Tumunog ang cellphone ni Hugo bandang hapon, habang nasa opisina pa siya at inaayos ang ilang papeles sa kanyang harapan.. Hindi niya agad sinagot dahil may kausap pa siyang tauhan, pero nang makita niya ang pangalan sa screen, agad siyang tumayo at lumabas. Si Major Morales ang nasa kabilang linya. “Hello?” malamig ang boses niyang sumagot. “Cong, may update po kami,” sabi ng nasa linya. “Wala na po si Angelo sa trabaho. Hindi na siya pumasok simula kahapon. Akala ko po absent lang siya pero hindi po. Nagfile siya ng resignation.” Napakunot ang noo ni Hugo. “Kailan pa siya nagfile?” “Kanina lang po. At Cong.… umalis na rin daw siya sa lugar nila. Kasama ang buong pamilya niya.” Sandaling natahimik si Hugo. Hindi iyon inaasahan. Ngayon alam niya ng may alam na si Angelo. May sinabi s

