Ilang sandali pa, dumating si Levi sa harap ng bahay. Nakaabang ang malaking sedan na sasakyan, at bumaba siya nang mabilis, nakatingin sa paligid na tila binabantayan ang bawat galaw. Pagkakita ni Papa kay Levi, hindi niya napigilan ang galit at pagkagulat. “Ano'ng ginagawa mo dito?!” sigaw niya, tumitindi ang tono, halatang hindi inaasahan ang pagdating ng lalaki. Si Angelo, na nakatayo malapit sa kanyang mga magulang ay agad na lumapit at hinawakan ang braso ni Papa. Halos nanginginig ang boses niya, ngunit pilit siyang kumakalma. “Pa… pakiusap po, huwag muna tayong mag-away-away ngayon,” mariing sabi niya. “Si ate po ang humingi ng tulong sa kanya kaya nandito siya. Siya po ang maghahatid sa atin sa Maynila.” Si Mama ay tahimik lamang na nakatingin kay Levi. Ramdam niya ang bigat

