Pagkaalis nina Alejandra at ng mga katulong, halos sumabog agad ang katahimikan. Tumayo si Rocky, mariing nakapamewang, at matalim ang tingin sa anak. “Ano na naman ang ginawa mo sa katulong, Hugo? Tell me!” madiin niyang tanong. Napalingon si Doña Leticia, kita ang inis at pagkabahala sa mukha. “Bakit? Anong ginawa mo sa kanya, Hugo?” singit niya, halos hindi makapaniwala na may bago na namang kaguluhan. Huminga si Hugo na para bang wala siyang pakialam sa bigat ng sitwasyon. Nag-ikot pa siya ng mata bago tamad na sumagot. “Ginalit niya ako. Kaya dapat lang ‘yon sa kanya,” sagot niya, malamig, walang bahid ng pagsisisi, parang simpleng bagay lang ang pananakit ng tao. Nanigas ang panga ni Rocky. “You think that’s an excuse? Hindi ka pwedeng basta manakit ng tao dahil lang sa sama ng

