Chapter 3

2004 Words
That night Chapter 3 ***** Kinaumagahan ay tinanghali ako ng gising dahil sa pag-aalaga kay Damien na lasing na lasing. Nahiga ako kagabi sa sofa niya sa kwarto kasi hindi ko siya maiwan. I couldn't possibly leave him in that situation. Kahit na bugbog na bugbog na ang puso ko dahil sa pauloit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ni Kiana. I couldn't leave my husband.  Napangiti na lamang ako nang maramdaman na may kumot na nakapulupot sa 'kin. Hindi naman pala ganoon kasama si Damien. I know he's still the same man I know years ago. Kailangan ko lang gumawa ng paraan para maibalik ang dating siya.  I gently got up and felt the warmth of the sun touched my skin. He finally opened the curtain. Few weeks back when I first moved in to his condo, he wouldn't let me open the curtains. Sabi niya mas gusto niya daw ang madilim. I told him I feel suffocated in  a confined space. He didn't said another word after that. I got up at marahang tinupi ang kumot. I was smiling like an idiot while folding. "Damien?" I searched for him hanggang sa kusina pero wala siya doon, panigurado na maaga na namang umalis iyon papunta sa trabaho. Lalo lamang lumawak ang ngiti ko nang makita na may iniwan siyang sulat sa lamesa. I opened the envelope at naroon na ang ATM cards ko. 'Yara, mag-grocery ka.' Iyon lamang ang nakalagay sa sulat. Kaagad na akong nagbihis. Isang white skinny jeans at lose blouse ang suot ko. Pinartneran ko rin ng isang flat na sandals. Naglagay ako ng kaunting blush on at lipstick, ang buhok ko naman ay nakalugay lamang. Hindi ko na kailangan pang ikulot dahil natural na ang pagka-curly nito. Sabi ni Lola ay namana ko raw iyon sa Mama ko. Ang yaya namin noon na nag-alaga sa 'kin noong iwanan ako ni Mama at pabayaan ako ni Papa. "Ma 'am saan po ang punta niyo?" Salubong sa akin nung guard na pinagmasdan muna akong maigi atsaka binigyan ng isang ngiti. "Mago-grocery lang," malumanay na tugon ko. Tumango ito at hinatid pa ako sa taxi na nakapark na at nagiintay sa akin. Pinagbuksan ako ni Kuya guard ng pinto at muling nagpaalam. Mabuti na lamang at may kaunti pa akong pera sa bag ko kaya nakapag-bayad ako ng taxi. Bumaba na ako at nagdiretso sa McDonalds, doon na ako kumain ng breakfast. 'Lolo calling...' Sinagot ko ang call ni Lolo. Narinig ko ang pag-sigaw ni nurse Arcie dahil ayaw uminom ni Lolo ng gamot niya. Natawa na lang ako dahil nabubuwisit na ang nurse niya. "Hello? Rasiel? Rasiel apo! ---Ayoko ng gamot ilayo mo 'yan!" Bigla ko na lamang naramdaman ang pagka-miss sa kaniya. Lately kasi ay nagiging makulit na si Lolo, signs of aging kumbaga. "H-hello? Lolo, hello?" Hanggang sa narinig ko ang pag-sigaw ni nurse Arcie at ang tunog ng heels niya, nag-walk out na naman iyon. "Rasiel? Hija kamusta ka na, maayos ba ang trato sa 'yo ng apo ko? Magkakaroon na ba ako ng bagong apo? Ha? Kambal ba, triplets o quadroplets?" "Lo ayos naman po kami, medyo busy lang po si Damien sa work kaya minsan nago-OT." "Hay, sabi ko naman kasi sa isang 'yun na si Divina na muna ang mamahala ng kumpanya. Para makapag-labing labing naman kayo." Si Divina na sinasabi ni Lolo ay ang pinsan ni Damien, mabait si Divina at kasundong-kasundo ko talaga. Siya ang lagi kong kalaro noon, bukod pa kay kuya Dawson, na kapatid naman ni Divina. Napahinga ako ng malalim, "Okay lang po Lolo, magpahinga na po kayo. Okay? I love you po." "Sige na apo, pumunta kayo dito kapag nagka-oras kayo ha? Bye." Pinahid ko ang isang butil ng luha na tumakas sa mata ko. Habang patagal nang patagal ay mas lalo kong namimiss ang Lolo Ruben. Simula kasi nang lumipat ako sa condo ni Damien ay hindi na ako nakakabisita sa mansyon. Nag-aalala na rin ako kay Lolo dahil minsan ay tumatawag sa akin si Arcie at sinasabi na nagkaroon daw ng mild attack si Lolo. Sinabi ko iyon kay Damien pero nanatili lamang siyang walang imik at walang ekspresyon. Siguro masama pa rin talaga ang loob niya kay Lolo. Tinapos ko na ang pag-kain ko at dumiretso sa grocery. Lahat ng kailangan ay binili ko na. Simula sa pagkain hanggang sa toiletries at ilang gamit sa bahay. Pati ng mga panlaba, ako na ang naglalaba ng mga damit niya. Sinesante niya kasi ang dati niyang labandera. "Yara?" Napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa 'kin. Isang lalaki na moreno, may pagka-singkit ang mga mata, matangos ang ilong. Pamilyar siya sa 'kin pero hindi ko maisip kung saan ko ba siya nakita noon. Medyo mahirap alalahanin ang mukha niya. Ngumitinulit siya at lumapit pa sa 'kin. "Yasmine Rasiel Juano? Hey,what a small world!" Lalong lumapad ang ngiti niya. He's cute when he does that. "I am sorry, pero have we met before?" "You don't rememberme?" Tanong niya "Really?" Tumango lang ako at mukha namang nanlumo ang itsura niya. May kinuha siya sa wallet niya at pinakita sa 'kin ang isang maliit na picture. "What the--" I gasped. Sa isang maliit na picture ay meroong limang bata na masayang naglalaro. May mga tuta rin na masayang nakikipaghabulan sa mga bata. Dalawang batang babae na nakabistida at tatlong lalaki naman na naka-formal. Wala sa sarili na kinuha ko ang picture. "This picture? Luke?" I looked at him again at doon ko naalala ang lahat. Kaya pala may kamukha siya, kaya pala pamilyar ang mukha niya sa 'kin at kung paano siya gumalaw. Ngumiti siya at nilagay ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko. Madalas niyang gawin sa 'kin iyon noon dahil nga sa may katangkaran siya. I smiled. "Kamusta ka na? Akala ko ba nasa Amerika ka, you've grown." I praised him. Ngumisi ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Same to you," he said. Inirapan ko lang siya. Wala pa ring pagbabago, bolero pa rin. "Nga pala, can we hang out? Kasama si Divina. Si kuya Dawson naman ay nasa Canada pa with his wife." May koneksyon pa rin pala sila ni kuya Dawson. Pero bigla akong napangiti nang malaman na nag-uusap pa pala sila ni Divina. Last time I checked ay hindi sila nagkikibuan. I don't know why. "Sure, kelan ba?" "Tonight sana kasi may aasikasuhin pa ako this week. Nga pala, nasaan si Damien, haven't heard of him for a while." Bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ni Damien. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na kasala na kami ni Damien. Pero I can't, hindi ko kaya lalo na nang may sabihin siya na lalong dumurog ng puso ko. "Nakita ko si Kia last night, I think I saw Damien's with him. I'm not sure, medyo madilim sa bar e." "L-last night?" Tumango lang siya. "Sige Yara, see you later. Kita na lang tayo sa Q's haven, text me up okay?" He handed me his calling card at wala sa sarili na kinuha ko iyon. Last night? Ibig sabihin hindi lamang isang panaginip o hallucination si Kiana. He was really with her, kasama niya ang babaeng mahal niya samantalang ako ay nag-intay sa wala. It hurts. Binilisan ko ang lakad at nagbayad na sa counter. Umuwi ako and Damien's still not in there. Naupo ako sa sofa at hinilig ang ulo ko. I let my tears to freely fall. Bakit pa ba ako nasasaktan, dapat ay sanay na ako. Simula pagkabata ay balewala lamang ako kay Damien. Kiana is his world but he can't be with her. They are the ones who truly love each other yet they set each other free. I am the third wheel. Asawa ko si Damien sa papel, pero hindi sa puso niya. I fell asleep while crying. Kinagabihan ay wala pa rin si Damien. Hindi rin siya tumawag o nag-text man lamang. I took a quick shower at nagbihis para i-meet sina Divina sa haven. I texted Luke at sinabi na papunta na ako. Nandoon na raw sila ni Divina. Nag-rereklamo na si Divina kung bakit ako late. Ayaw niya talagang mapag-isa kasama si Luke. I got a cab and nakita ko si Luke na nasa labas. "Luke! Hey," he was frowning pero ngumiti pa rin siya sa 'kin. "I 'm sorry I was late." Tumango ito at pumunta na kami sa loob. Mainit sa loob ng club, medyo nakakahilo rin ang ilaw at pinagsama-samang amoy ng alak. May mga tao na rin na wild na wild na nakikipagsayaw sa dance floor at sobrang lakas ng tugtog. It was uncomfortable, since pangalawang beses ko pq lamang pumunta dito. Naupo kami sa isang couch, "Where's Divina?!" I shouted. Kailangan kasi para marinig niya ako. Tinuro ni Luke ang isang babae na nagsasayaw sa pole. Naka shorts ito at bawat galaw ay talaga namang agaw pansin. Kaya pala nakasimangot itong si Luke. We started to order. Pa -shot shot lang ako para hindi malasing, I aslo texted Damien already na lalabas ako kasama si Divina. Hindi naman siya nag-reply so I assume na okay lang sa kaniya. I was roaming around, medyo masakit sa mata ang ilaw but I don't mind. Atleast nawawala ang stress ko kahit kaunti. I looked at the two people na nasa counter. And again, nasasaktan lalo ako. Pero this time, walang pumatak na luha sa mga mata ko. Kahit isa, I just stared at them hard. They're happy, both of them. I gasped when he's eyes landed on my gaze. He stared at me blankly, hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya kaya I looked away. Nang tumingin ulit ako sa kanila ay umalis na sila. Bumalik na si Luke sa tabi ko. He just aswered a call, urgent daw kasi. "Are you okay Yara?" Tanong niya. Ngumiti lang ako at um-order ulit ng tequila. Nasa-tatlo nang shot ang naiinom ko at unti-unti kong nararamdaman ang epekto ng alak. The room were spinning at parang bumagal ang beat ng music. Medyo bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko and I was struggling to open it. "Hey Yara," I heard Luke's voice pero hindi ko siya makita. Hanggang sa naramdaman ko ang paglutang sa ere. May naramdaman din akong masakit sa kamay ko and it hit me. "You b***h! Talagang nanlalake ka pa?! How dare you, hindi ka na nakuntento sa 'kin." I saw a familiar gaze, hanggang sa nakita ko si Damien sa harap ko. Medyo nawala ang tama ng tequila sa 'kin at para akong nabato sa kinatatayuan ko. "Malandi ka talaga! You're nothing but a gold-digger b***h! Pinilit mo si Lolo na pakasalan ako para makuha mo ang kayamanan ng mga Tejares, wala kang pinag-kaiba sa nanay mo---" Pak! I was stunned. And so was he. Naramdaman ko ang hapdi sa kamay ko at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. No expression was written on my face. Blank. I looked at him, hindi pa rin siya nakaka-recover sa ginawa ko. "Don't ever compare me to my mother. You don't know anything, hindi mo alam ang nangyayari kaya you don't have the right to judge me." Hindi ko alam kung saan ko nahahanap ang lakas ng loob para sagutin si Damien nang ganoon. Lumapit siya sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. I whined in pain. "Don't you know that I have all the rights? Baka nakakalimutan mo asawa mo 'ko, and I'll make you remember that I own you. I own you Yara," bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Naramdaman ko na lamang ang mapangahas niyang halik na parang gutom na gutom. I tasted salt and iron, alam ko na nagdurugo na ang mga labi ko. Because of his harshness. But I couldn't do anything about it, my body was betraying me. Humiwalay siya at kapwa kami hingal na hingal. He leaned in forward hanggang sa maramdaman ko ang maiinit niyang hininga sa tainga ko. It lingers all over my body. "I own everything about you." *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD