HABANG sakay si Angelo sa kanyang motorsiklo, tila mas malakas pa sa ingay ng makina ang naglalarong mga tanong sa isip niya. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya ang sinabi ng maid ng mga Gallarzo..“Sir, ilayo n’yo na po ang kapatid n’yo sa bahay na ito… kung ayaw ninyong magsisi sa huli.” Hindi niya alam kung bakit biglang nanginig ang mga kamay niya nang marinig iyon kanina. At ngayon, habang tumatakbo sa kalsada ang kanyang motor, mas lalo lang tumitindi ang kabog ng dibdib niya. Pinipilit niyang intindihin. Paano mangyayari ang sinasabi ng maid? Bakit sa lahat ng tao, si Hugo pa? Ang taong ilang beses niyang ipinagmalaki sa lahat..Ang lalaking halos sambahin ang kapatid niya.. Bakit siya pa ang itinuturong nagdadala sa panganib sa kapatid niya? Hindi puwede, bulong niya sa s

