Nagising is Allen nang madaling-araw dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nang may maramdaman siyang mabigat sa mga kamay niya ay napatingin siya roon. He saw Angela holding his hand tightly kaya maingat niyang inalis ang kamay niya na hawak-hawak nito. Nakasalampak ito sa sahig habang ang ulo nito ay nakapatong sa kama kung saan siya nakahiga. “Maaga pa para bumangon, Sir Allen,” sabi nito at unti-unti siyang tiningala. “Saan ka pupunta?” “Nauuhaw kasi ako,” matipid niyang sagot. “Kukuha lang ako ng tubig.” Tumango-tango ito sabay tayo. “Ako na ang kukuha. Mamaya mahilo ka pa, eh.” Tumayo ito habang nakahawak sa bandang tagiliran nito. Nakangiwi ito kaya alam niya na may hindi tamang nangyayari lalo na no’ng maglakad ito dahil para itong uugod-ugod kung kumilos. “What's wrong?” ta

