NAGLILIYAB sa galit si Hugo nang makarating sa bahay. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok, nakasalubong siya ng ina na nagtataka lalo na at magkausap pa lang sila. “Anong nangyari sa’yo?” tanong nito. “Bakit ganyan ka?” tanong ng ina dahil namumula ang kanyang mukha. “Nasaan si Alejandra?” malamig ngunit gigil ang boses ni Hugo. “Nasa kwarto niyo lang. Hindi naman lumalabas,” sagot ni Leticia. “Hugo, ano ba—” Hindi na siya naghintay pa. Umiwas siya sa ina at mabilis na umakyat ng hagdan. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya si Alejandra na nakahiga sa kama, hawak ang cellphone. “Alejandra!” mariing tawag niya. Bukas naman ang pinto kaya nakapasok siya kaagad. “Anong problema mo?” sagot nito nang hindi tumitingin. Lumapit si Hugo at biglang hinila ang braso niya. “Tumayo ka,” utos

