Chapter 9
Missed
Hindi ako masyadong nakatulog. Late na nga ako natulog ang aga ko pa nagising. Matamlay akong nagayos at naghintay kay Casimiro para sa pagpasok sa La Granja. Nang makasakay ako at nagkita kami at nakakaloko siyang nakangisi sa akin.
Sumimangot naman ako.
"Kahit lasing ako natatandaan ko ang usapan natin kagabi!" humalakhak siya.
Napabuntong hininga nalang ako at nagayos ng seatbelt. Ayaw ko na sanang pagusapan pa iyon. Sa pagiisip ko buong gabi narealize ko na, ano naman kung hindi siya magsabi ng totoo sa akin. He just told me he likes me and it wasn't like he is committed to me.
"Ano nga ang mayroon sa inyo cachorro?" simula niya nang paalis na kami.
"Wala..."
"Magtatampo na talaga ako Aio. Lahat sinasabi ko sa iyo kaya dapat ganoon ka din! Unang lalaki iyon sa buhay mo!"
Saglit ko siyang tiningnan at inilingan. Napanguso ako at nagiisip pa kung tama bang sabihin sa kaniya. Ayaw kong sabihin dahil hindi naman kasi ako sigurado kung seryoso si Javier. Kung hindi naman, ayos lang na ako nalang ang nakakaalam dahil ayaw kong pati kaibigan ko ay umasa.
"Sabi niya sa akin gusto niya ako."
Napahawak ako sa dashboard nang biglang huminto ang sasakyan. Humampas ang buhok ko sa aking mukha dahil sa biglang pagpreno.
"Casimiro!" I hissed.
Malaki ang mata niyang nakatitig sa akin at napabuka ang bibig. Gusto kong matawa sa itsura niya pero nakaka kaba talaga ang ginawa niya.
"Oh my god! Is this really happening? Omg Aio ikaw na talaga!" niyugyug niya ang balikat ko at wala na akong nagawa kundi magpaubaya nalang.
Bahagya ko siyang tinulak at nakitang nakangisi na siya sa akin ngayon.
"Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya lang ako o ano kaya hindi ko sinasabi sa'yo..."
"Sus! Halata naman si Javier! Na love at first sight yata sa'yo. Silipan mo ba naman kasi!"
My eyes widen and I slapped him on his shoulders. Pinaalala pa iyon!
"Stop it!"
Walanghiya niya lang akong tinawanan at pinaandar na ulit ang sasakyan.
"Hindi siya nagpaalam sa'yo kagabi?"
"Hindi naman siya dapat magpaalam Casimiro..."
"My gosh Aio! Huwag mo akong paandaran ng ganyan. May gusto ka rin sa kaniya ano?"
Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin. Puro tawa lang siya sa akin kaya lalo akong napapasimangot. Hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko. Ayaw ko ng ganito.
"You like him!" he concludes when I remain silent.
"Hindi!"
"Pag dinedeny mas lumalalim Aio!"
Napakunot ang noo ko at napaharap sa kaniya, "Totoo?" I innocently asked. Ayaw ko ng lumalim ito kung ganoon!
His laughed roared, "Ewan ko sa'yo Aio ang laki ng problema mo! Aminin mo nalang. Kung gusto niyo ang isa't isa, anong problema?"
I crossed my arms and sighed, "Ayaw ko sa kaniya..." sagot ko, hindi ang damdamin ang tinutukoy.
His personality and all are not even close to what I want. He's polite I give him that but he's also briskly, invigorating and playful and flirt. Napabuntung hininga nalang ako kakaisip na kahit na ganoon, tingin ko may nararamdaman talaga ako sa kaniya.
Hindi naman kasi kahit kailan niya ipinakita sa akin na masama siya. He's playful, because he's always trying to make me smile. Lagi siyang may banat dahil gusto niyang nakikita ang reaksyon kong naiinis, hindi ko nga alam kung bakit.
"Talaga lang ha?"
"Hindi ka naman nakakatulong!"
Napahampas pa siya sa manibela at tuwang tuwa sa pinagdadaanan ko. Hindi nalang ako nagsalita hanggang makarating kami. Tahimik kong binati si Joshua at nagbihis na ng damit na dala ko.
"Ayos ka lang?" Joshua asked.
Nandito kami sa controller room ng greenhouse. Tinuturo sa main ang basics ng technology ng modern greenhouses. Tahimik lang akong nagsusulat ng importante ng tanungin ako ni Joshua. Casimiro is on the other greenhouses, si Caloy ang kasama.
"Oo... bakit?"
"Napapansin ko lang na parang matamlay ka. May problema ka?"
Marahan akong umiling, "Wala naman, Joshua..."
Saglit niya pa akong tiningnan kaya ako na ang nagiwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong ka gana gana ngayon. Nakinig nalang ako sa nagtuturo at nang matapos ay kaagad akong naglakad palabas.
Napilitan akong ngumiti ng makita si Miss Gail. Ngumiti siya sa akin kaya napalawak din ang ngiti ko.
"Kamusta kayo?"
"Ayos lang po Miss..."
Tumango tango siya lumapit siya sa akin at tiningan ni Joshua. Tumango naman si Joshua bago naglakad palayo sa amin. Nagtataka akong nagangat ng tingin. Her smile turns to a playful grin. Nang may iabot ay noon ko lang napansin na may hawak siyang bulaklak.
"Pinagbibigay ni Sir Javier..." sabi niya na may nakakalokong ngiti.
Napakunot ang aking noo at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso. Isang tangkay iyon ng Salvia at kulay asul.
"Bakit daw p-po?" kabado kong tanong.
She shrugged and didn't even try to hide her grin. Napabuntong hininga ako. Ano na naman kaya ang gusto ng lalaking iyon at nagpabigay pa ng bulaklak kay Miss Gail?
"Busy siya kaya hindi makapunta dito. Mahihiya ka rin naman daw kung aabutan ka niya ng bulaklak dito."
Napanguso ako at napatango nalang. Nakakahiya padin ang ganito! Anong iisipin ni Miss Gail kung ganito?
"Thank you po... uh..."
She chuckled a little. "Sige na at lunch break niyo..."
Mabilis akong tumango at yumuko bago siya nilagpasan upang lumabas. Nagulat ako ng naghihitay pala doon si Joshua.
"Ayos ka lang? Anong sabi sa'yo?" nagaalala niyang tanong.
I tried to smile, "Ah, wala naman. Ano, kinamusta lang ako..."
Mukha siyang nagtataka pero napatango din. Napadako naman ang tingin niya sa iilang Salvia na dala ko. Kaagad kong binaba ang kanang kamay at nagsimula nang maglakad. Inilagay ko sa paper bag ko iyong bulaklak at itinago sa mga lockers doon.
Blue Salvia means thinking of you. Tiningnan ko pa sa internet kung tama ang pagkakatanda ko at oo nga, iyon ang ibig sabihin. Is he saying that he's thinking of me? My heart hammered but I can feel that it hurts.
Hapon at pauwi na kami ng matagpuan ako ni Javier. Akala ko ay hindi na kami magkikita pa dahil sabi nga ni Miss Gail, busy siya. Mukhang sinadya niya ako sa restroom at alam na doon ako nagpapalit ng damit.
Napakurap ako at umiwas ng tingin ng makita siya. He's all smiles like he's happy to see me. Hindi ko alam kung bakit kung nasaan siya kagabi ang pumasok sa utak ko.
"Uh... bakit?" mahina at mabagal kong tanong.
Naglakad naman siya palapit sa akin. Bahagya akong umiwas at humakbang patagilid, hindi siya tinitingnan.
"May lakad ka ngayon?" his tone is calm and gruff.
Umiling ako, "Uuwi na ako..."
I can see in peripheral view that he's nodding. Tinangka niyang silipin ang mukha ko pero umatras ako at nagangat ng tingin.
"Aalis na ako..." sabi ko kaagad.
Napakunot ang noo niya at humakbang ulit palapit. I can feel how hard the pounding of my heart is. Sumasakit na ang dibdib ko sa lakas noon. I blinked and swallowed hard.
"Natanggap mo ba iyong pinabigay ko kay Gail?"
Mabilis akong tumango. "Oo..." ayaw ko nang pahabain ang usapan. "S-Salamat..." ayaw kong tumagal ito dahil ayaw kong matanong kung nasaan ba siya talaga kagabi.
"Uuwi na ako..."
"Nagmamadali ka?"
Tumango ulit ako. "Oo."
He sighed softly and examine my face. Pinilit kong ipakita na wala akong reaksyon.
"Do we have a problem?" his tone is laced with concern.
My breathing hitched and I can feel my hand sweating. Nakakunot ang noo niya at masuyo akong tinitingnan. My lips protruded, trying to eat the words I want to say.
"Aio!" I heard Casimiro and I immediately looked his way.
I heard Javier sighed and took a step closer. I am determined to turned away from him to go to my friend but he hurriedly held my elbow. I can feel how his hand is rough against my skin, pero kahit ganoon, feeling ko ay kinakalma ako ng hawak niya.
Napansin kong napahinto ang kaibigan dahil sa ginawa ni Javier. Nakangisi ito sa akin at sinubukan pang itikom ang bibig.
Napakurap ako at nabaling ulit ang tingin sa kay Javier. His eyes turn a shade darker na para bang alam niya ang pagiwas na ginagawa ko at hindi niya iyon nagugustuhan. I tried to get my elbows back but his hand tightens.
"Nako kaya naman pala ang tagal mo!" Casimiro laughed. "Suyuin mo iyan Javier! Hindi mo pala sinabing mag b'bar ka kagabi? Ang dami mong babae kagabi infairness!" sa lakas ng tawa ni Casimiro ay naglingunan ang ilang tarabahante sa amin.
Napapikit ako dahil sa kahihiyan sa sinabi ng kaibigan ko. Javier blocked my view of Casimiro. Mas pursigido na akong kumawala sa kaniya ngayon. Wala naman akong balak sabihin iyon sa kaniya kahit na bumabagabag nga iyon sa akin.
"Ako na ang maguuwi sa kaniya Casimiro..." he uttered lowly and serious.
Hindi ko na alam ang naging sagot pa ng kaibigan ko dahil bigla nang tumahimik.
"Aalis na ako. Sasabay ako kay Casimiro..."
This time he holds my other elbow to keep me in my place. Naiinis akong tumingin sa kaniya. He equals my eyes and look at me softly.
"Let's talk first..."
"Huwag kang maniwala doon kay Casimiro. Gusto ko na nang umuwi."
He sighed and took a step closer. Halos hindi na ako huminga sa lapit namin. He tried to crouch to look at me better. Iniwas ko lang ang tingin dahil hindi ko kayang makita siya. I'm embarrassed! Casimiro shouldn't have said that!
I tried to push him away but he just holds me tighter. Para pa nga siyang nagalit sa ginawa ko. Inagaw niya sa akin ang paperbag na dala ko at hinawakan ako sa kamay saka hinila paalis. Hindi na ako nakapagprotesta sa gulat.
Yumuko ako dahil nahihiya ako sa tingin ng mga tao. Sa laki ng mga hakbang niya ay halos mapatakbo ako. Nakarating kami sa parking at tinungo ang sasakyan niya. He put my paper bag in the backseat and tried to get my backpack. Binigay ko na at inilagay niya rin iyon sa likod.
He opened the front seat and motioned me to go in. Nag angat ako ng tingin at nakita ang seryoso niyang mata. I sighed and moved. Nang nakaupo na ako ay hindi siya umalis sa aking harapan.
I held my both hands and looks at it.
"Don't you have something to say?" mahinahon ang tono ng boses niya.
Umiling ako. "Gusto ko nang umuwi."
"You're upset. Why can't you tell me?"
"I'm not upset..." agad kong bawi.
Nanatili siyang tahimik kaya nagtangka akong magangat ng tingin. I gulped when I saw how he's towering over me. Kahit nakasakay na ako sa Raptor niya ay mas matangkad padin siya sa akin.
"I... uh, don't want to asked you about it..." I tried to talk.
Tingin ko kasi ay hindi niya ako titigilan kung hindi ako magsasalita sa kaniya. Tingin ko kahit abutan kami ng dilim dito ay wala siyang pakialam.
"Why?"
"Ayaw ko lang. It's your choice to party so what would I tell you? Pero kasi sabi mo nasa bahay ka lang?" my tone was soft but sulking. I licked my lips as I try to maintain our eye contact.
"I'm sorry..." he stated. Nanatiling pinagmamasdan ako. "You should've told me earlier. Text me about it perhaps? You don't text me..."
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Kagabi mo pa ito iniisip tapos ayaw mong sabihin sa akin? You should always tell me what bothers you..."
Umiling ako sa masuyo niyang boses. Ayaw ko nga.
"A friend invited me. Masyado nang gabi kaya hindi na ako nagtext sa'yo. Sumaglit lang din talaga ako. I never intended to stay for long. Umuwi din ako kaagad."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Girls tried to talk to me. Hindi ko sila pinansin..." I stayed silent as he speaks. Tila pinipilit ipaliwanag kahit wala naman akong sinasabing nagsisinungaling siya. "I swear..."
"Okay..." I answered.
Napabuntong hininga siya. I find him desirable by his looks today. Ibang iba sa lagi niyang ipinapakita. Para siyang nahihirapan ngayon humingi ng tawad sa bagay na inosente naman siya. I wanted to smile but I suppress it.
His perfect jaw line is clenching as he eyed me. Nagulat ako ng bumaba ang ulo niya at pinatong ang kaniyang noo sa aking balikat. I got stunned by his move. I smell his perfume and it just added to how manly he looks.
"You can tell me anything that bothers you. Kahit ano Azalea. Gusto ko sabihin mo sa akin."
Hindi ko alam kung bakit napatango nalang ako. I am so afraid he'll hear my heart. Sinubukan kong kalmahin ang sarili pero parang walang talab. Nagangat siya ng ulo at tiningnan ako sa mga mata.
He poked my nose after. Napakunot ang noo ko at masungit siyang tiningnan. He flashed his playful grin and moved his head closer.
"You're now being jealous, huh?"
I rolled my eyes, of course, hihirit siya ng ganyan. Nakakainis na imbes na magalit ay parang natutuwa pa ako. I should be annoyed and continuously deny his accusations but here I am slowly swallowing my guilt. Baka nga nagseselos ako.
Maayos ang mga sumunod na araw sa amin ni Javier. He always texts me and I replied when I have time. Minsan kasi kahit working hours ay nagtetext siya, at kapag hindi ako nakakapagreply ay nagtatanong kaagad. Ano naman ang akala niya? Wala akong ginagawa rito?
"Gosh Aio!" Casimiro puts his invisible hair on the back of his ear, "Muntik na akong mapaaway doon!"
Napakunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. We're here at the canteen, just the two of us. I don't know where Joshua is, baka may tinatapos pero lunch break na namin.
"Why?"
He sighed and eyed me seriously, "Tell me, kayo na ba ni Javier?"
"Uh... no." nagtataka kong sagot. That's true but I am thinking why would he suddenly ask that?
"Okay I expected that. Pero naabutan ko iyong trabahador na mga babae na pinaguusapan ka!"
I expected that but hearing it from my friend makes me more uncomfortable. Women are so interested with Javier that's why I don't like it when he follows me around. Noong unang beses may sumugod sa akin.
Nagtataka nga ako bakit wala ulit nagtatanong sa akin kung ano ba talaga kami ni Javier ngayon? I bet soon.
"Anong sinasabi?"
"Well, kung magagandang bagay ay hindi kukulo ang dugo ko. Mga inggeterang walang class!"
I wanted to laugh at his reaction and how overacting he is but he might think I'm not taking him seriously.
"Your words!" I pointed but he just rolled his eyes.
"Gusto ko na talagang hilahin ang mga buhok pero ew mukhang malagkit kasi!"
This time, I can't help but to laugh. I don't think he meant his words because that's just so mean. Maarte talaga ang baklang ito.
"What did you do?" I asked afterwards.
"Sabi ko madaling mamatay ang mga inggetera lalo na kung pangit!" he narrated with hand gestures, "Sabay walk out. Naloloka ako!"
Hindi ko alam kung matatawa ako o pagsasabihan siyang huwag nang patulan. He's just being a friend and I'm really thankful for him. Pinangaralan niya pa akong huwag nang pansinin ang mga iyon at baka kung anu ano na naman ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
Kahit sinabi kong wala naman ay hindi niya ako pinaniwalaan, kilala niya daw ako at sobrang ayaw ko ng magulo kaya tinakot niya akong susulutin si Javier kung iiwan ko lang ng dahil doon. I laughed at that. It doesn't even cross my mind.
The next days became more serious. Naririnig ko na talaga iyong bulong bulungan ng mga iilang trabahante tungkol sa akin. I tried not to mind it but I don't know if they're purposely wanting me to hear.
"Dito tayo Aio..." Caloy said when I heard the other girls gossiping around how pretentious I am.
Nagpaparinig silang mukha daw akong mahinhin pero may tinatagong kati. I can't even take their words. That's too much. When I was about to say something Caloy said we should go to the other side to continue planting.
Huminga nalang ako ng malalim at sumunod sa kaniya. Nang makaupo ako sa tabi ni Caloy ay nahihiya akong tumingin sa kaniya.
"Huwag mong papansinin ang mga ganoon. Kulang lang talaga sila sa pansin..."
I don't know if he knows about me and Javier being close but I appreciate that he doesn't say things and even being polite with me. I smiled warmly.
"Ang pangit magsalita..."
Natawa siya, "Ayos lang kung hindi naman totoo. Huwag mo nalang pansinin sila rin ang mapapagod."
I smiled wider. Though we're not very closed and I'm sure he's much more on the side of Buenavides, I'm thankful that he doesn't think ill of me.
"Nagtataka lang talaga ako at binibigyan nila ng pansin ang ganoong bagay. I mean, ang dami nilang time? And I bet Javier doesn't even know them."
Mas lumakas ang tawa niya kaya napakunot ang noo ko.
"Mas harsh ang words mo ah?" he laughed more. "So totoo palang may something sa inyo ni Sir Javier? Javier lang tawag mo." Now he has a teasing smile.
Napaiwas ako ng tingin at napanguso, hindi alam ang isasagot.
"Wala..."
"Pa?" he concludes. I hissed and looked away. Natatawa lang siya at inaasar ako.
"Sabi na noong una palang e..." sabi niya nang hindi ako magsalita.
"Anong una?"
"Naalala mo? Nung kumukuha tayo ng roses? Hindi naman ganoon si Sir sa ibang babaeng trabahante o kahit intern."
"Anong ganoon?"
"Kapag nasa trabaho hindi iyon nakikipagusap sa mga babaeng trabahante! Ang mga babae noon ay puro sa labas."
"Talaga?" I asked, somehow amused.
"Oo. Kaya nagtaka ako noong madalas ka niyang nilalapitan. Kaya pala!" he chuckled and wiggle his eyebrows on me.
Sumimangot naman ako sa kaniya. "Anong kaya pala? Tigilan mo na nga ako!"
"Sus! Na love at first sight siguro si Sir. Kahinaan 'yan ng mga playboy e! Bastedin mo Aio tingnan natin paano ma broken hearted!"
Nanlaki ang mata ko at kalaunang natawa. We both laugh in his ridiculous suggestion. Tinuloy namin ang ginagawa habang nag k'kwentuhan at habang kung anu anong sinasabi ni Caloy na puro kalokohan.
Someone cleared his throat and both of us looked that way. Nakita ko si Javier na seryosong nakatingin sa amin. I blinked and slowly stood up. Narinig ko pa ang iilang tawa ni Caloy kaya binalingan ko siya ng tingin.
Nangaasar siyang tumingin pabalik. "Iyong sinabi ko ha." Paalala niya kaya napailing nalang ako.
Lumapit si Javier at naramdaman ko naman ang kakaibang kabog ng dibdib ko nang hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin. The workers seem to stopped at what they're doing just to see Javier and he would do.
"It's almost time. Let's go..."
Naguluhan ako sasinabi niya. Sinilip ko pa ang relos at sampung minuto nalang ay tapos na nag shift namin. Anong let's go?
"I'll drive you home today..."
Bahagya akong napatango at bumaling kay Caloy para magpaalam. Nginisihan lang ako ng loko. Nauna akong lumabas kay Javier dahil nahihiya na ako sa katotohanang parang binalandra niya doon na may namamagitan sa aming dalawa.
Tahimik siyang sumunod sa akin at hindi nagsasalita hanggang makarating kami sa parking lot. Nang nasa tabi na ng sasakyan niya ay hinarap ko siya at nagtaas ng kilay.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko dahil mukha siyang maraming iniisip.
He smiled wearily. "I missed you..."
Napakurap ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Though we text every day, hindi nga kami ganoong nagkikita. Naiintindihan ko naman na busy siya kaya hindi ko masyadong naisip iyon. Ang katotohanan palang na lagi siyang natetext sa akin ay sobra na para lunukin.
"May sakit ka ba?"
He chucked, "Akala ko sasabihin mong na miss mo din ako."
I shrugged, a smile crept in my lips as I look at him. He's so tall that he's hovering me all the time. Kinaka intimidate ko na halos hanggang balikat niya lang ako dati pero bakit parang komportable na ako ngayon? I even find our height difference cute that I think I need a psychiatrist. Wala na yata sa tama ang pagiisip ko.
He smiles wider while watching me. He even tilted his head to take a better look at my face. I tried to act like it was nothing and like his gazed is not doing wonders like a feeling of butterflies in my stomach but I really can't.
Napaiwas ako ng tingin at bahagya siyang sinimangutan.
"Tara na nga!"
Nakakaloko naman ang sumilay na ngiti sa kaniya ngayon. Lumapit siya at bahagyang nagsalita na rinig na rinig ko. My heart hammered, mixed with shock, fear, and another thing that's so deep to name.
"Sa akin ka lang."