***pacenxia na kayo guys kung may mga typo ako minsan kasi sumasakit na ang kamay ko at ang ulo .. sorry po. ito na ang episode 5..***
nagbigayan na lamang kami ng cellphone number ni ate tina para kung may katanungan man ako tungkol sa uupahan ko na kwarto ay agad ko silang ma kokontact. . bumalik na kami sa opisina at doon namin nadatnan si claire na nakaupo sa harap ng kanyang lamesa at nag titipa sa computer nito.
"Kanina ka pa namin hinahanap.. saan ka ba nagpunta bat hindi ka sumabay sa amin?" wika ni ate eva..
"pasensiya na ate eva.. ka videocall ko kasi ang tiyahin ko na nasa dubai, sorry hindi na ako nakasabay, bumalik na lang ako ng maaga at hindi na lumabas pa, tinapos ko na lang itong mga encode ko" paliwanag ni claire.
"Kumain ka na ba?" tanong ni ronnel dito
"Oo ronnel, tapos na.." wika ni claire
pinapakiramdaman ko lamang ang mga nasa paligid ko ngunit may iba akong kutob.. kailangan talaga na talasan ko pa lalo ang aking pakiramdam. natapos ang isang buong araw na nakayuko ako sa computer.. medyo, nakakangalay kaya napahawak ako sa batok ko at tumingala..
"Ano tol.. kaya pa?" tanong ni jeff na tinapik ang aking balikat inaayos nito ang kanyang backpack at naghahanda ng umuwi.
"Kayang kaya naman nangalay lang hehe" wika ko.. sabay sabay na kaming lumabas ng gusali at dumaan muna kay ate tina may mangilan ngilan na nakatambay doon na mga nag estudyante na nag tetraining ang iba ay nag yoyosi habang may kausap ang iba ay umiinum ng softdrinks ang iba nagpapalipas lamang ng oras.
"bulaga sino yan!!!.." pang gugulat ni Ronnel kay ate tina na nakatalikod at may kausap sa cellphone nito.. ang kapatid naman nitong si ayiee ay nasa loob ng tindahan at natatawa habang may pinagbibilhan
"Ay dugyot.. " gulat na reaksyon ni ate tina..
"Sakit naman noon porke ba maitim ako.. " wika ni ronnel.
"sira ulo kang bata ka ako'y nagulat e.. nakita mong may kausap ako.. "
"sorry busy ka hehe.."
" si mae ito.." wika ni ate tina.. hello mae eh nandito kasi sila ronnel at ate eva mo.. kakalabas lamang nila mga pauwi na ito.."
"Mae.." bigkas niya sa isip at naalala niyang muli ang babae na hinimatay noon nakaraang linggo at napangiti ng maalala ang maamong mukha nito.
"Si baby pala yan pakausap nga ako ate tina.." wika naman ni jeff..
"hay naku jeff.. hindi ka pa nadala.. ilang beses ka nang nabasted sa kapatid namin huh?!.." wika ni ayiee..napakamot naman ng ulo si jeff
"binubuking mo naman ako ate ayiee.."
"Boy busted ikay manahimik nga at nagbabalita ako sa kapatid ko.." wika ni ate tina.. naupo lamang ako sa gilid ng tindahan kung saan ay may pahabanh upusan naguusap usap cla ronnel ate eva at iba pang mga kasamahan namin..
"Alam mo ba na may uupa na kinuha ang isang kwarto.. hayaan mo at ipapakilala kita dito.. gwapo ito.. artistahin pa, para ngang model.. at ang bango bango.." narinig kong wika ni ate tina habang kausap niya ang nasa kabilang linya.. naupo ito sa tabi ko at nakangiting tinapik tapik pa ni ate tina ang likod ko, napangiti na lamang ako sa sinabi nito
"kailan ka ba pupunta dito?
oh siya sige Oo para makita mo itong border ko, na artistahin..
kausapin mo si ayieee? .. ok sige "
at inabot ni ate tina ang cellphone sa kapatid nito na nasa loob ng tindahan at bumaling sa akin muli
"ipapakilala kita sa bunso namin ha? sobrang ganda noon bagay na bagay kayo, ay naku tyak kapag nakita mo un magugustuhan mo.. kamukha ko un, masipag sa paghahanap buhay, pati sa pagaaral..kilala na yun ng lahat ng empleyado jaan sa loob dahil nakikita nila dito ang kapatid ko kapag nagpupunta un dito.." napangiwi ako sa sinabi ni ate tina na kamukha niya ang kapatid na ipapakilala sa akin.. sa tono ng pananalita nito ay parang nilalakad niya ang kanyang kapatid sa akin at ng sinabi nito na kamukha niya ang kapatid ay pinagmasdan ko si ate tina may pahabang mukha, kayumanggi ang balat at ang mata ay may kalakihan.. si ayie naman ay mayroon histura kumpara kay ate tina..
"sige ate tina nasaan ba siya.."
" iskolar un? ang talino diba? nag dodorm siya kaya isang beses o dalawang beses lamang sa isang linggo nagpupunta dito un.. busy kasi sa paghahanap buhay at pag aaral .."
"ahh san nga pala siya nag aaral?" tanong ko kay ate tina..
"Ahh jan lang sa... " naputol ang sasabihin ni ate tina dahil naagaw ang atensyon nito ng paparating na lalaki na may edad na
"basta ipapakilala kita doon. tiyak na magugustuhan mo yun.." ang atensyon nito ay nasa papalapit na matanda.
"Lolo.." bati ng dalawang bata sa matanda..
"Anong ginawa maghapon ng makukulit kong apo?"
"Tinulungan namin si mama at tita tina magtinda.."
"aba'y mabuti ang babait ng apo ko ha.."
"hinihingal ka nanaman tyong," wika ni ate tina na may halong pagaalala
"wala ito.. ok lang ako.. " wika ng matanda, ngumiti ito napapikit sandali at unti unting nanumbalik ang normal na paghinga.
"ah nga pala si JM.. bagong empleyado jan sa training center, JM siya ang tatay nila ayie at ung kinukwento ko sayo na bunso namin na maganda.. magkakapatid kmi sa ina e.." wika ni ate tina..
"Magandang hapon po.. " nakipag kamay ako dito at tinanggap naman ng lalaki at naramdaman ko na magaan ang pakiramdam ko sa matanda
"Magandang hapon hijo.." nakangiti din na bati nito, maputi matangkad at may itsura ang lalaki.. kahit na may edad ay halata mo ang pagiging matikas at magandang lalaki ng matanda.. kung dito naman magmamana ang bunso na kapatid nila ate tina ay maniniwala siya na maganda ito.
"Tyong lilipatan niya iyang kwarto sa taas.. siya kasi ang nag ayos niyan JM.. kasi dating karpentero si kuya Boy.." wika ni ate tina..
"Maganda po ang pagkakagawa..manong boy" wika ko
"manong? pinapatanda mo ako ng lubusan tito o tatay na lang, ikaw ang unang uupa.. salamat naman at nagustuhan mo hijo.." wika nito
"Opo tay.. para malapit sa aking trabaho.."
"mabuti iyan hindi ka na babyahe taga saan ka ba?"
"Sa sanmateo rizal pa ho ako e.."
"Ay susme napakalayo mo naman pala.. mabuti na lamang at natapos na namin ito .."
"opo bukas na bukas ay mag dodown na din po ako magdadala na din ako ng ibang gamit.."
" ay tawagin mo ako ng matulungan kita ."
"nakakhiya naman po.. "
"Ok lang at wala naman akong ginagawa.. basta may ipapagawa ka jaan sa kwarto at kailangan mo ng karpintero ay tawagin mo na lamang ako.. " wika ni tatay boy.
"Salamat po tay .."
"Hay naku yan ang trabaho niya, may hika siya kaya minsan hinihingal, pero ayan pinipilit kumilos nag gagawa ng mga aparador mga cabinet.. mga patungan..kaya kapag may ipapagawa ka.. maaasahan mo si tiyong jan.. " wika naman ni ate tina..
"nahihiya din kasi ako sa anak ko na bunso bukod sa nagaaral na ay kumakayod pa.. siya ang nagaabot ng panggastos namin ng kapatid niyang si ayiee gamot ko pangkain namin at itong dalawang apo ko.. mula ng iwan ng tatay nila ay si mae na ang tumataguyod sa amin.. nakakahiya din kay tina, magkapatid lamang sila sa ina, kaya ito pinipilit ko na kumilos para makatulong sa bunso namin.. kaya lamang, minsan hinihingal ako.. pero huwag kang maniwala jan kay tina hijo.. Ok lang kahit walang bayad.. hindi ko mawari at magaan ang pakiramdam ko sa iyo e.. at alam ko naman na empleyado ka lamang din jan sa loob. " wika ni mang boy. napangiti lamang ako at napatango tango, wala naman kaso sa akin na mag abot kay mang boy.. tulong ko na din ito sa matanda lalo na at may dinaramdam pala itong sakit, hindi ko din maintindihan magaan ang loob ko sa matanda at sa pamilya nito
****Mae
"Ay dugyot.. " narinig kong hiyaw ni ate tina mula sa kabilang linya.. katatapos lamang ng huli kong klase noon hapon na iyon at may raket ako, nandito ako sa gym kung saan magkikita kami ng kaklase ko na nagpapagawa naman ng thesis sa akin
"Ano un ate tina??? anong nangyari? " tanong ko ngunit narinig ko sa kabilang linya na may kausap ang kapatid ko
"sira ulo kang bata ka ako'y nagulat e nakita mong may kausap ako"
"Sino ba yan?!"
" si mae ito.." narinig kong wika ni ate tina at kausap.
"...hello mae eh nandito kasi sila ronnel at ate eva mo.. kakalabas lamang nila mga pauwi na.." wika ng kapatid ko sa akin..
"Si baby pala yan pakausap nga ako ate tina.." narinig ko na wika ni jeff sa kabilang linya.
ang grupo pala ni ate eva at ronnel ang nandoon.. nakilala na niya ang mga ito at ilang beses na sila nagkita twing daratnan niyang nakatambay ang grupo sa tindahan ni ate tina
"ate ano nga ukit yung kinikwenti mo?.." wika ko dito sabik akong malaman ang balita sa bago niyang paupahan sabi ni ate tina kapag nagumpisa na kasi ang paupahan na itinayo niya ay hahayaan niya c ate ayie na magluto ng ulam para sa mga borders at ang kita nito ay kay ayiee na lang.
"Alam mo ba na may uupa na kinuha ang isang kwarto.. hayaan mo at ipapakilala kita dito.. gwapo ito.. artistahin pa, para ngang model.. at ang bango bango.." wika ng kapatid ko sa kabilang linya.. natigilan ako ng sinabi niya na ang bango, naalala niya ang lalaki sa restaurant, wala na yatang mas babango pa para sa kanya kundi ang lalaki na iyon..napapailing na lang ako dahil sa ang dami na din naman ipinakilala ng kapatid ko sa akin na mga nag tetraining ng pagiging seaman ngunit wala pa sa utak ko ang mag nobyo.
"kailan ka ba pupunta dito?
"Huh?' ahhh.. baka sa saturday na lang ate.." wika ko
"oh siya sige Oo para makita mo itong border ko, na artistahin.."
"ate tina talaga. .nasaan nga pala si ate ayiee?"
"kausapin mo si ayieee?"
"Oo sana ate.."
" ok sige "
"Hello bunso.." Wika ni ate ayie..
"Hi ate, kamusta kayo? ang mga bata si papa?"
" ok naman kaming lahat, at lahat kami ay excited napaka gwapo kasi ng bagong border." wika naman ni ate ayiee..
napakunot noo ako sa reaksyon ni ate mula ng iwan sila ng asawa niya ay hindi na niya narinig na humanga o may pinuri ang kapatid niyang lalaki ngayon lang ulit.
"hay nako pati ba naman ikaw sumang ayon na jan kay ate tina..?" wika ko kay ate ayiee..
"Hay naku mae kung alam mo lang, ang gwapo akala mo e, artista.. ang ganda ng balat.. mukhang mayaman nga e.. pwedeng pwede talaga mag model.."
"ok sige sabi mo e hehe " wika ko dito.. para sa akin ay mas nananabik akong makita ang lalaki sa restaurant ..
"hay nako ayaw mo maniwala try mo kaya magpunta bukas para naman makilala ko siya at malaman mo na totoo ang sinasabi namin sayo.."
"ate .. runaraket pa ako. sa sabado na lang ha? at tawag na lang ako ulit ha may parating na ang kausap ko e.. " wika ko ng makita ko na ang kaklase ko na nagpapatulong gumawa ng thesis.
"Oh siya sige magiingat ka huh? aasikasuhin ko din tong mga bata"
"bye ate.. ingat kayo" ng matapos na ang usapan namin ay tinago ko na ang cellphone ko at nilapitan ang kaklase ko na si aida
nag usap kami tungkol sa detalye ng thesis na pinapagawa niya kung kailan ang deadline at kailan ko ibibigay sa kanya.. matapos noon ay deneliver ko din ang iba ko pang paninda sa aking mga suki.
alas otso ng gabi ng makauwi ako sa dorm, matapos kong maglinis ng katawan ay tinapos ko ang aking mga aralin at inumpisahan ko ang thesis na pinapagawa sa akin. paulit ulit lang naman na ganito lumilipas ang araw ko hinahati ko ang oras at katawan ko sa pag aaral at paano kumita ng pera.
May duty ako sa library ng araw na iyon, sakto ito at mkakagamit ako ng computer para sa thesis ni aida..
"Everyone, " tawag sa amin ni mrs. Castro, na siyang librarian
".. siguraduhin na maayos at malinis ang library.. magiikot ang apo ng presidente ng university, may kasamang board members at mga admins mag ra-rounds sila ngayon at titingnan ang gym library at ibang facilities ng school.. "
tatlo kaming naka duty bilang student library assistant noongboras na iyon kaya nadaki sa amin na maghati hati sa trabaho.
" sige po mam castro.. ang dami po yatang bisita ngayon.." wika ng kasama kong si mica
"Papaano, kasama ang apo ni don montecillo, ang may ari ng university.. " wika ni mrs. Castro
"bigatin pala ang bisita natin ngayon mam" si nikki ang nagsalita
"kaya nga sikapin niyi na walang kalat na naiwan ang nga estydyante at ang nga aklat ay nakaayos .." wika ni mrs castro
agad kaming kumilos at inayos maigi ang mga libro at sinigurado na maayos ang library may mangilan ngilan na estudyante doon na tahimik na nag aaral ng ilang sandali pa ay dumating na ang aming mga bisita
"Goodafternoon po.."kinakabahan na sabay sabay na bati namin
"Goodafternoon everyone, this is our admins.. pagpapakilala ni mrs.castro sa tatlong may edad na babae
this is Mr. frederico chua one of the board members at napatingin kami sa isang lalaking may katandaan na
.. 'and this is Mr.Art Montecillo the grandchild of Don Emmanuel V. Montecillo II. wika ni mrs castro
"Montecillo.." bulong ko sa aking sarili at naalala ang hotel kung saan ako hinimatay..
"Goodafternoon. " wika ng mga ito sa amin.. napatingin kami ng sabay sabay kay Mr art montecillo, napaka gwapo nito, matipuno matangkad at sa tingin niya ay nasa edad 30's o 40's na ito ngunit nananatili ang kakisigan at mukha talagang mayaman..
'.. and this is our student library assistant mam sir.. ito po si nikki mae and mica" pagpapakilala ni mam castro da amin.
yumukod kami bilang pag galang,matapos ay inassist ni mrs. castro at nikki ang mga bisita nagikot sila sa library at kami naman ni mica ang naiwan sa circulation desk
30 minutos ng paguusap nila ay umalis na ang mga bisita at nakahinga kami ng maluwag ipinagpatuloy lang namin ang mga kailangan na gawin sa library at ng mag aalas sais na ay naghanda na siya para umuwi.
Araw ng sabado noon at nakatakda siya na magpunta sa concepcion para bisitahin at bigyan ng pera ang kapatid at kanyang tatay.. namimiss na din niya ang mga ito sapagkat naging abala siya dahil sa dumami ang suki niya kaya dalawang beses siya na bumalik sa divisoria.. masayang masaya ang pakiramdam ni mae na isiping malaki laki ang kinita niya ngayong linggo kaya maililibre nanaman niya ang dalawang pamangkin.
"Pupunta ka ng concepcion?" tanong ni abby noon breaktime nila at nilibre siya ng kaibigan sa isang fastfood.
"Oo at sabado ngayon, kailangan ko na makapagbigay ng pera kina ate.."
"sama ako huh? wala akong lakad ngayon e. wala pa din kasi sila mommy at daddy.."
"sige ba . . "
***JM.
Ngayong sabado ang plano ko na lumipat at tumuloy sa inupahan ko dito sa concepcion nag report muna ako kay uncle mike ng mga plano ko na gawin, at nagpatulong ako kay tatay boy na maglagay at magkumpuni ng ilang bagay sa loob ng kwarto.. tulong ko na din sa kanya kaya kahit kaya ko naman ng bumili ay nagpagawa ako ng papag lamesa at isang cabinet sa matanda.. papag pa lamang ang inuna ni tatay boy na binilhan ko na lamang ng kutson, susunod na lamang daw niya ang iba ko pa na pinagagawa naiintindiham ko naman dahil sa may karamdaman ang matanda.. nakapaghakot na din ako ng kaunting gamit ko na gagamitin habang tinatapos ko ang aking misyon .. sa loob ng iilang araw ay nakapalagayan ko na ng loob ang mga kasama ko sa trabaho lalo na sila ate ayiiee ang mga anak nito c ate tina at tatay boy
"JM!! darating mamaya ang kapatid ko.. mga bandang alas tres kasi maaga daw ang uwi niya ngayon.. abay tiyak na magugustuhan mo iyon..!" salubong sa akin ni ate tina masyadong napaaga ang aking pagpasok, wala pa ang mga kasamahan ko kaya naisipan ko na tumambay sa tindahan
"sige po ate para makilala ko na siya.." wika ko na lamang kay ate tina.. sa araw araw ng pagkikita namin ay halos bukang bibig niya ang kapatid na babae, ganoon din si ate ayiee walang ibang sinabi kungdi magugustuhan ko daw iyon.
"basta kapag tumawag sa iyo si ate tina sagutin mo at bumaba ka kagad ha.. " hirit ni ate ayiee..
"sige po ate.. "
maya maya ay isa isa ng dumating ang mga kasamahan ko nakasanayan ko na din na magkita kita kami sa tindahan para sabay kami na umakyat sa aming opisina.
"mukhang kinukulit ka na nila ate tina ha.."wika ni jeff.
"Oo lagi niyang sinasabi na papakilala niya ako sa kapatid niya.."
"Nako ang swerte ng magiging boyfriend nun.. minalas lang tong si jeff e.." wika ni lhyn..
"alam mo ba pre na binusted non si jeff" wika ni ronnel.
"ako talaga ang pulutan nyo ngayong umaga ha.." nakangiting wika ni jeff
"pero infainess swerte mo jeff kung napasagot mo un.. masipag na may pangarap sobrang ganda pa.. kamukha ko.." wika ni regine na nag pose pa na akala mo ay model.
"ang layo layo mo kay mae e.." wika ni claire.
"Mae??" pagulit ko sa pangalan nito.
"Oo mae ang pangalan non.. di ba sayo nabanggit nila ate tina at ate ayiee..?" wika naman ni hannah.
"Ah, narinig ko lang noon naguusap usap kayo.."
nagkibit balikat na lamang siya at inumpisahan na ang trabaho
Alas tres ng hapon ng mag ring ang cellphone niya at rumihistro ang pangalan ni ate tina.. napapikit na lamang ako ng maalala ko ang ipapakilala nitong kapatid na bunso kinuha ko ang telepono at sinagot ito
"Hello ate?"
"maaari ka na bang bumaba? nandito na ang kapatid namin.." wika ni ate tina sa kabilang linya.