Habang nagkukuwentuhan silang magkapatid ay biglang bumukas ang pinto sa hallway. Narinig nila ang mabibigat na yabag.. Paglingon nila, si Hugo iyon. Napatigil ito sa paglakad nang makita si Angelo. “Angelo?” malamig pero may pilit na ngiti sa boses. “Anong ginagawa mo rito?” Napangiti nang malaki si Angelo, masaya pa rin. “Kuya Hugo! Dumalaw lang po. Sabi ko sa inyo kahapon, ‘di ba? Nag-day off ako kaya sinamantala ko na.” Pero halatang nabigla si Hugo, at bahagyang nag-iba ang anyo ng mukha niya. Parang may pangambang sumagi sa mga mata nito bago niya iyon itago sa isang ngiting pilit. “Hindi ka nagsabi na ngayon ka pupunta,” sabi niya, mababa ang tono. Bago pa makasagot si Angelo, mabilis na nagsalita si Alejandra. “Sinabi ko sa kanya, Hon. Mabuti na nga lang at wala tayong lak

