Madaling araw na at malamig ang hangin nang dahan-dahang buksan ni Alejandra ang backdoor gate. Maingat ang bawat kilos niya, ayaw niyang makalikha ng kahit anong tunog. Pero bago pa siya tuluyang makapasok, may bigla siyang nakita. Si Leticia. Ang kanyang biyenan. Nakatayo ito nakapameywang, at nakataas ang kilay na parang naghihintay ng paliwanag. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Alejandra dahil sa kanyang nakita. “Aba’t… Alejandra,” malamig na bati nito. “At anong ginagawa mo sa labas nang ganitong oras?” Halos matuyo ang lalamunan ni Alejandra. Pero hindi siya nagpakita ng pag-aatubili. Huminga siya ng malalim at sinagot ito ng may paggalang. “Ma… I—I couldn’t sleep,” mahinahon niyang sabi. “So I went jogging around the Gallarzo grounds. Sa loob lang po. I needed to move. I felt

