mga halik nito pero ang katawan ko at puso ay tila ba may sariling mga isip.
"Abby....."Anas nito sa pagitan ng mga halik.
I moaned. Pakiramdam ko ay lumulutang ako, ang bawat haplos nito saakin ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam. Naramdaman ko nalang na nasa kama na kame nang hindi ko man lamang namamalayan dahil patuloy pa rin ito sa paghalik saakin, inibabawan ako nito.
Bumaba ang mga halik nito sa leeg ko, umungol akong muli dahil sa sensasyong dulot ng ginagawa niya. Mabilis nitong nahuba ang suot kong damit, bago pa ako makatutol ay naingat na nito ang bra na suot ko at pataas at tila ba nagmamadaling hinalikan ang isa kong dibdib habang hawak naman ng isang kamay nito ang isa.
Napasabunot ako sa buhok nito.
"Greg....." anas ko, tumingin ito saakin. I saw lust, fire in his eyes. Nakatingin ito saakin habang tinutudyo ang isa kong dungot ng dila nito.
Damn this man!
"I want you so.....bad Abby..so fucking.....bad." anas nito.
Bigla ay natauhan ako. I can't. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili ko na may mangyari saamin. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, baka bigla ako nitong ibalik kay Henry.
"I can't...." usal ko. Nanghahalikan niya ako muli ay umiwas na ako. Kailangan kong iwasan ang bagay na ito. Dumilim ang mga mata nito.
"I know you want it too.....I can feel it. We were both attracted Abby." wika nito na nakatitig saakin.
"M-may....asawa ako..." mahinang sabi ko. Ni hindi ako makatingin na sakanya, nilalamon ako nang pag-aalala na.
"You're lying!" mahina ngunit may diing sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Pwede ka nang lumabas." malamig na wika nito matapos umalis sa ibabaw ko.
Nanginginig ang mga tuhod kong nilisan ang silid nito. Nagmamadali akong pumasok sa silid at doon ibinuhos ang luha ko. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Alam kong ramdam din nito ang atraksyon sa pagitan namin pero hangang saan? Paano kung kagaya ng kapatid ko magkamali rin ako? Paano kung hindi naman talaga atraksyon iyon kung hindi lust lamang?
Dapat ba sundin ko ang puso ko at hindi ang kontra ng isip ko? Napasubsob ako sa unan. Gusto kong umiyak, gusto kong iyakan ang sitwasyon ko. Gusto kong aminin ang lahat sakaniya pero natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko at kay Allison.
_______________________________________________________________________________
_
_
_
KINABUKASAN ay nagulat pa ako na nakaayos ang mga maleta sa living room. Gayak na gayak din sina Elen at ate Tess maging ang mag-asawang sina Nana Cita at Mang Lito.
"Ay Ma'am Abby buti at gising na po kayo ng anak ninyo." bati ni Elen saakin.
Kumunot ang noo ko. "Anong meron saan kayo pupunta?" tanong ko na medyo may pag-aalala kung iiwan na ba nila kame.
Nagulat si Elen. "Ay hindi ho ba sinabi ni Sir na magbabakasyon po tayong lahat sa beach resort po nila Sir Clark?"
Umiling ako. "Iginayak na rin nitong si Elen ang mga gamit ninyo kanina noong tulog pa kayong mag-ina. Hindi naman kayo pinagigising ni Sir Greg dahil baka pagod raw po kayo kaya hinayaan lamang po namin kayong matulog." paliwanag ni Nana Cita.
Napanganga ako. Hindi ko alam na may plano pala si Greg na magbakasyon. Wala itong nabanggit kahapon hangang sa naganap nga kahapon sa pagitan nila.
"Gumayak na po kayo Ma'am Abby at ako na po ang magbibihis sa magandang baby na ito." Wika ni Elen at nagpatianod nalamang ako ng yayain na akong bumalik sa silid.
Makalipas ang kalahating oras ay bumaba na kame ni Elen. Nasa sasaknyan na daw ang gamit namin maging sina ate Tess at iba pa.
Paglabas namin ng bahay at nabungaran ko si Greg na nakasandal sa sasakyan nito. Binuksan nito ang passenger seat. Kumunot ang noo ko kung bakit doon ako uupo sa unahan, paano si Allison?
"I bought her a car seat. Saka kasama niya si Elen sa likod." sabi nito tumango naman ako at sumakay na. Nilingon ko pa sina Elen at Allison sa likod, napangito ako ng behave naman ito.
Sa Pangasinan ang beach resort ni Clark medyo malayo layong byahe din. Maging ang bodyguard sa mansion ay kasama namin kaya naman tatlong sasakyan kame. Sina Nana, ate Tess at Mang Lito ay nasa van kasama ng mga maleta namin. Ang isa pang sasakyan ay ang bodyguard namin na nasa unahan namin.
MAKALIPAS ang ilang oras ay narating na namin ang Del Prado Beach Resort. Sabi ni Nana Cita ay nakabili raw ng bahay si Greg sa isa sa property nila Clark doon din mismo sa Del Prado Beach Resort.
Sa isang two story house kame pumarada. Maganda ito at may malaking terrace pa ang second floor kung saan matatanaw mo ang dagat. May hammock rin ito.
Nagulat pa ako ng ipagbukas ako ni Greg ng pinto at alalayan. Binuksan rin nito ang pintuan ng pwesto nila Elen at Allison.
"Ang ganda!" sabi ko nang matanaw ko na nang tuluyan ang kabuuan ng bahay.
Hinawakan ni Greg ang kamay ko at iginaya ako papasok sa loob ng bahay. Kulay white ang pintura ng bahay. Kumpleto na rin sa kagamitan na para bang kabibili lamang.
"You can rest first." wika nito saakin at itinuro ang silid na ookupahin namin ni Allison. Tumango ako at kinuha ang natutulog na si Allison kay Elen.
Pinagmasdan ko ang silid napanganga ako ng makitang may crib din doon. Dahan dahan kong ibinaba si baby at binuksan ang electricfan.
Hindi naman ako pagod kaya mamaya na lamang ako magpapahinga. Mula sa silid namin sa ikalawang palapag ay nandoon ang terrace na natanaw ko kanina. Lumabas ako at nag-inat. Napakaganda ng karagatan, sa kabilang bahagi naman ay mga puno ang matatanaw.
Lumakad ako ng bahagya pa at nagulat pa ako ng may pintuan pa pala na isa bukod sa nilabasan ko. Dahil sa pag-aakalang bahagi pa rin ito ng kwarto na inookupa namin ay binuksan ko ito.
"Ay kabayo!" gulat na bulalas ko ng mabungaran ang nakahubad na si Greg. Nanlalaki ang mga mata ko.
Shit! Ngali-ngali kong batukan ang sarili. Bakit naman kasi walang pagitan o hati man lamang ang terrace na iyon.
Napalunok ako sa tinging ibinigay ni Greg saakin tila ba nasisiyahan pa itong ibandera saakin ang katawan nito. Ngumisi pa ang loko na parang gustong ipamukha saakin ang tinangihan ko kahapon.
Hindi na ako nagsalita at tumalikod na saka nagmamadaling bumalik sa silid namin. Dumadagundong na pala ang t***k ng puso ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para maalis ang tanawin na nasaksihan ko. Bakit ba kasi nakahubad ito, maliligo ba ito? Tanong ko sa sarili.
Kapapasok ko palang sa loob ng kwarto ng biglang may humawak sa akin at bago pa ako makatili sa gulat at siniil na ako nito ng halik. It was Greg!
He was indeed a good kisser. Tipong para kang hinihipnotismo palagi at napapasunod kanya.
Humapit ang braso nito sa baywang ko at inilapit akong lalo sa katawan nito. Wala itong pang itaas. Meron naman itong suot sa pang ibaba niya. Pero.....Shit nakatowel lang ba? He was on his towel, damn this guy. Tila ayaw magproseso ng isip ko. Papaano kung mahulog ang towel na iyon? Samu't saring tanong ko sa isip.
Lumalim ang halik nito saakin, napaungol naman ako kaya agad nitong naipasok ang dila sa bibig ko. Mapusok na mga halik ang ibinibigay saakin. Muli akong umungol sa sensasyong lumulukob sa akin. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang pigilan ito.
Ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng suot kong dami at banayad na hinimas ang dibdib ko. Naliliyo ako sa ginagawa nito, he was good at it. Ang bawat hagod nitong nagdudulot ng samu't saring bagong pakiramdam saakin.
"Ay! Manok na nagtutukaan!" bulalas ni Elen. Kumalas ako sa pagkakahapit ni Greg sa akin.
"Pasensya n po Sir, Ma'am kumatok po ako kaya akala ko po pwede na pumasok." Hinging paumanhin ni Elen.
Kumatok ito at hindi namin narinig? Ganoon kame kadala sa ginagawa namin? Bigla ay ramdam kong pinamulahan ang buong mukha ko.
Ibinaba nito ang bag nahawak at hinila ang maleta papasok. Hindi ako makaimik kaya ngumiti na lamang ako, tiyak na pulang pula ang mukha ko. Nahihiya ako ano nalang kaya ang iisipin ni Elen sa nasaksihan.
Nilingon ko si Greg at tahimik lamang na nakatayo. He was indeed wearing a towel. Bigla ay gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.
"Sige po Sir, hinatid ko lang po ang mga gamit nila Ma'am Abby." Tumango naman si Greg dito.
Akmang muli akong hahapitin ni Greg nang umingit si Allison tanda na nagising na ito. He heaved out a frustrated sigh. Hindi ko ito pinansin na at kinuha ko si baby. Madilim ang tingin nito saakin bago lumabas ng silid.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko, pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap kay Elen mamaya. Kay Greg ay tila balewala lamang dito na nakita kame ng tauhan nito.
Sinandal ko ang ulo ni Allison sa balikat ko at tinapik tapik ang likod nito.
Malalim akong bumuntong hininga bago muling inihele hele ito. Nagugulo ang isip ko sa ikinikilos ni Greg pagdating saakin. Bumabalik ang minsang sinabi nito na he wants me to be his woman. Kaya ba lagi itong ganito? Ako ba ang kapalit ng pagtulong nito saamin?. Umiling iling ako upang maalis ang iniisip ko, ayokong mag-isip nang masama dito lalo na sa ikinikilos nito.
Aaminin ko sa lumilipas na araw ay gugustuhan ko na ito. Pero hangang saan ako dadalhin noon? Attracted din ito saakin, pero pwedeng lust lang iyon dahil matagal itong nabiyudo. Gusto kong sabunutan ang sarili sa kung ano anong pumapasok sa isip ko.