Maghapon na siya paikot-ikot sa mansiyon nila pero hindi niya makita si Angela. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi rin niya ito ma-contact. Ang weird niyang guwardiya ay wala rin sa puwesto nito. “Saan kaya nagpunta ang dalawang ‘yon? Nasa park pa ba ang mga ito hanggang ngayon? Hindi kaya may nangyari na sa dalawang ‘yon?” sunod-sunod na tanong niya sa isip. Kinabukasan ay hindi pa rin umuwi ang dalawa hanggang sa umabot na ng isang linggo kaya labis-labis na ang pagtataka niya. Iniisip niya na baka tinambangan na ang dalawa dahil sa mga pinaggagawa nitong hindi maganda sa kapwa. Ang pag-aalala niya ay ibinaling na lamang niya sa ibang bagay. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya para pumunta sa bahay ni Edwin nang sa ganoon ay may makausap siya. Naabutan niya ang kaibigan ni

