Halos manginig ang kamay ni Doña Leticia nang makita niya ang video na ipinadala sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala, pero malinaw na malinaw sa screen ang eksena, ang asawa niyang si Rocky at ang anak nilang si Hugo, kasama ang dalawang menor de edad at mas masakit, kitang-kita niyang ginagalaw ng mga ito ang mga bata. Para siyang binuhusan ng kumukulong tubig. “My God… what is this?” bulong niya, halos hindi makahinga. Umuusok ang ulo niya sa sobrang galit at pagkadiri, nanginginig ang dibdib niya sa bawat segundo ng video. Hindi niya mapigilan. Tumayo siya, hawak ang telepono na parang ito ang nagkasala, at dumiretso sa opisina ng asawa na labis ang galit. Pagpasok niya, malakas niyang isinara ang pinto. Napalingon si Rocky, nagulat sa biglaang pagdating ng asawa. “

