NAWALA lamang ang galit ni Hugo nang hindi na gumalaw ang katawan ni Alejandra.. Paulit-ulit niyang tinapik ang mukha ng asawa, pero wala na itong buhay. Sinubukan pa niyang pulsuhan ito, pero hindi na gumigising si Alejandra. Wala siyang naramdamang kahit kaunting takot o panghihinayang man lang dahil sa tindi ng galit na nararamdaman niya. Para sa kanya, kulang pa—hindi pa sapat—ang sinapit ni Alejandra sa mga oras na iyon. “What’s going on here?” tanong ni Rocky na bagong dating pa lamang. Napatingin siya sa mag-ina, kina Leticia at Hugo, ngunit laking gulat niya nang makita si Alejandra na nakabulagta sa sahig, duguan, at wala nang malay. Lumapit si Rocky sa walang malay na si Alejandra at muling pinulsuhan ito, pero wala na—patay na si Alejandra. Hindi na ito humihinga.. “Sigurado

