Lumapit at huminto ako sa harapan ni Fatima. Tinaas niya ang noo at sinalubong ang aking tingin. The way she stared at me, she looks like she's ready for a fight. "How could you do that to Judith?" Tanong kong pinagkrus ang aking mga braso sa dibdib. "Do what?" Maang-maangan pa niya. Tumaas ang sulok ng labi ko. "Kitang-kitang ko nang iharang mo ang paa mo at tisurin si Judith." "Nakita mo naman pala, bakit hindi mo siya pinigilan? So, meaning hinayaan mo si Judith na matisod. Anong klase kang kaibigan, Rain?" Naiiling na sabi ni Fatima. The audacity of her to accused me of what she did? Parang ako pa ang may gawa at kasalanan samantalang siya itong tumisod kay Judith. Nanginig ako sa galit. Hindi ko alam kung saan nang-gagaling ang kakapalan ng mukha niya. Hindi ako makapaniwala

