KINULONG ni Hugo si Alejandra sa kwarto para hindi na ito mangialam sa nangyaring pagpapakamatay ni Grasya. Ang galit niya ay ganoon na lamang, Hindi niya inaasahan na magpapakamatay ito. Ang buong akala niya ay susundin nito ang kanyang sinabi na dahil sa kanya si Angelo pero hindi iyon nangyari. “Nasaan na ang asawa mo?” tanong ni Rocky. “Nasa kwarto. Kinulong ko na muna.” “Bantayan mo yang asawa mo Hugo… Nakita niya ang nangyari kay Grasya. Baka magkaroon ng problema,” ani pa ng kanyang ina. “Kaya ko si Alejandra, Ma.. Huwag niyo na siyang isipin.” “Tawagan mo si Kadyo, Hugo… Kailangan maligpit ang katawan ni Grasya sa mansyon. Malas ang may patay dito sa bahay. Linisin mo itong kalat mo,” ani Rocky na parang sanay na sanay sa ganitong klaseng krimen at maging si Leticia ay ganoon

