Nakatitig si Hugo kay Grasya—matalim, puno ng galit, at parang anumang segundo ay maaari na itong sumabog. Walang katao-tao sa malawak na bakanteng lote. Tanging lumang container van at ilan sa kanyang mga tauhan lang ang nakatayo sa gitna at nakamasid sa mga mangyayari. Itinulak niya si Grasya sa loob ng container van…Napaatras si Grasya, nanginginig ang buo niyang katawan. “Sir… wala akong kasalanan…” palahaw niya habang mabilis ang paghinga, namumugto ang mata sa takot. Maging ang katawan ay nanginginig. “Ang lakas ng loob mo ano? Sino ka sa pag-aakala mo ha? Akala mo ba hindi ko malalaman?” “Sir, wala po akong ginagawa.” Hindi sumagot si Hugo. Mabigat ang mga hakbang nito habang papalapit, tila bawat tapak ay banta ng kapahamakan ang naghihintay kay Grasya. Sa pagitan ng mga daliri

