Episode 6

3426 Words
"Cge po ate.. baba po ako sandali jan.." wika ko dito narinig ko pang napatili ang mga babae sa kabilang linya. nasa hallway na ako papasok ng elevator ng masalubong ko ang secretary ni kapitan na si sir ralph may kasama itong isang instructor na nakilala ko na din sa ilang araw ko na bilang empleyado ng kumpanya. "JM.. buti, at nasalubong ka namin .." "ahh bakit po sir..?" "Ahm.. kung wala kang ginagawa ay pwede bang paki tulungan naman si Mr. Rivera.. baka pwede mo naman na matingnan ang projector na ginagamit niya sa pagtuturo" wika ni sir ralph. "ahh wala pong problema, nasaan po ba at titingnan ko na po.." "ayun naman pala kap. rivera. si JM na po ang bahala sa yo.." "Salamat sir Ralph. " wika naman ni Mr.Rivera. humiwalay na sa amin si sir ralph at sumakay ng elevator nagtungo na kami sa kwarto ng instructor para matingnan ko ang projector na sinasabi nito. habang naglalakad kami papunta sa kwarto kung saan nagtuturo si Mr. rivera ay nagtipa ako sa aking cellphone at nagpadala ng mensahe kay ate tina na hindi na muna ako makakababa dahil sa may kailangan akong ayusin. ****Mae Masayang masaya ang dalawa kong pamangkin dahil sa pasalubong ko sa kanilang icecream ng araw na iyon. kasama ko si abby noon, kakilala na ng pamilya ko si abby at napalapit na din ang kalooban ng mga ito dito "Kumain na kayo ate tina.." wika ko kay ate tina at nakangiting sumenyas lamang ito na sandali lang at may kausap sa cellphone "Alam mo ba abby, may papakilala kami sa inyo mamaya, sobrang gwapo.. parang modelo o artista " wika ni ate ayieee "At san nyo naman po un nakilala ate ayiee" si abby "eh, nagtatrabaho jaan sa loob ng kumpanya.." wika ni ate tina na nakalapit na pala sa amin at tapos ng makipagusap. "eh anong oras naman un lalabas ate?" "ang sabi niya ay bababa na siya" natatawa na lamang ako ilang araw na din ako kinukulit nila ate ayiee at ate tina na ipapakilala nila ako sa lalaki na magiging border nila pumayag na din ito na kay ate ayiee na lamang oorder ng pagkain para hindi na niya kailangan pang bumili o magluto. maya maya pa ay nagsalita si ate tina na hindi muna makakalabas ang lalaki dahil may pinagawa daw ang boss nito. "Hayaan mo na ate tina.. nagtatrabaho ung tao" wika ko dito maya maya pa ay lumabas na ang mga estudyante na nag tetraining pumasok ako sa loob ng tindahan at tumulong kina ate tina na mag benta, si abby ay pinapasok ko na muna sa paupahan ni ate tina dahil wala naman tao doon "Ang ganda naman ng bago mong tindera ate tina.." wika ng isa sa nag tetraining" "Oo nga ipakilala mo naman kami jan " "kaano ano mo siya ate.." "mapapadalas na ang tambay ko lalo dito ate tina.." "Ahh si mae nga pala.. ito ang kapatid ko nag aaral pa yan kaya huwag ninying aswangin." wika ni ate tina sa mga lalaki na bumibili napangiti na lamang ako sa mga ito madami pa akong nadinig na papuri at mga pahapyaw mga nagpaparinig at nagpapakita ng interes sa akin subalit ngiti lang ang binalik ko sa kanila wala sa isip ko ang mga bagay na pwedeng makasagabal sa pag aaral ko sa ngayon. ng mag ring ang bell hudyat na babalik na ang mga estydyante ay ang grupo naman nila ate eva ang dumating at nag meryenda.. "Hi baby, anjan ka pala.." wika ni jeff sa akin nginitian ko ito at tumango dito sanay na din ako sa tawag nito sa akin noong maglakas loob itong manligaw ay sinabihan ko na agad siya na ang priority ko sa ngayon ay pag aaral lamang at paano kumita ng pera, naintindihan naman nito ang sitwasyon ko at hindi naman na nangulit pa kaya naman naging magkaibigan na lamang kami. "nasaan na si JM?" tanong ni ate tina "Nako, baka matagalan un, baka mag o.t ginagawa yung projector ni sir rivera," wika ni grace "kaya pala hindi siya nakababa.. ipapakilala ko pa naman itong kapatid ko.." wika ni ate tina. napangiti na lamang ako at nagpaalam ako kay ate tina na pupuntahan si abby "Ok ka lang dito?!" bungad ko kay abby pagpasok ko sa trancient ni ate tina "Oo naman, hwag mo akong alalahanin dito," wika ni abby habang nakayuko at naglalaro pala sa cellphone nito. "Anak.." wika ni papa na nasa likuran ko pala, napalingon ako at agad na niyakap at nag mano sa matanda. "Pa!.. anjan ka na pala nag meryenda ka naba?" "Ok lang ako anak.. busog pa ako. " "hinihingal ka daw huh?! sabi ni ate ayiee" "ate ayiee mo talaga.. hindi naman nag sideline lang ako kasi may nagpagawa sa akin ng papag, malaki din ang kikitain ko anak.." masayang wika ng aking papa "Kaya lang baka hingalin ka naman" "Hindi ko naman sinasagad ang sarili ko anak.. mabait naman yung bagong border na nagpagawa, alam niya na may hika ako at huwag ko daw pwersahin ang aking sarili, siya pa nga ang nagaalala dahil may na encounter daw siya na ganyan at sobra ang pagaalala niya" "yun ba ung gusto ipakilala sa akin nila ate ? "aba'y siya nga anak..magaan ang pakiramdam ko sa kanya at mabait at magalang ha?" napangiti na lamang ako at mukhang lahat sila ay nakagaanan ng loob ang border na iyon, akalain mong bibihira lamang ang aking ama na magtiwala, pero agad niyang nagustuhan ang pagkatao ng misteryosong tao na iyon nag aya ang mga bata sa grocery tulad ng dati ay ipinamili niya ang kanyang pamilya.. nilibot niya din ito sa plaza at binilhan ng iilang gamit at laruan, maging si abby ay nalibang at inilibre kami ng kung ano ano, sobrang saya nanaman ng puso niya ng makita na labis labis ang saya ng kanyang mga pamangkin at ng kapatid. masyado kaming nalibang sa pagiikot sa plaza at hindi na namalayan na madilim na nagyaya na din si abby na umuwi sa bahay nila ate dahil naghihintay si mang domeng nakatanggap siya ng tawag mula sa mga magulang na nasa airport na ang mga ito pauwi sa kanilang mansyon. pagdating sa tindahan ay naamoy ko ang pabango ng lalaki na naamoy ko noon nandun kami sa hotel, nagpalinga linga ako ngunit kami kami lang ang nandoon. nila ate tina at ate ayiee sila abby at mga bata at mang domeng lumakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ako nagkakamaling ito iyong pabango ng lalaking nasa hotel, ng biglang may lumabas na lalaki sa pintuan ng pinapaupahan ni ate tina bagong paligo ito dahil sinusuklay nito ng kamay ang buhok, napatingin ito sa amin at nagtama ang aming mga mata. "Oh my god..!!" sigaw ng isip ko, hindi ko malaman kung anong nangyari, parang tila tumigil ng ilang segundo ang pagikot ng mundo "IKAW!!!!" mataas na boses ni abby na nakatingin din sa lalaki. ang lalaki naman ay nabigla din natitigilan ito sandali at nagpapalit ng tingin sa amin ni abby.. napalingon ako sa kaibigan at kunot noo na nagtanong.. "Kilala mo siya?" "Gaga!! siya yung sumalo sayo noon nahimatay ka..!!" "WHHAAATTT??!!!" dahan dahan akong napatingin sa lalaki at parang nag slowmotion ang lahat.. "totoo ba ito?!" bulong ng puso niya, hindi niya maunawaan ang nangyayari. ang lakas ng kabog ng dibdib niya parang nawala ang lahat ng nasa paligid nila ng mga oras na iyon ang tanging nakikita niya ay ang napaka perpektong lalaking nasa harapan niya ng mga oras na iyon totoo nga ang sabi ng mga kapatid, napaka gwapo nito.. siya ba talaga ang sumalo noon nawalan siya ng malay? ang pamilyar na pabango nito ang isa sa katunayan na siya nga siya nga iyon.. "Nahimatay?? teka nga't magkakilala ba kayo abby?" kunot noo na tanong ni ate ayiee na lumabas ng tindahan kasunod si ate tina na nagtatakang nagtatanong.. "Long story mga ate, si mae na lang ang bahala na magkwento sa inyo diba mae.." at siniko ako ni abby na nagpabalik sa akin sa ulirat.. "Ahh.. O-oo ate. ikekwento ko na lang sa inyo.." lumapit si abby sa lalaki na noon ay malamlam ang mata na nakatingin sa akin at ng magtama ang aming mga mata ay naramdaman ko na naginit ang aking mga pisnge "Hoyy!!! kuya!!! ikaw yon.. diba??? tama ako naaalala mo ba kami.. yung hinimatay yang kaibigan ko sa montecillo hotel." wika ni abby tumingin dito ang lalaki at ngumiti "Ah hinding hindi ko makakalimutan yon " pagkuwa'y wika nito at tumingin sa akin ng marinig ko ang boses niya ay parang may kumikiliti sa aking puso, pati ang boses nito ay ang gwapo inilapit ako nila ate ayiiee at ate tina sa lalaki at ipinakilala.. " ito nga pala ang kapatid namin si mae at ang matalik niyang kaibigan si abby.. Mae, abby, si JM ang bago nating border.." wika ni ate tina.. kumaway si abby dito at nakipag kamay sa lalaki napayuko ako at hindi malaman ang gagawin siniko ako ng aking kapatid na si ayiee at nginuso ang lalaki na nasa harapan namin.. napatingin naman ako dito at nakita kong inabot nito ang kanyang kamay hindi ko malaman ang aking gagawin ng mga oras na iyon nagising ang mga kalamnan ko sa pagtama pa lang ng mga mata namin tinanggap ko ang kanyang kamay ang init ng palad niya ay pumipisil sa aking kamay, naramdaman kong muli ang kuryente na dumadaloy mula sa aming balat at kalamnan, napaka pamilyar na pakiramdam, ito yung pakiramdam ko noon habang ako'y nasa kandungan niya at nilalamon ng kadiliman, nagkatinginan kami ng mata sa mata ilang sandali kaming natigilan at walang balak ang aming mga kamay na bumitaw sa isa't isa. "Oh siya!! uuwi na ako mae, ate ayiee ate tina.." wika ni abby at mapanuksong nakangiti sa amin ni JM.. doon ay nagbitaw na kami ng kamay at nagiwas na lamang ako ng tingin pakiramdam ko ay uminit ang kapaligiran ramdam ko pa din ang pagkakatitig niya sa akin "Bakit uuwi ka na?" wika ni ate ayiee " nakauwi na kasi sila dad nasa airport na sila at pinapauwi na ako ate," wika ni abby. "Eh kung sumabay na ako sayo abby.." natataranta kong sabi "Bakit? akala ko ba dito ka na maghahapunan?" "Bakit ka uuwi agad. dito ka na maghapunan.. .. wika naman ni ate ayiee. "Oo nga at mag ke kwento ka pa sa amin ano yung sinasabi ni abby na nahimatay ka..?" napapikit na lamang ako at napahawak sa aking sentido "Kuya JM! uuwi na ako huh? ingatan mo ang kaibigan ko ha?" wika ni abby matalim na tiningnan ko ang kaibigan. nakangiti lang ito na nginuso sa akin ang lalaki sa aking tabi alam ko na nakatingin pa din sa akin. "ahh sige magiingat ka" narinig kong wika nito "uuwi na ako para hindi na ako makaistorbo babye friendship.." wika ni abby at tumalikod na ito ng makaalis na si abby ay nagsalitang muli si ate tina.. "sandali lamang ha at isasara na muna namin itong tindahan.. " at niyaya si ate ayiee sumunod ako sa aking mga kapatid ngunit hinarang ako ni ate ayie.. at ang sabi ay hintayin na lamang sila doon sa transient. "tara pasok ka.. " pag aya sa akin ni JM ngumiti ako dito at tumango ng magtama nanaman ang aming mga mata.. umiwas ako ng tingin at hindi ko kinakaya na makipagtitigan sa kanya parang napapaso ako sa init ng pagkakatitig niya sa akin. "Sige.." pagpasok sa maliit na bahay ay pinaghatak niya ako agad ng upuan.. hindi ko maikakaila na kinilig ako sa pagiging gentleman niya. "Sa sa Imperial College of Montecillo University ka pala nag aaral.." pagbasag nito ng katahimikan.. "Paano mo nalaman..?" "Sa uniform nyo.. " wika nito napatingin ako sa uniform na aking suot at may logo ito sa bandang may dibdib kung saan mababasa mo ang pangalan ng unibersidad. "Ahhh Oo, " matipid kong sagot. "anong year mo na.. " "3rd year pa lang.." "maganda yang school na pinapasukan mo.." napangiti na lamang ako dito, nilibot ko na lamang ang tingin ko sa kabuuan ng bahay, nakaramdam man ng ilang ay pinilit ko ang sarili kong maging pormal sa harapan ni JM.. ang lakas lakas ng kabog ng aking dibdib ng mga oras na iyon, ramdam ko din ang pa sulyap sulyap niya sa akin halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang kasama si JM sa 4 na sulok ng bahay na iyon, ni hindi pa din ako makapaniwala na siya ang lalaki na sumalo sa akin noong nakaraang linggo.. "Kamusta ka na nga pala?" pagbasag niya ng katahimikan sa pagitan namin, napatingin ako sa kanya at doon ay nabigyan ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang makapal niyang kilay, ang mga mata niyang mapang akit na malamlam na nakatingin sa akin na tila kay daming gustong sabihin, ang matangos na ilong nito at makinis na balat.. ang mga labi nitong mapula na tila ba kay sarap humalik langhap ko ang pabango nitong ilang araw ko ng pinanabikan na maamoy muli, "Ok naman ako.." matipid kong wika dito "Ano ba ang nangyari sa iyo sa Hotel?" "Huh.. ah, ehh kasi..."napalingon kaming pareho ng makarinig ng kaluskos nakita namin ang mga kapatid ko na nakayuko at pilit na nagtatago sa labas ng pintuan na akala mo'y mga chismosa at pilit na nakikinig ng patago. natatawang napailing na lang ako sa itsura ng mga kapatid ko "Ate pumasok na kaya kayo.. abvious e. " wika ko sa dalawa. " pasensya na sa istorbo.. hehe.." nag peace sign pa ang ate tina at pumasok na sa bahay.. kinuha sila ni JM ng upuan na talaga naman ikinahanga ko sa lalaki, sinimulan na akong usyosohin ng dalawa "I kwento mo nga ano ba yung sinasabi ni abby, bakit kakilala ka niya JM?"nagtatakang tanong ng ate ayiee ko. "Ahh.. kasi ate.." wika ni JM.. "At ano ung naospital ka bakit hindi mo sinasabi sa amin ha?" wika ni ate tina.. "teka.. nasaan ba yung dalawang bata.? at si papa.." awat ko sa dalawang kapatid. "pinaakyat ko na muna sila para makapag hapunan na, kasama ang lolo nila.." wika ni ate ayie.. "Oh sige huwag nyo na lang sana banggitin kay papa.. alam ko mag aalala siya" wika ko " Oh sige hindi.. " naiilang man ako sa prisensya ni JM ay nagkwento ako ng detalye sa mga nangyari noon hinimatay ako hindi ko malaman kung bakit tila may kiliti sa aking puso twing napapatingin at magtatama ang mga mata namin ng binata mataman lang itong nakikinig at nakatitig sa bawat salita ko hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa din mapakali ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog, nagigising ang bawat kalamnan ko twing nakikita ko ang tingin niya sa akin, un bang mga titig na handa kang ikulong sa bisig niya habang buhay. "Ahh daddy ni Abby iyong matandang lalaki na kasama niyo noon?" "Oo.. sumunod ang mommy ni abby noong nasa hospital na kami." wika ko naman dito lumapad ang ngiti ng lalaki bakas sa mukha niya ang sobrang saya. "ikaw ha.. may allergy ka na pala.. mana ka kay papa, bakit hindi mo man lamang sinabi sa amin.." nagaalalang wika ni ate ayiee. "Ok na ako.. ayoko na din kasi na magalala pa kayo sa akin.. alam ko naman kung ano ang magiging reaksyon ninyo.. " nakangiti kong wika dito " Oh siya sige.. mula ngayon ingatan mo na ang pagkain mo huh?!." baka may allergy ka pa sa ibang pagkain.." "sa maanghang lang, ako ng bahala sa sarili ko ate.. huwag kayong mag alala sa akin.." nakangiti kong wika sa mga ito.. Masaya kaming nagsalo salo ng hapunan, hindi ako pinakilos ni JM at siya ang naghain para sa akin pinagsandok niya ako ng kanin at ulam.. at nilagyan ng tubig ang aking baso.. nanunuksong tingin naman ang natanggap ko sa aking mga kapatid. "Ano JM!! tama ba ang sinabi ko na magugustuhan mo ireng kapatid ko?" wika ni ate tina sa kalagitnaan ng aming pagkain.. halos masamid ako sa sinabi ng aking kapatid "Sobra ate tina.. kung alam mo lang.." wika ni JM at bumaling ng tingin sa akin, ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge at napayuko na lamang ako.. hindi ko talaga matagalan ang titig niya. "Hindi ba guwapo ireng si JM ano Mae?" mapanuksong wika ukit ni ate tina.. hindi ko malaman ang isasagot ko, asiwa sa akin ang omo-o at humindi., gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko ng mga oras na iyon, ngumiti na lamang ako sa mga ito "Bakit hindi ka nag model o artista, ang gwapo mo kaya " wika ni ate ayiee kay JM. "Hindi naman ho, at saka wala naman ho akong hilig sa mga ganoon, at ayokong pagdating ng araw ay may pagselosan ang magiging asawa ko.." wika ni JM at seryosong tumingin sa akin.. ang dalawang kapatid ko naman ay nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa, "Ikuha mo nga ako ng tubig ako'y kinikilig e. " wika naman ni ate tina kay ate ayiee nagiwas na lamang ako ng tingin at wala akong maapuhap na salita at maisatinig "hindi ba ikaw JM e wala naman Girlfriend itong kapatid namin ay NBSB No boyfriend since birth.." wika ni ate ayiee kasalukuyan na kaming nagliligpit ng pinagkainan. "Ate.. ano kaba.." wika ko manghang napatingin sa akin at nagtatanong ang mga mata nito. "Talaga?" tumango lamang ako dito at kinuha ang patong patong na plato na nasa lamesa para mailagay sa lababo ng makaiwas ako kay JM ngunit maagap ang binata.. inawat niya ako at hinawakan din ang mga plato dahilan para pumatong ang mga palad niya sa aking mga kamay.. "Ako na jan..maupo ka na lang.." agap na wika ni JM sa akin, nagkatitigan kaming muli, ito nanaman ang init ng palad niya na tumutulay sa akin, milyon milyong boltahe ng kuryente nanaman ang muli kong naramdaman.. bakit ganito? sa kanya lamang ako nakakaramdam ng ganito. natigilan kami sandali at parehong nagiwas ng tingin, binitawan ko ang mga hawak kong plato at naupo sa isang tabi.. "Shet! kailangan ko ng umuwi.. masyado na akong obvious." wika ko sa aking sarili.. tiningnan ko ang orasan na nasa aking pulso. seven thirty na pala ng gabi. may mga kailangan pa akong tapusin.. ngunit bakit pakiramdam ko gusto ko manatili dito kina ate. napapikit ako at napailing.. hindi pwede, nawawala ako sa pokus. bakit parang nahahati ngayon ang aking atensyon? pagaaral ang kailangan kong unahin hindi ang mahiwagang pakiramdam na nararamdaman ko ko ngayon.. inayos ko ang aking mga gamit, at kinuha ko ang aking wallet. iniabot ko sa aking kapatid ang allowance nila para sa susunod na linggo. "Ate, kailangan ko ng umuwi.. " wika ko sa aking kapatid "ha? e mag kwe-kwentuhan pa tayo nila JM.."wika ni ate tina napatingin ako sa lalaki at hindi ko malaman kung bakit lungkot ang nababakas ko sa mukha nito? naglakad siya papunta sa likod ko at ng simple kong tingnan ay nagpupunas ito ng lamesa ngunit bakas pa din ang pag simangot. "Hhaa.. ehh kasi ate ,may mga kailangan pa akong tapusin, " wika ko sa aking kapatid.. "Sige na bunso kahit hanggang 9 lang?" wika naman ni ate ayiee "mamya kana muna umuwi, ihahatid na lang kita.." wika ng lalaki na nasa likuran ko.. tumayo ang aking mga balahibo ihahatid niya ako? "Ayun naman pala oh. ihahatid ka! sige na bunso eh malapit lang din naman ang dorm mo dito. " wika naman ni ate tina.. "Eh kasi.. " "Ako na lamang ang maghahatid sa iyo mamaya.." hinihingal na wika ng aking ama mula sa pintuan. "Pa!" nanlaki ang aking mga mata at lumapit sa ama. "Pagbigyan mo na kami na makasama ka kahit ilang oras man lamang, kung isubsob mo ang sarili mo sa pag aaral at pag tatrabaho ay ganon na lamang e.." wika nito na humihingal "papa naman.. sige na mag stay na ako.. huwag mo na akong ihatid hinihingal ka na nga e.. may gamot ka pa ba?" inalalayan ko ang aking ama para makaupo. "mayroon pa naman ako anak. at saka huwag mo na akong bigyan.. binayaran ako ni JM sa ginawa kong papag para sa kanya.." wika ng aking ama nilingon ko ang lalaki at matamis akong ngumiti dito, "Thankyou.. " wika ko. ngumiti din ito "Wala yon.. para kay tatay.." at kumindat sa akin. nagiwas ako ng tingin at bumaling sa aking ama.. hindi ko alam pero pakiramdam kong sobrang pula na ng aking mukha dahil sa pag kindat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD