Episode 7

3070 Words
****JM pov**** kinabukasan ay nag down ako kay ate tina.. para makuha ang kwarto, kinausap din ako ng mga ito na kay ate ayiee na lang omorder ng pagkain. sobrang pabor sa akin ang mga nangyayari, hindi mahirap pakisamahan ang pamilya ng may ari ng aking inupahan, mga simpleng tao lang pero tunay na tao ang masasabi ko, makulit din ang mga ito dahil sa kapatid nila na gustong gusto nilang makilala ko. bago ko lipatan ang kwarto ay nagpagawa ako ng papag kay tatay boy, ito ay tulong ko na lamang sa matanda tingin ko naman na maayos itong gumawa inabutan ko ito ng pera at sabi ko ay mag sabi lamang siya kung kukulangin pa, sobra ang pasasalamat ng matanda ngunit nakiusap na hindi mapagsasabay ang mga pinagagawa ko wala naman iyong kaso sa akin, nakilala ko na ang mga kapitan na nag tuturo at trainor ng kumpanya, nagrereport din ako kay uncle, sa ilang araw ko sa ahensya ay nataniman ko na ng palihim ang buong gusali ng spy camera.. kaya madali na lamang sa akin na mag obserba. dumaan ang ilan pang araw ay lumipat na ako sa inupahan ko araw iyon ng sabado napaka gaan ng aking pakiramdam noon, maaga pa nga akong pumasok at muli ay pinaalalahanan ako ng magkapatid na darating ang kanilang bunso alas singko y medya na ng matapos ko ang pinagawa na projector ni Mr.Rivera hindi na ako nahintay ng aking mga kasamahan at nagbilin na umuwi na daw ang mga ito sabi ni ate tina "Umuwi na sila eva, nga pala ang kapatid ko ay nasa plaza lang at naglibot iginala ang mga pamangkin ko at ang aking kapatid.. babalik na din iyon. " "sige po ate tina, papanik lang po muna ako.." pag akyat ko sa aking kwarto ay binuksan ko ang isang cellphone ko na nakatago sa ilalim ng aking kama, "hello uncle.. " "Yes JM?" "Nakalipat na ako dto ngayon dito sa inupahan kong kwarto malapit sa ahensya wala pa akong napapansin na kakaiba dito pero nataniman ko na ng spy camera ang gusali, "Ok.. basta time to time mag report ka lang sa akin kung ano na ang progress sa iyong misyon.." wika ni uncle sa kabilang linya "Yes uncle.. tatawag na lang ako ulit.." naputol na ang linya at kumuha ako ng damit bumaba ako para maligo, matapos maligo ay humarap ako sa salamin na gulo gulo pa ang buhok nag wisik ako ng paborito kong pabango na iniregalo sa akin ng aking mama, natatandaan ko ang sinabi niya sa akin na sa amoy kong ito makikilala ko ang aking mapapangasawa, napangiti na lamang ako at bumaba, ng narinig ko ang ingay na nagmumula sa labas, "dumating na siguro sila" bulong ko sa sarili, para matapos na ang pangungulit sa akin ng magkapatid ay lumabas na ako, natigilan ako at hindi makagalaw, hindi ko maikurap ang mga mata ko ng mga sandaling iyon ng makita ko ang babae na sinasabi nila ate tina at ate ayiee na kapatid nila, muling nanumbalik ang nangyari sa hotel, parang gusto kong takbuhin ang pagitan namin at yakapin siya, ganito ang epekto ng babae sa akin "IKAW!!!!" mataas na boses na sambit sa akin ng babae na katabi nito, ito yung babae na lumapit ng kalong ko ang babae at kasama niya noon sa hotel, hindi ako nakapag salita, nabigla pa din ako sa mga nangyayari naglipat lipat lamang ang tingin ko sa dalawang dalaga.. "Kilala mo siya?" narinig kong wika ng babae parang musika sa aking pandinig ang malamyos niyang boses.. bumilis ang pagtibok ng puso ko ni hindi ko maigalaw ang katawan ko, ang sarap panoorin ng babaeng ito na nasa harapan ko, "Gaga!! siya yung sumalo sayo noon nahimatay ka..!!" "WHHAAATTT??!!!" gulat na usal ng babaeng nasa kandungan ko noong nasa hotel kami, dahan dahan napatingin sa akin ang magandang babae na sa kabila ng pagkagulat nito ay bakas na bakas ang natatangi nitong kagandahan na nagpapalambot sa aking pusong bato.. mataman ko siyang tinitigan kulang na lang ay hablutin ko ang babae at yakapin ito, ngunit pinigilan ko ang aking sarili. ano kayang tumatakbo sa isip niya gulat na gulat kasi ang babae ng makita ako, "Nahimatay?? teka nga't magkakilala ba kayo abby?" kunot noo na tanong ni ate ayiee na lumabas ng tindahan kasunod si ate tina na nagtatakang nagtatanong "So hindi nila alam ang nangyari sa kapatid nila? Hindi nila.alam ang ginagawa ng kapatid nila na may kasamang matanda?" sa loob loob ko at napaangat ako ng kilay "Long story mga ate, si mae na lang ang bahala na magkwento sa inyo diba mae.." "Ahh.. O-oo ate. ikekwento ko na lang sa inyo.." lumapit ang babaeng kaibigan nito sa akin, ngunit ang atensyon ko ay nasa iisang babae lamang napakadami kong gustong alamin at itanong sino ung matanda anong nangyari sa kanya ok na ba siya nagpupunta pa ba siya sa hotel? at kung ano ano pa. lito ang isip ko ng mga sandaling iyon, hindi pa ako nkakaahon sa pagkabigla ko, ng magsalita ang kaibigan nito.. "Hoyy!!! kuya!!! ikaw yon.. diba??? tama ako naaalala mo ba kami.. yung hinimatay yang kaibigan ko sa montecillo hotel." tumingin ako dito at ngumiti, "Ah hinding hindi ko makakalimutan yon " pagkuwa'y wika ko at tumingin sa babaeng nagpapabilis ng t***k ng puso ko, inilapit sa akin nila ate ayiee at ate tina ang babae at pinakilala.. " ito nga pala ang kapatid namin si mae at ang matalik niyang kaibigan si abby.. Mae, abby, si JM ang bago nating border.." wika ni ate tina.. kumaway si abby sa akin at nakipag kamay matapos ay iniabot ko ang aking kamay sa babaeng nakayuko "ang cute cute naman nito.. ang sarap yakapin.." wika ko sa aking isip, iniangat nito ang kanyang mukha at nagtama ang aming mga mata.. at ng tinanggap niya ang aking mga palad ay kakaiba ang pakiramdam ng magabot ang aming mga kamay sa isat isa, maraming babae na akong nakilala at naikama.. pero bakit ganito, ibang iba siya.. bakit para akong nakukuryente sa init ng palad ng babae.. parang gusto ko na lamang na ikulong siya sa bisig ko at alagaan .. titigan, hinding hindi nakakasawa ang kanyang mukha ayaw kong matapos ang masarap na pakiramdam na iyon.. ayaw kong bitawan ang kamay, "Oh siya!! uuwi na ako mae, ate ayiee ate tina.." wika ni abby doon ay parehas pa kaming nagulat at napabitaw sa isa't isa.. mapanuksong mga tingin at ngiti ang nababalot sa mga taong kasama namin na nasa paligid "Bakit uuwi ka na?" wika ni ate ayiee " nakauwi na kasi sila dad nasa airport na sila at pinapauwi na ako ate," wika ni abby. "Eh kung sumabay na ako sayo abby.." narinig kong wika ni Mae, "Teka.. huwag.." tutol ng puso ko.. bakit uuwi na siya may magagalit ba? sino? may nagmamayari na ba sa kanya..?" may parte ng puso ko na nalungkot at pinakatitigan ang maamong mukha ng babae. "Bakit? akala ko ba dito ka na maghahapunan?" "Bakit ka uuwi agad. dito ka na maghapunan.. .. wika naman ni ate ayiee. "Oo nga at mag ke kwento ka pa sa amin ano yung sinasabi ni abby na nahimatay ka..?" napapikit na lamang ako at napahawak sa aking sentido "Kuya JM! uuwi na ako huh? ingatan mo ang kaibigan ko ha?" wika ni abby napatingin ako dito at kumaway, "ahh sige magiingat ka" lihim akong napangiti dahil sa alam kong makakasama ko pa ng ilang sandali si mae, madami akong gustong alamin at itanong ngunit paano ko sisimulan ang lahat ng hindi ako nahahalata.. "uuwi na ako para hindi na ako makaistorbo babye friendship.." wika ni abby at tumalikod na ito "sandali lamang ha at isasara na muna namin itong tindahan " paalam ng nila ate tina, sumunod siya sa kanyang mga kapatid ngunit hinarang ito ni ate ayiee at ang sabi ay hintayin na lamang sila doon sa transient. "tara pasok ka.. " paganyaya ko sa kanya.. "Sige.." pagpasok namin ay inalalayan ko siya at pinaghatak ng upuan. napangiti ako na nakatingin at pinagmamasdan lamang ang bawat galaw niya ng mapansin ko ang suot niyang uniform, biglang pumasok sa isip ko ang pinsan na si art na kasalukuyang direktor ng unibersidad na iyon na itinaguyod ng kanilang mga ninuno noon pa.. tama napakaliit ng mundo, sa eskwelahan na pagmamayari ng angkan niya nagaaral ang dalagang nagpapalukso ng puso niya ngayon "Sa Imperial College of Montecillo University ka pala nag aaral.." paninimula ko ng aming usapan. "Paano mo nalaman..?" "Sa uniform nyo.. " wika ko, bagay na bagay sa kanya ang uniporme na suot suot niya.. "Ahhh Oo, " matipid nitong sagot. "anong year mo na.. " "3rd year pa lang.." "maganda yang school na pinapasukan mo.." tumingin siya sa akin at matamis na ngumiti pakiramdam ko ay nalulunod ako.. ang sarap niya talagang panoorin kahit wala siyang ginagawa.. tulad noong naagaw niya ang atensyon ko nang nakita ko siya sa entrada ng restaurant, pagpasok niya pa lamang ay hindi ko na mapigilan na hindi pagmasdan ang mala anghel na mukha niya lalo pa ngayon na ang lapit lapit niya sa akin "Kamusta ka na nga pala?" napansin kong nilibot niya ng paningin ang mukha ko dahil titig n titig ako sa kanyang mga mata.. "Ok naman ako.." matipid na wika nito "Ano ba ang nangyari sa iyo sa Hotel?" paninimula ko "Huh.. ah, ehh kasi..." sabik ako na mapakinggan ang kwento niya ng sabay kaming mapatingin sa pintuan andoon kasi ang mga kapatid niya at nakikinig sa kanila.. natawa na din ako at pinagmasdan ang babae na sinasaway at pinapapasok ang mga kapatid, grabe.. kakaiba talaga ang mahika ng babaeng kaharap niya, nagpatuloy kami sa paguusap at nakinig ako sa bawat sasabihin niya.. pinagmasdan kong maigi ang kanyang kilos, bawat pagbuka ng kanyang bibig, bawat pag ngiti at hawi ng buhok, bawat kumapas ng kamay nito habang nag kukwento ng nangyari, tila ba slowmotion akong nanonood sa kanya, kung nakakatunaw lang ang titig baka natunaw na ang babaeng kaharap niya, sobra sobra ang kaligayahan na nadama ko ng malaman ko na magulang ni abby ang kasama nila sa ospital, nainis ako sa sarili ko sa pagiging judgemental ko, ang pagiisip ko ng masama ay lihim kong pinagsisihan, nagkayayaan kaming maghapunan na.. at hindi ko malaman sa sarili kung bakit tuwang tuwa akong pagsilbihan si mae, pinaghain at bnigyan ng tubig at sa lahat ng bagay ay nakaalalay ako sa kanya.. ng mga oras na iyon ay gusto ko lamang siyang pag silbihan katulong ang dalawa niyang kapatid ay lalong lumakas ang aking loob, ngunit nalungkot lamang ako ng marinig ko na gusto na niyang umuwi, bkit? gusto ko pa siyang kasama gusto ko pang mag kwento ng kung ano anong bagay sa kanya.. gusto ko pa siyang alalayan panoorin at pagmasdan ang bawat ngiti niya na nakakapagpalunod sa puso ko,. gusto ko pa siyang makilala.. sobrang bilis ng oras para sa amin.. kung alam ko lang na siya ang tinutukoy nila ate tina at ate ayiee.. baka noong lunes pa lang ay pinuntahan ko na siya baka ako pa mismo ang mangulit para magpunta siya.. baka sinundo ko pa siya.. "Hijo, Ok lang ba sa iyo na ihatid ang bunso namin.. nakakahiya naman ako na lamang .." wika ni tatay boy ng pumatak na ang las nuwebe na napagkasunduan nilang uuwi ang dalaga, napaka bilis ng oras.. kulang na kulang ang mga sandali na kasama at kausap ko siya. "Naku ikaw pang maghahatid sa kanto nga lang hinihika ka na"wika naman ni ate tina.. "ang mabuti pa ay, akyatin mo na lamang sila CJ at AJ pa, magpahinga ka na din kami ng bahala kay mae." wika ni ayiee. "Hindi nyo naman ako kailangan pang ihatid.. kaya ko naman na" wika ni Mae, "Hindi pwede anak.. gabi na mabuti ng nagiingat tayo andito naman si JM na nagmamagandang loob na ihatid ka. " "pero pa, Ok lang talaga akong umuwi, at saka marami pa naman tao sa daan," "gabi na ihahatid kita" matigas kong wika at nauna na sa paglabas, bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako.. bakit may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan? o baka may manliligaw siya at ayaw niyang makita na ihahatid ko siya sukat doon ay sumama ang timpla ng aking mukha. ****Mae,**** Nagulat ako sa reaksyon niya na seryoso ng sabihin na ihahatid niya ako sa dorm, nahiwagaan man ako sa kanyang ekspresyon ay sinantabi ko na lamang nagpaalam ako sa mga kapatid ko at kay papa nagsabi ako sa mga ito na sa susunod na sabado na lamang ako ulit babalik. tahimik kaming naglalakad ni JM at parehas na nagpapakiramdaman.. nainis ba siya dahil ayaw kong magpahatid? bakit naman? nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng hawakan niya ako sa braso at inalalayan na itabi sa gilid ng daan dahil sa mga sasakyan na nagdadaanan.. labis akong nagulat at parang napaso pero hinayaan ko lamang ang pagkakahawak niyang iyon "isang beses ka lang ba sa isang linggo magpunta kina ate?" wika nito tinanggal nito ang pagkakahawak sa siko ko "Ahhh, Oo e, busy kasi ako msyado sa pag aaral.. at pag tatrabaho.." "Ano bang trabaho mo?" "Student assistant ako sa library, at nag ba buy en sell ako.. twing linggo ay nagpupunta ako sa divisoria don ay kung ano ano ang binibili kong RTW para maibenta sa mga kakilala at kaklase ko, tapos tumatanggap din ako ng thesis at project na hindi kayang gawin ng mga klasmate ko.." "Wow.. ang sipag mo naman pala nakakabilib" "Kailangan e, kailangan kasi ako ng pamilya ko.." "Wala ka pa ba talagang boyfriend o naging boyfriend?" huminto kami sandali sa paglalakad at napalingon ako dito at mataman siyang tiningnan.. "wala pa bakit?.. " diretsyo sa matang sagot ko sa kanya "wala lang ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo, ang swerte ng mapapang asawa mo.." natigilan ako sa sinabi niya.. wala pa talaga sa isip ko ang mga ganoon bagay pero ang taksil kong puso ang nagsasabi na kung si JM man un ay handa ako.. "huh? paano mo naman nasabi yan?" kinakabahan man sa aming usapan ay pinilit kong makapagsalita ng hindi nauutal "Hindi naman ako bulag, nakita ko kanina kung paano mo alagaan at suportahan ang pamilya mo.. at nag kukwento naman sa akin ang mga kapatid mo e, " "pamilya ko sila, kaya lahat gagawin ko para sa kanila. " "Kaya nga ang swerte nila e, hmm. ang sarap mo sigurong maglaga no? at masarap din magmahal.. .." "ha.. ah e, bkit naghahanap ka ba ng mag aalaga sayo?" "Hindi.. naghahanap ako ng Mamahalin.. " wika nito.. napatingin ako dito at nag tamang muli ang aming mata.. ngumiti na lamang ako nakakapaso ang mga tingin niya na hindi ko kayang salubungin kaya't nagiwas ako ng tingin. " tara na .. " aya ko dito at nagpatuloy kami maglakad.. pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko, bakit ganito ako sa lalaking ito.. siya lang ang tanging lalaki na nakapagpalakas ng kabog ng aking dibdib madami naman ang lalaki na lumalapit sa akin. ngunit iba ang presensya ni JM may binuhay siya sa aking pagkatao na kahit ako ay hindi ko maintidihan. Nasa tapat ng kami ng dorm noon nagpasalamat ako sa kanya at akmang tatalikod na ng hinawakan niya ang aking braso.. "Teka mae sandali.. " wika nito "Huh? bakit JM?" "Ah.. ano kasi e, ahmm. pwede ko bang makuha ang cellphone number mo? or i aadd kita sa social media" "Madalang lang akong mag social media, at saka ito lang ang cellphone ko oh.. " inilabas ko ang cellphone ko na de keypad at pinakita sa lalaki, akala ko ay pagtatawanan niya ako.. sa maraming pagkakataon twing ipapakita ko sa ibang tao ang mumurahin kong cellphone ay tatawanan ako o di kaya ay iinsultuhin ng tingin ng ngiti ng bulong.. ngunit ipinag kikibit ko na lamang iyon ng balikat. ngunit si JM ay iba.. malamlam ang kanyang mata, na nakatingin sa akin.. ngumiti siya ng ubod na tamis at nagpalitan kami ng numero "Pupunta ka ba bukas sa Divisoria?" wika nito "0-oo .. bakit?" "Anong Oras ka nagpupunta doon?" "Maaga e, para makaiwas ako sa dami ng Tao na nagpupunta doon, nag dedeliver pa kasi ako sa gabi" wika ko "Ok sige, pasok ka na.. Goodnight.." wika nito.. "Goodnight.." pagpasok ko ng kwarto ay hindi ko maipaliwanag ang nadaram ko.. para akong lumulutang sa alapaap ng mga oras na iyon ni hindi mawala ang mga ngiti ko sa aking labi ng biglang tumunog ang cellphone ko isang text message pala nanggaling sa lalaking umuukupa nag aking isipan kanina pa at binasa ko ito >Hi beautiful, Thankyou for this day, i just want you to know, u made my day napapikit ako at niyakap ang aking Cellphone, humiga at nagpagulong gulong ako sa aking kama habang impit din ang tili ko at nagpapadyak sa hangin, umayos ako ng upo at ng akmang rereplyan ko na si JM ngunit ayaw mag send, napasimangot ako ng pag check ko ng balance ay wala na pala akong load.. "Badtrip naman.." isip isip ko.. ilang beses ko pa munang binasa ang text message.. at bago bumangon para mag ayos at maglinis ng katawan noon ay pumasok si lhea "Ginabi ka na yata day.." wika ni lhea sa akin.. "Oo galing ako sa concepcion sa mga kapatid ko.." wika ko dito. "kaya pala mukha kang masaya.." wika ni lhea.. ngumiti na lamang ako at nag tuloy na sa banyo, hindi na ako nag jwento pa sa aking kasama at tiyak na kukulitin lamang ako nito, "Kanina pa nag riring yang cellphone mo" wika ni lhea pag pasok ko sa aming kuwarto naisip ko naman si abby at baka makikibalita lamang.. hindi ko muna ito tiningnan at nagpatuyo ako ng buhok "Baka si abby iyan.." wika ko.. maya maya pa ay, naring ulit.. napaayos ako ng upo ng mabasa ko kung sino ang naka rehistro sa telepono si JM. hindi ko akalain natatawag siya sa akin. Mabilis na lumabas ako ng kwarto para hindi marinig ni Lhea patakbong bumaba at lumabas ng bahay at sa maliit na garden ako ng dorm dinala ng aking mga paa. "Yes? JM.. bakit.." pigil ang pag hingal ko ng sagutin ang telepono.. "Sorry, natutulog ka na ba? hindi ka kasi sumasagot sa mga text ko" may kalakip na pag aalala ng nasa kabilang linya napapikit ako at muli nanamang kumabog ang aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD