Habang nag-aayos ng mga gamit, nilapitan ni Angelo si Levi. “Pasensya ka na, Kuya Levi, kay Mama at Papa,” mahina niyang sabi. “Hindi ko naman sila masisisi.” Huminga ng malalim si Levi. “It’s okay. Malaki talaga ang kasalanan ko sa kapatid mo. Hanggang ngayon nga, ipinagbabayaran ko pa rin iyon. Walang ibang dapat sisihin kundi ako.” Umiling si Angelo. “Aaminin ko sayo, Kuya, galit na galit din ako sayo… dahil pinabayaan mo si Ate, siguro kung hindi tayo nagkita sa ganitong sitwasyon, baka nasuntok pa kita. Gusto kong ipakita sayo ang galit na ibinigay mo sa kapatid ko. Nakita ko kung gaano siya nasaktan nang hindi mo siya sinipot sa araw ng kasal ninyo.” Natigilan si Levi, halatang tinamaan sa sinabi. “Duwag ako… sira ang ulo ko,” mahina niyang sagot. “Mahal na mahal ko si Alejandra,

