“Angela, mabait ba talaga ang pamilya mo?” kinakabahan niyang tanong habang pauwi sila sa lugar na kinalakihan nito. “Makakauwi pa kaya ako ng buhay sa mansiyon?” “Bakit naman hindi?” tanong nito. Smooth talaga itong magmaneho kahit isang kamay lang ang gamit nito. Ang katangiang ‘yon ang hinahangaan niya kay Angela dahil para itong professional racer kung magmaneho kagaya nang kapatid niya. Napabuga siya ng hangin. Napilitan siyang sumama rito dahil hindi siya nito pinapatahimik. “Hindi kasi ako sanay na–” “Hindi ka sanay na makipag-usap ng matagal sa ibang tao.” Ito na ang nagtuloy. “Alam ko naman ‘yon.” “‘Yon ang dahilan kaya ayaw kong tumuloy. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanila.” “Tsk! Hindi mo kailangan ikuwento ang buhay mo roon pati na buhay ng pamilya m

