Narinig ni Alejandra ang pag-aabante ng sasakyan nina Hugo at Papa Rocky palabas ng mansyon. Tiningnan niya ang oras—8:00 PM. Tahimik na ang buong bahay. Ang mga security guard ay naka‑poste sa labas; ang mga kasambahay naman ay nagsimula nang magpahinga. Sa probinsya, maaga ang lahat. Maaga ang hapunan. Maaga ang pahinga. At sa ganitong oras, walang sinumang mag-aakala na may gagawin siyang kahit ano. Huminga siya nang malalim habang dahan-dahang isinara ang pinto ng kwarto nila ni Hugo. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya hindi dahil sa kaba na mahuhuli siya, kundi dahil sa bigat ng desisyong gagawin niya ngayong gabi. Hinawakan niya ang maliit na susi na matagal ng nakasabit sa loob ng cabinet. Ang susi sa back door na hindi na halos ginagamit. Kung malalaman ni Hugo, siguradong away

