Narinig ni Levi ang panginginig ng boses ni Bianca, pero pilit siyang nagpakahinahon. “Alam mong hindi pa ako handang magpakasal, Bianca. Baka naman pwedeng pag-usapan natin ito. You’re pregnant, at ang kailangan nating paghandaan ay ang panganganak mo,” wika ni Levi. Naningkit ang mga mata ni Bianca sa galit. “Ang sabihin mo, hindi mo kayang pakasalan dahil ang nasa puso mo ay ang ex mo—si Alejandra! Magkakaroon ka na ng anak, Levi, pero ibang babae pa rin ang iniisip mo. Samantalang ako, ibubuwis ko ang buhay ko para magkaroon ka ng anak!” napasigaw ito. “Nasaan ba ngayon si Alejandra? Kasal na siya sa ibang lalaki, Levi. Wake up!” Napatigil si Levi, pero hindi binawasan ng katahimikan ang sakit na nararamdaman ni Bianca. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang tiyan, saka tumingin

