“Pero Ate… hindi papayag sina Mama at Papa na aalis kami nang walang malinaw na dahilan,” nag-aalalang sagot ni Angelo. “Paano ko sasabihin sa kanila ang sinasapit mo? Paano ko ipapaliwanag kung bakit kailangan naming tumakas dahil kay Kuya Hugo?” Narinig ni Alejandra ang mabilis na paghinga ng kapatid. Alam niyang naguguluhan ito, natatakot. Huminga siya ng malalim, pinipilit gawing matatag ang boses. “Makinig ka sa akin, Angelo. Makapangyarihan sila Hugo. Anong laban natin sa kanila? Sinubukan ko nang magsumbong sa pulis. May ebidensya na rin kaming inilagay, pero ano ang nangyari?” wika niya, nanginginig ang mga daliri. “Wala. Wala pa ring hustisya. May mga namatay pa nga…” “Ate—” “Kaya makinig ka na ngayon. Isama mo sina Mama at Papa. Lumayo kayo diyan. Ngayon na.” Mahina pero m

