Chapter 8
Like
Hindi ko na siya pinansin sa banat niya. Tinalikuran ko siya at naglakad patungo kung saan ang stores ng mga school supplies. Narinig ko naman ang tawa niya habang sumusunod sa akin.
He pushed me away from the road when he kept up with my pace. Napatingin ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Anong bibilhin mo dito?" tanong niya ng makapasok kami. Hindi ko naman sinagot.
I quietly asked for some bond papers and pay for it. Si Javier ay lilinga linga pa nang matapos ako, nakita ko pang nagtataka siya.
"Tapos ka na?"
I wanted to say sarcastic words but that would just make him amused and not annoyed so huwag nalang. Napailing nalang ako at lumabas na. Nagulat naman ako ng mabilis niyang naialis sa akin ang bitbit kong laptop na nasa bag at naka cross sa aking katawan.
Masama ko siyang tiningnan, "Akin na 'yan!"
"Ako na ang magdadala," nakangiti niyang sabi at isinukbit iyon sa katawan niya.
"Kaya ko iyan."
"I know. I just want to do it for you." With his smirk I can't tell if he really is serious or not.
I swallowed hard and looked away. Naglakad nalang ulit ako dahil wala naman akong masabi. I don't know how to react to his silly jokes. He looks really playful and that makes it hard for me to distinguish what he really meant with his every word.
"I'm going home. Where are you going?" banayad kong tanong habang naglalakad at hindi siya nililingon si gilid ko.
"Are you curious about me?"
"I'm asking so I can make an excuse for you not to come with me."
He chuckled, "You sure I'm going with you?"
Hinarap ko siya at bahagya nang nawawalan ng pasensya.
"You won't?"
"Of course, I will." He smirked. "Damn. You're being good with this."
Napailing nalang ako kesa mangiti pa sa sinabi niya.
"Tigilan mo na ako..." I stopped near the terminal.
Nilingon ko siya na bahagyang nakataas ang kilay sa aking sinabi.
"Kumain muna tayo."
I sighed, "Hindi ka ba busy?"
"Hindi."
"I know you are. Bakit ka ba laging naka sunod sa akin?"
"I want to see you."
I blinked. "You'll always see me at the farm..." pagdadahilan ko, iniiwasang isipin ang ibig niya pang sabihin.
"Can we eat first?" he shifted his weight as he changed the subject.
Malambot na nakatignin sa akin at tinitimbang ang reaksyon ko. Napatingin ako sa ibang tao na hayad na nagmamasid sa amin. He tried to block my view. Napayuko ako at pilit inisip na kailangan ko nang umuwi dahil wala naman na akong gagawin dito.
Umiling ako ng marahan, "Umuwi ka na..."
"You haven't eaten lunch yet. Right?" tanong niya ulit na tila hindi naman naririnig ang sinabi ko.
Hindi pa nga.
My eyebrows furrowed as I looked at him. Gusto ko nang mainis sa kaniya pero sa nakikita kong mga mata niya ay pilit umuurong ang dila ko. Really? Is this man's charm working on me? Kahit kailan ay hindi ko nakikita ang sarili ko sa kung nasaan ako ngayon.
"Bakit hindi ka pa kumain?"
"I'm was waiting for you to be finished on your work. Ang tagal mo kaya napilitan na akong lumapit."
"Hindi ko na lalo natapos." I hissed.
"Gusto mo ako nalang gumawa?"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa tono niyang nangungumbinsi o maiinis sa ngisi niya.
"O kaya huwag ka nang magpasa. Ako na ang bahala."
Wala talaga siyang magandang naidudulot. Gagawin pa akong masamang estudyante. Siguro ganito siya noon ano? Imagining his school days... oh, hindi naman ako ang teacher pero feeling ko mamumuti ang buhok ko.
He's energetic, playful and wild. Kung aamuhin, tiyak na hindi pa naman sasakmalin ka na. He looks like he likes freedom and seems to be enjoying the flow of life. Walang hinihintay at sunod lang sa takbo.
"Uuwi na ako pagkatapos kumain." Mahinang sabi ko at tinalukuran siya.
Sumunod naman kaagad siya at bahagya pa akong dinungaw para makita ang mukha ko. Napansin ko ang ngiti niya at mukhang nangaasar pero hindi ko nalang pinansin. Lumapit ako sa sasakyan niya at kusa nang sumakay doon.
We went to Pepper Grill. Ayaw niya pero sabi ko doon nalang para malapit. Wala naman siyang nagawa.
I was quiet the whole time. Kahit pa may iilan siyang hirit ay malimit kong pinatulan. In my head, I am already calculating how to react if this happens again. Hindi pwedeng wala akong maisip na iba sa ginagawa niya at alam kong alam niya iyon.
But I don't want to ask and clarify things. Baka kapag tama ang iniisip ko hindi ko kayanin at bumigay nalang. Ganoon ba ako kahina? Well, this is the first time that a guy is continuously following me around. If he really is. Is he not?
See? I am having my own storm here. And the fact that he is Javier Buenavides gives me headache. Pangalan pa lang, amoy g**o na. I should only focus on sweet aroma of flowers than admiring its thorns.
"What are you thinking?" he asked after I put the glass of water down.
Umiling ako, "Wala naman..."
"Won't you ask why I'm doing this?"
"No..."
I will never.
He chuckled, "I guess you already know."
"Know what?" I innocently asked.
"Should I tell you?" his left eyebrow ark and his smirk widen.
Napanguso ako at hindi na nagsalita. Mukha naman siyang natutuwa sa reaksyon ko at masuyo akong pinagmamasdan. Is he always like this with his girls? Is this how he flirts? Thinking that the same way he is to his women's working on me made me uneasy. I will surely not fall to this.
"Is this how you flirt with your women?" mahina kong sabi.
I don't really want to know but I need to ask. Para sa ikapapanatag ng loob ko. Iniisip ko palang kasi na isa ako sa mga nilalandi niyang babae, hindi ko alam pero parang may gumuguhit sa dibdib ko.
I will certainly not fall to this kind of men. He is everything I did not ask for. Very opposite to my ideal. This is not happening.
He straightens on his seat and his smirk fell.
"What do you mean?" his tone is very calm but serious.
I gulped and look away. Hindi ko parin naman kayang itanong talaga iyon kaya ngayon na nililinaw niya ay ayaw ko nang sagutin. Nevermind nalang nga. Ayaw ko na palang itanong. Gusto ko nang umuwi.
"Wala. Aalis na pala ako,"
I started getting my bag when I realized it's on the seat beside him. Tumingin ako sa kaniya na nakakunot na ang noo ngayon at mariin akong pinagmamasdan. Hindi ko tuloy alam paano kukuhanin iyong gamit ko.
"I am not flirting with you." Napaangat ako ng tingin, "Okay, maybe slight." Bawi niya kaagad kaya napailing nalang ako at ipinako ang pansin sa ibang bagay.
"Look at me Azalea." Ayaw ko nga. I heard him sighed, "I am not treating you like how I treat my other women."
"Okay." Sagot ko. Nagangat ako ng tingin, "Then you're treating me as a friend, right? Sige. Uwi na tayo."
Ayaw ko na pahabain pa ang usapan pero mukhang wala siyang balak umalis hangga't hindi naririnig ang nasa isip ko. Wala na. I cleared my mind already. Wala nang laman. I just need to go home.
"Tell me what you want to ask..." he leaned forward and my lips protruded.
"Wala,"
"Meron."
"Oh, edi sagutin mo na agad mukhang mas alam mong may tanong ako."
He groaned as his head fell.
"Have you ever been in a relationship?"
Marahan akong umiling.
"Ako din." Dugtong siya. Sinungaling din ito ah? Napasimangot na ako dahil bukod sa walang kwenta niyang tanong, sinungaling din talaga.
"Huwag ka ngang sinungaling."
"I can't deny I didn't had girls. Pero hindi ko silang naging girlfriend."
Ah, kasi fling lang? Pinakiramdaman ko pa ang sarili kung nakakaramdam ako ng disgust at pagka ayaw sa kaniya pero parang nag m'malfunction yata ang katawan ko at nag cecelebrate pa sa katotohanang wala pa siyang sineseryoso?
"Ikaw palang kung papalarin."
Oh, I think the music started in my body's celebration. Wait, is that my heart beat? I think I'm going crazy. Is Aio still here? Because I definitely need myself back. This is not me. I can't be swayed with that words!
"Alam mo, naiinis na ako sa'yo e. Ipapakain ko sa'yo iyang tissue. Tigilan mo nga ako!"
He laughed loudly. Pati ang balikat niya ay tumataas sa pagtawa. Napapailing ako habang nililinga ang mata at sinalubong ang ilang tingin sa amin. Kita mo na? Hindi yata normal ang isang ito. He always laughed at my words, wala namang joke doon?
His eyes sparks as he pursed his lips to hide his playful grin.
"I guess you know what I really mean by what I'm doing?"
"Hindi! Pwede ba?" masungit kong sagot. "You're my boss."
Nanliit naman ang mata niya, "Tatanggalin na kita sa pagiging intern kung ganoon. Nang hindi mo iyan magamit sa akin."
Nanlaki naman kaagad ang mata ko. This brute, spoiled, and flirtish man! Ayaw kong maniwala pero syempre kayang kaya niyang gawin iyon. Sa mga rude words ko palang sa kaniya, kung ako ang boss niya ay matagal na siyang hindi sinikatan ng araw.
"Hindi ka na papasok sa lunes-"
"Javier!" I hissed with my face all frowning but he just laughed at me.
"Now you can call me by my name. Aalisin na talaga kita."
"Hindi na ako natutuwa!"
My lips are in a thin line, wanting to prove that I'm really getting pissed, pero ang lalaking ito... he really looks nice ano? Kahit anong anggulo. I closed my eyes firmly. Nawawala na ata ako sa sarili.
Tumayo na ako at naglakad paalis. Bahala siya diyan. Hindi naman siguro niya iiwanan gamit ko hindi ba? Nauna na ako sa parking dahil sigurado ay nagbayad pa iyon. Napahinga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili.
That man seriously needs help. Nakakainis. Hindi marunong magseryoso, lahat yata sa kaniya biro. Kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig, ayaw kong paniwalaan! Paano ako maniniwala riyan? May tama yata sa utak.
"Aio?" I turned around to see who called me.
"Dave..."
"Anong ginagawa mo rito? Magisa ka?"
Actually, nakatayo ako sa harap ng sasakyan ni Javier, I should just go and ride a trycycle but my things are with him. Paano ko kaya ito ipapaliwanag?
"Paalis na ako. Ikaw?" I asked.
Ngumiti naman siya bago sumagot. Hawak sa kanang kamay ang susi siguro ng sasakyan niya. He simply points the restaurant.
"May kasama akong ilang kaibigan. Miguel is there. Nauna na sa loob."
I nodded, a little nervous. Hindi naman na siya nagtanong so I guess hindi na kailangang sagutin ang una niyang tanong.
"Ganoon ba? Baka hinihintay ka na nila?" mahina kong sagot.
"Right! By the way don't forget on Saturday! Baka hindi ka sumipot ah?" natatawa niyang sabi kaya umiling ako.
Marahan akong ngumiti. "Pupunta ako, Dave."
Masaya naman siyang ngumiti at nagpaalam na. They invited me to go with them this Saturday to Pequeño Falls, hindi ko talaga gustong sumama pero nakakahiya silang tanggihan dahil mababait sila sa akin.
Kaming mag kakagrupo iyon sa thesis at tinanong ko kung pwede bang isama si Casimiro at Joshua, masaya naman silang pumayag kaya okay na rin.
"You always smile to other people. Bakit sa akin, hindi?"
Napapitlag at napalingon ako kay Javier. Saglit pa akong napakurap bago nakuha ang sinabi niya. Lahat nalang, pinoproblema niya. Kinuha ko sa kaniya iyong laptop ko pero hindi naman niya ibinigay.
"Lagi kang nakasimangot sa akin."
Hindi niya talaga palalampasin e. Sa hindi ako natutuwa sa kaniya? Bakit ako ngingiti? Tsaka, seryoso ba iyang sinasabi niya? Nagmamaktol siya dahil sa ngiti?
"Uuwi na ako, akin na iyang gamit ko."
"Ihahatid kita."
"Tara na kung ganoon."
He sighed heavily.
"Are you really this mean?" mahina niyang sabi.
Napatitig ako at napakunot ang noo sa kaniya. Anong mean? Wala pang nagsabi sa akin niyan. Ni hindi ko nga alam kung naging ganoon na ako sa ibang tao? Sa kaniya? Grabe na nga ang pasensya ko e.
"I'm never mean. Kung gusto mo ngayon palang. Naiinis na talaga ako sa ganito mo. Huwag mo nga akong sundan sundan. Mapapahamak ako niyan e."
Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok at tila nawawalan na ng pasensya. I bit my lips so I can stop saying anything. But it's true! Mamaya, ako na ang pagusapan ng mga tao dahil lagi akong nakikitang kasama niya.
"Gusto kita Azalea. Kung hindi pa halata, ngayon sinasabi ko na. Gusto kita."
Nanlaki ng bahagya ang mata ko. I got stunned and my ears can't seem to process what it hears. Hindi iyon pumasok sa isip ko pero hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko kinonsidera iyon. But he's... Javier. And nothing comes good in that name when it comes to women.
I don't want to judge but this is something that I won't really believe. Not this way, and not now. I keep my mouth shut as I can't find the right words to say. How can he like me? We were like... the opposite of each other!
At ganito ba talaga siya ka bulgar? Parang walang takot siyang umaamin. My heart is in its crazy beat. I can feel my rib cage hurting and my breathing hitched. Wala naman akong maalalang ginawa ko para magustuhan niya? I'm not even polite to him. Civil yes, but polite?
"Mababaliw ako kakaisip ng tumatakbo sa utak mo kapag nanahimik ka. Wala ka bang sasabihin?" he advances a step.
Parang noon lang ako natauhan na nandito pa nga pala siya sa harap ko. I sighed and looked up to him. I don't know if it's just me but I can see that he's nervous. Maybe it's just me.
"Hindi ko alam ang sasabihin. Is this a joke? Because it's not funny."
He groaned.
"I confess and you call it a joke? Masisiraan talaga ko sa'yo."
Napanguso ako. What would I really say? Hindi ko naman talaga kasi alam.
"Edi hindi joke. Bakit ka ba nagagalit? Kailangan ba ng sagot iyong sinabi mo?"
The side of his lips rose and I just frowned. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan iyong titig niya. My heart is not calming down and I think it just double its beat. Feeling ko hinihingal ako kahit nakatayo lang naman ako dito.
"Soon, I'll need an answer. But sure, I'll let you go this time."
My heart hammered. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal pang kasama niya pagkauwi. Dumating sila Mama at Papa at ni hindi ako nakakain ng dinner at dinahilan ko nalang na busog ako.
His words remain in my mind. Dapat hindi siya umamin! Dumadagdag lang siya sa iniisip ko. Bukod sa hindi ko matanggap na gusto niya ako, iniisip ko talaga kung seryoso siya. At kung oo, anong gagawin ko? Gusto ko ba siya?
But what if he's just toying with me? He's not the kind who take things seriously. Paano kung ngayon gusto niya ako tapos sa mga susunod na araw o linggo hindi na? Isn't that his ways? Makuha ang mga babaeng gusto niya at kapag ayaw na ay iiwanan?
This is so complicated. He's complicated kaya bakit napasok ako dito?
Javier:
Texting to remind you that I like you and have a goodnight.
Hindi na nga ako mapakali ngayong araw, dadagdagan niya pa ng ganyan. Lalo akong hindi makakatulog nito.
Ako:
Corny.
Javier:
That's sincere. You're so mean.
I smiled. Dumapa ako sa kama para makapag type ng maayos.
Ako:
If other girls fall for that, I won't.
Javier:
Ikaw lang ang sinabihan ko niyan. You're the only one I text by the way.
Ako:
Call lang iyong iba?
Javier:
Kung hindi ka masungit sa akin, iisipin kong nagseselos ka sa mga naging babae ko.
Napakunot ang noo ko sa reply niya. Of course not. Why would I? Feeling din itong isang ito e. Bakit naman ako magseselos? As if, kaselos selos siya. Alam ko naman na marami talaga siyang naging babae, o kahit ngayon baka meron kaya bakit ako magseselos.
I tried to read my texts again. Hindi naman ako mukhang nagseselos ah? But why am I so irritated?
"Aio calm down! It's just Javier. Hindi mo siya gusto, okay?" pagkausap ko sa sarili,
I feel like I need Casimiro but I'm not ready to tell him this. Not that I will eventually get ready.
Javier:
You're really jealous?
Napahinga ako ng malalim.
Ako:
I'm not. I'm going to sleep.
Nilapag ko na sa ilalim ng unan ang cellphone ko at sinimulan ang pagpilit sa sariling matulog. Hindi ko alam kung nakailang baling ako bago ako dapuan ng antok at makatulog.
Kinabukasan ay dumalaw lang ako sa farm namin at tumulong kay Mama sa pagluluto. Tinapos ko rin ang weekly report ko na nasa kalahati palang. Habang sumusulat ay hindi ko alam kung bakit si Javier na naman ang nasa isip ko.
I tried to focus so I can be done with it. Buti nalang ay natapos ko.
"Kamusta ang internhip mo?" Mama asked while we're eating lunch.
Tumango naman ako ng bahagya.
"Maayos naman po. Nag eenjoy po ako."
Nagtaas ng tingin si Papa kaya ngumiti ako sa kaniya, napailing naman siya.
"Magiisang buwan ka na doon..."
"Oo nga Papa. Ang bilis..."
Mama chuckled. "May mga naging kaibigan ka ba roon?"
"Si Joshua po. Iyong nasabi kong isa pang intern? Close naman na po kami. Kasama siya sa Saturday Pa..."
Tumango si Papa. Nasabi ko na iyong lakad sa sabado. Hindi ako madalas umalis pero hindi ibig sabihin pag nagpaalam ako ay kaagad akong papayagan. Kapag nagpaalam ako kay Mama ay sasabihin niyang sa Papa magpaalam.
Si Papa kasi ang nasusunod. Hindi siya kaagad pumapayag lalo na kapag medyo malayo ang pupuntahan. Hindi pa naman ako sobrang nakalayo talaga pero minsan ay nagyayaya si Casimiro na mag out of town kahit kaming dalawa lang.
Papa is slightly strict and he always put my safety first. Iyon naman ang lagi niyang inaalala kaya hindi naman ako nagtatampo kapag medyo mahigpit siya sa akin.
I spent the whole afternoon reading our thesis and checking my social media accounts. Hapon ng makatanggap ako ng mensahe mula kay Javier.
Javier:
I'm bored all day. I'm just home and probably go to sleep early. See you tomorrow.
Hindi ko alam kung bakit mas ginanahan akong pumasok bukas. I feel like all my energy was saved for tomorrow and is it okay that I' smiling right now? Bakit ba kasi siya nagtetext pa?
Nakahiga na ako at hindi na naman makatulog ng makatanggap ng tawag mula kay Casimiro. Nagtaka pa ako dahil medyo gabi na at tumatawag pa siya. Broken hearted kaya ito?
"Hello..." I greeted.
"Aio!" maingay ang sumalubong na tunog sa akin.
I even looked at my screen if it's really Casimiro.
"Ang ingay?"
"Hello AIo! Naririnig mo ba ako?"
"Where are you?" I asked and sat up.
"Oh!" he laughed. "Hulaan mo!" tumawa siya pagkatapos.
"Are you drunk?"
Based on the background music and loud people, nasa bar yata ito?
"Maybe! Pero may nakikita akong malinaw ngayon!" humagikgik pa ang loka.
"Ano?"
"Hulaan mo!"
Napasapo nalang ako sa noo. Sino kaya ang kasama nito at mukha nang masyadong lasing? Mas triple ang kinukulit nito kapag lasing.
"Ewan ko sa'yo Casimiro dis oras na ng gabi. Umuwi ka na."
Tumawa na naman siya kaya napailing ako.
"Nandito si Javier!" he chuckled annoyingly.
Napadiretso ako ng upo.
"What?"
"Si Javier mo! Nandito! Kitang kita ko oh! Ang daming babae sis!" lalong lumakas ang music. O iyong kabog ng dibdib ko iyon? "Nasa Bellini ako!"
I inhaled and bit my lip. Gusto kong isipin na ano naman kung naroon siya? Bakit ba kumakabog ang dibdib ko? Akala ko ba matutulog siya ng maaga?
"Hello Aio! Nandiyan ka pa ba?"
"O-Oo... sigurado ka bang siya iyan?" mahina kong tanong.
"Oh my gosh! Bakit? Lasing ako Aio ha pero naririnig kita ng maayos! Tutuksuhin lang kita pero... bakit mo iyan tinatanong?"
"W-Wala! Bahala ka nga!"
Narinig ko na naman ang tawa niya. Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan. Sabi niya, matutulog siya ng maaga. Bakit naman siya mag sisinungaling sa akin? Hindi naman ako magagalit kung sasabihin niyang may lakad siya?
"Nandito nga Aio! Napakaseryoso nga ng mukha niya, mukhang kadadating lang! Ang dami kaagad na babae parang mga linta beh!"
Napakurap ako at napatingin sa kamay kong nakapatong sa hita ko. I sighed.
"S-SIge na Casimiro. Matutulog na ako..."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Hindi ko alam kung bakit ang daming pumapasok sa isip ko. Lahat iyon, hindi maganda. Pero ayos lang naman na nandoon siya. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?
It's not that he needed to but he said he'll stay home. Bakit siya nagsinungaling pa. Hindi naman niya kailangang itago dahil hindi na bago sa akin na ganoon talaga siya. He likes bars and clubs, probably why he attracts so much girls.
Mabibilang ko sa daliri kung ilang beses palang akong nakapasok sa bar at hindi ko talaga nagustuhan. Kung hindi lang maiimbitahan ay wala akong balak pumunta sa mga ganoon. Napatakip ako sa mukha habang dinadama ang mabilis na t***k ng puso ko.
My heart hurts at the thought of him with someone else lingered in my mind. I can picture him looking good with whatever outfit, smiling with everyone and being friendly and a flirt. Sabi niya gusto niya ako?
Ano naman ngayon Aio kung nandoon siya at may kasamang mga babae? Sabi niya lang gusto ka. Baka isa lang pala sa mga gusto? Napahiga ako habang nakatakip sa mukha ang mga kamay.
But I feel like I like him too...
My heart is beating so fast that I think its an indication that I feel something for him too. My heart beating is loud and fast the it hurts. Hindi ko alam kung masakit dahil sa lakas ng kabog o dahil sa nalaman kong may kasama siyang ibang babae sa kung nasaan man siya ngayon.