“Lumabas kayong lahat! GET OUT!” sigaw ni Hugo, puno ng galit ang boses. Nagkagulo ang mga maid dahil sa pagkamatay ni Grasya, kanya-kanyang atras, at halos hindi makapagsalita sa takot. Isa-isang napaiyak ang mga ito, hindi lang si Alejandra, kundi pati ang iba pang kasambahay na hindi na alam ang gagawin. Nanginginig si Alejandra dahil sa nangyari. “Narinig n’yo ba? Bumalik na kayo sa trabaho ninyo,” sabat naman ni Rocky, matigas ang tono. Agad na nagtakbuhan pabalik ang mga maid sa kani-kanilang gawain, pilit pinapahid ang mga luha habang nanginginig pa rin sa takot. “Hugo… please, tumawag ka ng ambulance. Baka buhay pa si Grasya… please…” pagmamakaawa pa ni Alejandra sa asawa. Wala siyang kung sa mga magulang nito na kaharap niya rin. Habol niya ang hininga habang nakikiusap, nang

