Kabanata 49

4755 Words

Nginitian at binati kami ng doctor. Naupo si Judith sa harapan ng desk niya habang kami ni Leo ay sa couch na nasa gilid. Nagtanong kaagad ang doctor kay Judith sa mga nararamdaman at tungkol sa kondisyon nito. Tahimik na nakikinig lang kami ni Leo. "Ilang buwan ka ng hindi nireregla sa tantiya mo, Hija?" "Hindi ko po sigurado, Dra... noon pa po kasi ay irregular na ang menstruation ko." "Nakapagpatingin ka na ba sa tungkol riyan?" Marahang tumango si Judith. "Yes, hormonal imbalance ang reason. Nag-pills po ako for two years. Naging okay rin ang menstruation ko that time. Kaso nagkaroon po ng side effect. Palagi ko pong na-fe-feel na bloated ako. And sometimes I have cramps kaya nag-stop po ako." Patango-tangong nagsulat ang doctor sa chart. "And you suspect that you're pregnant?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD