Chapter 10 Feel

4164 Words
Chapter 10 Feel Hindi malayo ang byahe patungo sa falls. Dumating ang sabado at mas excited pa sa akin si Casimiro para sa pupuntahan. Iilang beses palang kasi siya napunta doon dahil dito iyon sa amin. Dave is from here too so he probably recommended this trip. The falls is not quite popular for the tourist but it is for the locals. Masyado kasing tago kaya hindi masyadong natutuklasan ng mga turista. Karaniwang mga taga rito lang din ang madalas dito. The whole scenery is filled with big narra and bamboo strees. Malilim kaya lalong masayang pumunta para maligo o simpleng mamahinga lang. There are three big nipa huts that were provided by the town's government. There are also some bamboo chairs around. "Ang ganda naman dito!" Mori said while looking around. Namamangha sa mala kulay asul at berdeng tubig. The sounds of the flowing waters blends with the groups astonished gasps. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. I put my things inside the nipa hut near the entrance. "Madalas ka dito Aio?" Miguel asked as he removed his shoes ready to take a dip. "Hindi naman madalas pero maraming beses na akong nakapunta dito..." "Walang falls sa amin na ganito kalapit! Sayang!" tumawa siya at niyaya na si Mori na maligo. "Sabay kami ni Aio mauna ka na!" sigaw pabalik ni Mori at pumasok sa nipa hut. Napasimangot naman ang huli. "Okay okay I'm ready!" nagulat ako ng sumigaw si Casimiro. Nakapagpalit na siya ng ganoong kabilis. Kaya pala biglang nawala. He's wearing a swimming trunk and a muscle tee. Wala namang muscle. "Let's go Aio! Hoy Joshua huwag ka nang mahiya tara na!" Nilingunan ko si Joshua na nasa may malayong gilid, he's watching and smiling awkwardly. Hindi niya kasi kilala ang mga ito, nagtataka nga ako at pumayag siyang sumama. It's not that I don't want him here, but if I was him, I won't come. Narinig ko ang paghampas ng tubig at nakitang si Casimiro iyong tumalon. "Ang lamig girl!" he screams. Napatawa ako at si Mori na nasa tabi ko na. I saw Joshua walking towards us, nginitian ko naman siya. "Ayos ka lang?" tanong ko. "Oo." "Nakikita na kita dati e!" singit ni Mori. "Talaga?" I asked her. Ako kasi ngayon ko lang talaga nakita ang mukha ni Joshua. "Oo. Wala ka naman kasing tinitingnan na iba Aio si Casimiro nalang lagi laman ng mata mo!" napailing ako at sinabayan siya sa tawa. "Any plans after graduation?" si Mori. Hindi ko alam kung para sa akin iyon o kay Joshua pero umiling nadin ako. I have plans, but I really don't know what to do next. I want to try in La Granja but I just can't focus on one. Hindi porket nag internship ako doon ay makakapasok na ako. I need to find other company that will cater whatever I specialized in. Gusto kong magtrabaho at makaipon dahil balak kong palawakin ang flower farm namin. "Hindi ko pa alam..." nagsalita ako ng hindi sumagot si Joshua. "Same!" Mori giggled. Napalingon ako kay Joshua nang may maalala. "May five hectares flower farm nga pala kayo..." sabi ko na parang natanto na siya siguro ang mamamahala noon after niya grumaduate. He chuckled and Mori tilted her head to looked at us, obviously curious. "I wanted to manage it but I'll probably start from the beginning." Sabi niya. Napatango naman ako. Maraming tanong ni Mori kaya nakinig nalang ako sa kanilang dalawa. When Mori asked me if I'm ready to swim I just nod and smiled. Niyaya na namin si Joshua dahil kanina pa nagbababad si Dave at Miguel. "Aio try mo dito!" Dave called who is now standing on the bamboo raft. Miguel whistle in a playful way that made my eyebrow raised. "Ay bakit? Anong mayroon?" tanong ni Casimiro. Natawa si Miguel at tumingin ng nakakaloko kay Dave. Napailing naman ako at hindi na natuloy ang paglapit sa balsa. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Dave kaya natawa nalang ako. Well, friends always have inside jokes. "Try mo na Aio!" Mori said so I tried coming to Dave again. Hindi na abot ng paa ko ang baba pero nakalapit parin naman ako. He helps me to get up and sat on the raft. Nagaaway na si Mori at Miguel sa malayo at inuuto naman ni Casimiro si Joshua. When my friend looks at me, he winked. Napailing nalang ako. "Gusto mo lumapit sa falls?" suhestyon ni Dave kaya tumango nalang ako. Kinuha niya ang isang mahabang bamboo culm para maging guide namin papunta doon. "Madalas ka dito?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Oo. May mga kaibigan ako dito sa'tin at dito madalas kami pumupunta." Napatango ako sa sagot niya. Now that I think of it, wala akong friends dito. Si Casimiro lang talaga ang kaibigan ko at sila na rin na mga taga school. Well, Dave is from here but we're like acquaintance for now. Natawa ako ng mahirapan kaming makalapit. Masyadong malakas ang lagaslas ng tubig kaya hindi kami makalapit doon. "It's fine bumalik nalang tayo..." I smiled. Napailing naman siya at sinunod na ako. "Isang buwan na tayo sa internship, ang bilis." Sabi niya nang pabalik. Napatango naman ako. I never really given thought about it pero ngayong binanggit niya ay napaisip ako, isa't kalahating buwan na lang ay matatapos na rin kami and we're about to face another chapter of our lives. I'm excited but kind of scared too. I don't know what's waiting for me out there but who will know anyway? Ako lang. Kaya kailangang harapin. Sometimes I think that opportunities and chances pass because we're scared to face it or experience it. We fear change so we rather stay still and live how like we used to. Hindi binibigyan ng pagkakataon ang tyansa at napangungunang ng mga paano. Things like these are so hard for me because I like to live in a simple way as I could. I never experience doing something or deciding on something that will cost me to lose the other one on the choice. All the changes in my life is because it is inevitable, I grow, I mature and chose what I like at that moment. Walang halong hirap, dahil walang nakasalalay. "Nakakalungkot din..." I utter. Choosing what degree to take is easy until you graduated from it and realized that it wasn't really for you. You don't enjoy the job, the everyday cycle, everything. At ano pa ang magagawa natin? Wala na. What may happen can be a result to a decision we've made years ago or yesterday. What I fear the most in choosing and deciding things is for me to get hurt or suffer... or someone will. Just because of my choices. So, I always asked my parents everything and tell them everything. Sila lang kasi ang alam kong ikakasakit ng puso ko kapag may nangyari, o sila ang masasaktan kapag sa akin may nangyari. My heart raced as I thought of someone. I shook my head and smiled at Casimiro. Mabilis akong bumaba ng balsa at lumapit sa kaniya. "Ano Dave?" I heard Miguel asked. Dave shook his head and send him daggers. Natawa si Miguel. "Ang torpe naman!" I blinked and looked away. Casimiro chuckled, "Hala ka girl may kaagaw yata si Javier?" sinabuyan ko siya ng tubig dahil ayaw kong tanggapin ang nasa isip ko. "Last chance mo na ito Dave!" Mori shouted. Umakyat si Dave at naglakad papuntang nipa hut, hindi iniintindi ang sinasabi ng mga kaibigan. Tumawa ang dalawa at nakakaloko akong tiningnan. Umiling naman ako dahil wala akong gustong sabihin. Their teasing gave me a light guess about what's happening. Ayaw ko nalang pansinin. "Haba ng hair cachorro! Share ka naman!" singit ni Casimiro. "May gusto sa'yo si Dave?" tanong ni Joshua na pati sila Mori ay narinig. Natawa sila at napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa hiya. Ayaw kong isipin na ganoon nga pero sa tawanan at inisan nila ay hindi ko maiwasan. "Wala Joshua..." "Sus! Sure ka Aio?" Casimiro stated more. "Hintayin mo lang Aio..." Miguel said between his chuckles. "Magtigil na nga kayo..." mahina kong sabi. Tinawanan lang nila ako at mas lalong lumakas ang tawanan ng dumating si Dave. Hindi ko nalang pinansin at kinurot na si Casimiro dahil parang pati siya iniiwan ako sa nakakahiyang sitwasyon na ito. We ate after a while. Hindi naman kami magpapahapon dahil pareparehas kaming may weekly report kaya saglit lang after ng tanghalian ay nagpasya na kaming umuwi. Nauna akong matapos kay Mori kaya dumiretso na ako sa nipa hut at nagayos ng gamit. Dumating si Dave at kaming dalawa lang ang nandoon. I don't want to feel awkward so I gave him a friendly smiled. Baka mamaya ay pinagt'tripan lang siya ng mga kaibigan niya at ayaw ko naman na maging awkward kami ng dahil lang doon. I continued fixing my things when he went inside and did the same. I heard him cleared his throat after a while. "Aio... pwede ba tayong magusap?" medyo nagaalinlangan niyang sabi. Bahagya akong natigilan pero nilingon ko siya at bahagyang tumango. "Doon tayo." Turo niya malapit sa entrance at sa ilalim ng malaking puno. Mabagal akong kumilos at sumunod, hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako dahil mukha siyang seryoso. I tried to think that maybe he'd ask about school stuff? Pero hindi kailangan na ganito iyon! Nang makarating doon ay hinarap niya ako. He looks nervous but he tried to hide it by smiling. Napakamot siya sa batok na parang hindi alam ang sasabihin. Napakurap ako at mas lalong kinabahan. "Uhm, may importante akong sasabihin..." I tried to look away. Trying to find a reason to go. "I like you... Aio..." Napatitig ako sa kaniya ng diretso niyang sabihin iyon. Hindi ko alam ang sasabihin. Sa iilang buwan namin na naging close ay hindi ko akalain na magkakaroon siya ng ganitong damdamin sa akin. I never feel and expected it. Umiwas ako ng tingin. What should I say? No one ever confessed to me like this! Well... mayroon pala. Oo nga pala at si Javier? Ano nga ang sagot ko sa kaniya? Hindi ko maalala! And to Javier? It's never this awkward! I groaned silently. Why am I thinking of him right now? "Ano kasi..." "Hindi ko naman kailangan ng sagot Aio. Manliligaw ako..." "Huh?" I gasp. Napakunot ang noo ko. Na blanko ang isip ko at wala akong masabi o maisip na sabihin. Only one person is in my mind right now. Iniisip ko na baka magalit iyon sa akin? We don't have a relationship but I think he'll get mad when he knows this. Tsaka, si Javier kasi ang gusto ko? Masisiraan na yata ako ng bait. Narinig ko ang ingay ng mga kasama at ginawa kong alibi iyon para umalis. I smile awkwardly and turn away. Ni wala akong nasabi. I find that rude but it's better than to say okay. Ibig sabihin noon gusto ko siyang manligaw. Ayaw ko. Wala akong nakakapang kakaibang nararamdaman sa kaniya kaya ayaw ko siyang paasahin. "Hoy ano 'yon!?" exaggerated na sabi ni Casimiro nang salubingin ako. "Isusumbong kita!" he wiggles his eyebrows at dapat ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya. Tahimik ako sa byahe pabalik. Kay Casimiro ako nakasakay at tahimik akong nakamasid sa daan. Wala din naman siyang sinasabi at hindi naman nagtatanong. I tried to look at my phone. Kaninang umaga ko lang sinabi kay Javier na may lakad ako dahil baka mamaya ay magtaka siya at wala ako sa café. Wala naman kaming usapan pero feeling ko ay lagi siyang sumusulpot kapag nandoon ako. Javier: Where? Reply niya sa text kong aalis ako. Matagal ang reply na iyon dahil maaga pa ng nagtext ako kaya ngayon ko lang nakita. Javier: Bakit ngayon mo lang sinabi? Javier: Saan Azalea? Javier: I'll wait for you in the café. Iyon ang huling text at kaninang pa iyong eleven morning. Alas dos na ngayon. Wala naman akong reply sa kaniya kaya hindi naman siguro iyon maghihintay sa akin? Hindi na ako mapakali sa upuan at hindi alam ang sasabihin sa kaniya. Lumingon ako kay Casimiro nang madadaanan na namin ang kabayanan. I bit my lip and asked him. "Sa café nalang ako Casimiro..." mahinang sabi ko. "Bakit girl? Huwag mong sabihing gagawa ka ng weekly report doon? Walang pagod?" "Hindi... basta..." His ayes narrowed and eyed me quickly. "May date ka?" "Wala!" Natawa siya at niliko ang daan patungon café. Hindi na ako nagsalita at tiningnan siya ng ipark niya iyon. "Thank you... see you sa Monday?" "Oo! At ik'kwento mo ito sa'kin!" Tumango nalang ako kahit pa wala akong balak. Tsaka, hindi ako sigurado kung nandyan pa si Javier? Kung wala, bibili nalang ako ng makakain at uuwi nalang. I fixed my knitted white off shoulder top and mom jeans partnered with white sneakers. Isinukbit ko ang dalang tote bag sa balikat at dumiretso na sa loob. Medyo basa pa ang buhok ko at ikinawit ko iyon sa aking tenga. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap dahil tumama kaagad ang mata sa akin ni Javier. Parang kanina niya pa ako inaabangan at ngayong nakita na ay naka kunot noo niya akong tinitingnan. I gulped as I walked closer. He looked pissed as he eyed me from head to toe. Tahimik akong naupo sa harap niya at nilagay ang gamit sa katabing upuan. Sinundan niya ng tingin iyon. He tilted his head as his eyes narrowed. "Your hair's wet. Where have you been?" "Sa Pequeño lang..." mahina kong sagot. "With whom?" "Iyong groupmates ko sa thesis. Saka si Casimiro, si Joshua din..." Napanguso ako ng hindi niya ako tinantanan ng titig. Mas madami siyang tanong kaysa kay Papa. Napaisip tuloy ako kung bakit para akong anak na may maling ginawa? "And you didn't tell me?" "Sinabi ko..." "Tss..." his eyes narrowed more and lean to me. "Early in the morning. Paalis ka na yata. Anong magagawa ko noon?" Ako naman ngayon ang umismid at matapang siyang tiningnan. "Bakit? Pagbabawalan mo ako?" thinking of it, I don't need his approval! "Pinaalam ko lang sa'yo pero hindi ako humihingi ng permiso." Diretso kong sabi na ikinataas ng kilay niya. He leaned back and the side of his lips rose. Nakanguso akong umiwas ng tingin at humalukipkip. "Are you getting back at me?" tanong niya na kaagad kong naintindihan. "No. Nagsabi ako sa'yong aalis ako. Ikaw, hindi. Kung hindi sinabi ni Casimiro, hindi ko naman malalaman." He chuckled. Amused by what I said and how I delivered that confidently. Totoo naman kasi ang sinabi ko? Aakusahan pa ako nito e siya lang naman ang ganoon. Tsaka bakit niya ba binabalik pa iyon? It's not like I did the same 'cause I did not party! No boys flirting around! I tilted my head when Dave face flashed my eyes. He confessed earlier. Muntik ko nang makalimutan. Itong mukha kasi ni Javier... nevermind. "May gagawin ka pa ngayon?" "Uuwi." He groaned. "Mahal na mahal mo ang bahay niyo 'no?" frustrated niyang sabi. Hindi ko maiwasang mapangiti at dinaan ko nalang sa irap. "Kanina ka pa dito?" tanong ko. "Oo. Kanina pa kita hinihintay dahil kahit sa text ay hindi ka nagrereply." Napasimangot nalnag ako sa kaniya. "Hindi ka pa kumakain?" "Hindi pa." "Bakit hindi pa?" "Hinhintay kita." "Sana kumain ka habang naghihintay? Anong oras na kaya?" It's past two in the afternoon already. Hindi ko alam kung nagpapaawa lang ba ang isang ito dahil mukha na naman siyang tuwang tuwa sa reaksyon ko. "Sabay tayo," I sighed. Kumain na ako pero... sige. "Umorder ka na." sagot ko lang. "Hindi dito." Napakunot ang noo ko ng tumayo siya at inabot ang bag na nasa tabi ko. "Let's go." He tilted his head. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Nang malapit na sa sasakyan ay saka lang ako nagtanong. "Saan ba tayo?" hindi ako nagpaalam sa parents ko na kasama ko siya kaya hindi ako pwedeng gabihin! "Kakain lang tayo. Iuuwi din kita kaagad." Naningkit pa ang mga mata ko pero binuksan na niya ang pinto. He motioned me to get in and I did. Nilagay niya ang bag ko sa likod at umikot para sa driver's seat. Hindi siya nagsasalita kaya ako din. Pinagmasdan ko nalang ang tinatahak naming daan para malaman kung alam ko ba kung saan kami tutungo. Nang matanaw ang isang matayog an building ay napadiretso ako ng upo. Nasa kabilang bayan na kami at natatanaw ang iilang matatayog na building. We stopped at the entrance of a known hotel and restaurant. Bumaba siya nang nakapagpark at sumunod nalang ako. Hindi pa ako naglakad kaagad kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay. He walked while holding my hands and I can't focus on anything but our hands. My heart is throbbing mad and what I can do is to just endure and feel it. Pumasok kami sa restaurant at medyo maraming tao. "Reservation Sir?" the usherette asked. "Javier Buenavides." Nagtataka akong nagangat ng tingin. Ngumiti ang usherette at iginaya kami sa upuan malapit sa bintana. Nang makaupo ay saka lang ako humarap at nagtanong. "You made a reservation?" he shrugged. "Kung hindi ako dumating?" "Cancel." Napailing nalang ako. Inikot ko ang mata at napansin ang ganda ng interior ng restaurant na ito. Halata naman mula sa labas at sa kabuuang building ng hotel. Mukhang mamahalin. I never been here, halatang pangmayaman kasi. Alam ko ang lugar dahil minsang nadadaanan namin pero hindi pa ako nakapasok dito, ngayon palang. Nang iabot ang menu ay tahimik akong nag tingin doon. Dumapo kaagad ang mata ko sa prices. I almost gasps at its prices. "Ang mahal naman?" I said quietly not wanting the waiter to here. Natawasa akin si Javier kaya masama ko siyang tiningnan. "Pick what to eat." "Alam mo, busog talaga ako e..." Napakunot naman ang noo niya, "Don't mind the price just pick." Napanguso ako at tinulak sa kaniya ang menu. "Ikaw nalang mamili kung ano." Napabuntong hininga siya at siya na nga ang kumausap sa waiter. Mataman siyang nakatitig sa akin habang naghihintay kami. Hindi ko naman siya binabalingan ng tingin at nakatingin lang sa labas ng glass wall. "You told me your adopted?" he said calmly and huskily. Napabaling ang tingin ko sa kaniya. Maingat ang mga mata niyang nakamasid sa akin kaya tumango ako. "Matagal mo nang alam?" "Mula bata ako. I was four? When I got adopted. Hindi ko hinanap ang tunay kong pamilya until recently..." "Nahanap mo?" "Nahanap ako." His eyes look like its eager to know everything. Seryoso at bahagyang nakakunot ang noo, tila gustong malaman ang lahat. Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko dahil doon. "I don't know how my sister found me. Sabi niya, patay na daw ang magulang namin. She didn't tell me the details but she showed me some pictures..." "You sure she's your sister?" maingat niyang tanong. I nodded, "May picture siya noong bata ako na kasama ang pamilya namin. And we resemble each other a lot until now..." Tumango naman siya habang sinusuri ako at ang mga sinabi ko. "She didn't tell you how you got lost?" Napahinga ako ng malalim, ayaw kong sabihin sa kaniya ang totoong sinabi ni Ate na may pumatay sa magulang namin. I feel like, he shouldn't know. Or atleast not now. "We had an accident. Car accident. Doon daw ako nawala..." I licked my lips, "She's very young so I understand if she doesn't really remember how..." Dumating ang pagkain kaya naputol ang usapan namin. He mostly ordered beef so I ate quite cheery. I'm not a very fan of seafoods and I'm allergic to shrimp so I'm glad he didn't order any. Tahimik lang kaming kumain at nang matapos ay kaagad siyang nagbayad at niyaya ako palabas. Akala ko ay uuwi na kami pero niyaya niya ako sa loob ng bulding. May kinausap siya doon at kinabahan ako ng pumasok kami sa elevator. "Saan tayo pupunta?" I nervously asked. He just smirked and playfully looked at me. "You'll know." Nakakunot na nag noo ko, "Saan nga?" Ang taas na namin base sa numero sa elevator. I tugged my right hand that he's holding. He chuckled when he saw my expression. Nang tumunog ang elevator ay kaagad niya akong hinila palabas. I saw bunch of people looking around. It's like an open space surrounded by thick glasses and from here, you can see the view of the town. Napadikit ako kay Javier nang maglakad siya palapit sa gilid. May mga taong nagkakabit ng harness at may nakita akong naglalakad sa gilid ng building at ang nilalakaran ay salamin, overlooking the ground. I gasp and steps backwards. "Anong gagawin natin dito?" Natawa si Javier sa akin. "We'll try." "No way..." Hinila niya ako palapit sa kaniya at hindi ko maiwasang samaan siya ng tignin. Oh this man, I forgot he loves challenges and thrill! "It'll be safe..." "Ayaw ko Javier?" naiinis kong sabi, "Ang taas taas!" Hindi ko alam kung maiinis ako dahil sa tawa niya. He's surely enjoying this but I don't! Mawawalan yata ako ng hininga dito. "We'll go together." "Kahit na!" "Sa una lang iyan. Kapag nandoon ka na, maeenjoy mo rin." "Don't fool me!" napapadyak pa ako. He pulled me closer and I almost bumped to his body. Masama ko siyang tiningnan. "Ikaw nalang kung gusto mo!" dugtong ko. Umiling naman siya, "Ikaw nga ang dinala ko dito." Lalo akong napapalatak ng lapitan kami ng crew at si Javier ay masayang kinausap ang mga iyon. Pilit ko nang hinahablot ang kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan. I am not afraid of height but 37th floor? Everyone will surely faint. Hindi ko alam na may ganito itong hotel na ito? Kung alam ko lang, hindi na ako sumama una palang, "Javier naman!" naiinis kong sabi nang nakabitan na kami ng safety harness and all. He started walking outside the door, to the edges. "Just hold on me." I groaned and moved closer, paimpit akong napatili ng hilahin niya ako. Mahigpit akong nakahawak sa braso niya. I can't even open my eyes. Sinubukan ko ng isang beses at nang makita ko ang ibaba ay halos takas na ako ng kaluluwa. Javier just laughed loudly. Napapatingin tuloy ang ibang tao sa amin. Halos yumakap na ako sa kaniya. Nanatili ako sa harap niya at tiningala na siya dahil kahit saan ako tumingin ay nalulula lang ako. He has his smirk and amused in his eyes. Hinampas ko siya sa dibdib. Ang lapit lapit namin na halos amoy na amoy ko siya ngayon. I even think I would smell like him after this! He tried to step forward, nadala ako at napahakbang ako patalikod. "Javier!" I shriek. His laughed vibrated to my body. "You're enjoying this!" "Very much." I felt his hand encircled my waist. Hindi ko na alam saan ibabaling ang isip! Me, standing at the see-through glass overlooking the ground or him, almost wrapping his arms around me. I feel like crazy. Hindi ko na alam kung para saan ang mabilis at malakas na t***k ng puso ko. I tried to just look at his playful and smirking face while he continued walking, dinadala ako sa kung saan siya pupunta. Up this close, I can definitely see how perfect his face is. His pointed nose and dark eyes, I think I'm now getting bias just because I like him! Dati naman, hindi siya gwapo? I felt the warm envelope my waist when he wrapped his arms around me tighter. Yakap na talaga niya ako ngayon. "Alam mo, tsansing ka lang?" halos gumaralgalang boses ko pero nasabi ko padin. "Napansin mo?" he laughed. I should be offended but I even find myself smiling. My heart felt calm even in its crazy beat. I feel like floating in the air, well I think I am. But I can say that I never felt like this before. I never had feelings for someone this deep and new. I tried to look at the view on the right side, avoiding to see the ground. With some skyscrapers, nangunguna padin ang berdeng bulubundukin. It looks beautiful and calm despite the burning heat of sunlight. Gaya ng nararamdaman ko ngayon, kalmado kahit pa parang isang mainit na likod ang dumadaloy sa katawan ko sa katotohanang ganito kami kalapit ng taong gusto ko. Bumalik ang mata ko kay Javier na sa akin na nakatingin ngayon. Nagtama ang mata namin at hindi ko alam kung bakit ako napangiti. I never smiled to him before, I always suppress it, pero ngayon, wala na akong pakialam. Palipat lipat ang mata ko sa kaniya at pinagmasdan siyang mabuti. I don't want to name my feelings until I'm very sure of it but one thing is certain, I feel something for him. Because I'll never let anyone be this close to me, this literally close, if I don't like them. "Gusto mo na ba ako niyan?" he said while smirking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD